Nagdidiscuss na naman ng nakakasira ng ulo na topic ang teacher ko sa Science. Like heck, wala namantalaga akong maintindihan. I looked around our classroom while tapping my pen impatiently on my armrest. Nakita ko si Maverick, kadaldalan na naman si Mark. Napalingon sya sa'kin. I yawned to tell him I was bored as crazy and mouthed the words I might die of boredom. He just smiled at nagkunwaring nagsuot ng earphones, meaning he wants me to just listen to a song.
I nodded and shrugged. He's right. Music'll help me feel better.
Isinalpak ko ang isang earpiece ko sa kaliwang tenga ko at nagpatugtog ng I wanna get better by Bleachers. Nakita ako ni ma'am but she just carried on with what she was teaching. Alam nya kasi na music helps me relex. Helps me relieve stress. Oo sabihin na natin na special teatment, e wala eh. Mas mabilis ako matuto pag may kanta.
Tiningnan ko yung relo ko. 10:36 am. Next subject, TLE... Lipatan na naman ng classroom. Tinatamad ako umakyat ngayon...
Cutting na lang kaya...?
Hindi na. Aakyat na ko. Makakatulog pa ko sa subject na yun.
Nagpalipas ako ng ilang minuto. Nagdrawing ng logo ng Black Veil Brides, Nag lip sync sa I'm not the only one, at lastly, nagcompose. ng tula? hindi. ng kanta.
Let's see. The song goes like..
Hey hey, I feel my heart race
Whenever you come around
I feel the earth shake
I think my feet just left the ground
I can't stop smilin'
I can't stop --
"Hoy dre! Ano?!" sigaw ni Mavie
huh?? "Anong ano?"
"Wala ka na naman sa sarili mo! Lutang na naman utak mo! Tara na dre!" sigaw nya ulit habang nakaakbay kay Chloe
Si Chloe yung ka-MU ni Mavie. MU pa lang kasi bawal pa mag bf si Chloe pero okay na rin.
Umakyat kami ng classroom namin para sa TLE. Sa subject na yun, ka-classmate ko si Julian at Mavie. Si Julian, close friend ko yan. Sa kanya ako umiyak nung nag hiwalay kami ni Kat. Sa kanila din ako minsan tumatambay pag nanonood ng movie.
"AJ yung project natin." biglang nagsalita si Kaleb. Classmate ko sa lahat ng subject. Kaibigan ko. Di kami masyadong close. Gwapo sya, ma-appeal. Dinudumog ng babae. Friends nga nan sa FB 4,000 plus. Dalawang FB account nya. "Magluluto daw tayo ng healthy meal para sa may sakit pero tayo din ang kakain."
"Geh. Bili ka ng french fries sa clown na nakastripes, ng crispyjuicyextraoridinarylicious chicken joy dun sa crossbreed ng bubuyog at baboy at bili ka na rin ng so good it huuuurts na chicken sa Kanto Fried Chicken." sabi ko sabay upo sa tabi nya