♥Chapter 4♥: Beach

182 4 1
                                    

JIAN'S POV

After namin maghanap ng hotel, which is wala nga kaming mahanap, he suggested na sa resort na lang kami magovernight.

Kaso wala ako dalang swimsuit :(

Sabi niya ayos lang, pero magsswimming pa rin siya tapos iiwan niya ako :'(

"Wag mo ako iwan please?? Ayoko magisa eh..." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Eeeh. Bahala ka jan! Hehe" asar naman niya sakin tapos lumabas na ng kwarto. Nakacheck-in na kaya kami!

"Huy! Cj kasi! Walang ganyanan!! Please naman oh! Kawaw-" sinaraduhan niya na ako ng pinto. Tsk. Tsk. Tsk.

Dahil ako ang naiwan, nasa akin ang susi so....pwede pa ako lumabas dito!!! Ohorat~

Dali dali akong lumabas at nilock ang pinto, bumaba ako papuntang beach.

Di naman masyadong crowded eh, kaya maayos ayos yung beach, pag maraming tao daw kasi, sobrang gulo nitong lugar na to!! Good thing we came here na konti lang ang tao.

Hinanap ko siya kaso wala eh. Baka nasa tubig na siya, or nasa cr lang. Habang hinihintay ko siyang lumabas sa pinagtataguan niya, umupo muna ako dun sa sand at naglaro dun (bata ang peg?? XD)

Gumawa ako ng castle kaso isang epic fail yung gawa ko, kasi di naman mukhang castle eh, mukhang isang unidentified object. (Lol specific??)

Napatulala na lang ako sa beach, sobrang tahimik, makakapagrelax ako.

Huh? What's this???

Isang lalaki ang biglang umahon mula sa tubig, nakashirt siya at shorts. Bigla kong narealize kung sino yun...

Si Cj....

Syet! Bakit ba ang cute niyang tingnan pag wet look? Macho pala siya eh! Wag lang siya magsshirtless, my virgin eyes!!!!

Napatingin ako sa kanya at di ko namalayan na palapit siya sakin.

"Susunod ka rin pala dito eh, magiinarte ka pa" sabi niya at binasa niya ako.

"HUY ANO BA?! DI NGA AKO MAGSSWIMMING EH!! MABABASA YUNG DAMIT KO!!" reklamo ko at binatuhan siya ng sand.

"Diba may damit ka naman??" Tanong niya sakin.


"Oo, bakit??" I asked him.


Then I wasn't expecting what will happen next.

BINUHAT NIYA AKO PAPUNTA SA TUBIG.


"IBABA MO AKO!! HUY!! DI NA NAKAKATUWA!! PLEASE NA!! CJ KASI EH!! WAG PLEASE!!" pagmamakaawa ko pero parang wala siyang narinig.

"ONE, TWO, THREE!"

*SPLASH*


Binato niya ako sa tubig na para bang isang gamit. GRABE SOBRANG LAKAS NIYA.

"Haha! Sarap magswimming diba?" Tanong niya sakin.

Tiningnan ko siya ng masama habang nagiisip ng plano kung paano ako gaganti.


Nag acting ako as if iiyak na ako. "Cj naman eh! *sniff* ayoko nga magswimming eh! *sniff*"

Biglang nagiba yung mukha niya, naging malungkot at worried.


"Huy, sorry na, wag ka umiyak..." sabi niya habang tinulungan akong makatayo pero hinatak ko siya sa tubig kaya siya naman yung natumba.

"YESSS!!! HAHAHA!!! SWEET REVENGE!!" tapos tinawanan ko siya.

Nagulat siya sa ginawa ko at tumingin sakin ng nakakaloka. "Sweet revenge pala ha!" Bigla siyang tumayo at tumakbo na ako palayo kasi alam kong ako na ang bibiktimahin niya.

"HAHA! DI MO MAHAHABOL!!!" asar ko sa kanya kaya hinabol niya ako.

Mukha kaming mga bata na naghahabulan, nakakatuwa nga eh, for the first time, ngayon lang ako nakadama ng ganitong saya.

And I wish that this moment will never end.


Takbo pa rin kami ng takbo ng pumunta ako sa may tubig at binasa siya. Ganun rin ang ginawa niya sakin, ang sakit nga eh, tinamaan ako sa mata! Saltwater pa naman :(

"Tama na! Haha! Ang sakit na eh!!" Sabi ko habang dinedepensahan ang sarili ko mula sa tubig na tumatalsik sakin.

"WALANG TITIGIL!! HAHA!!" sabi niya habang lumapit siya sakin at KINILITI AKO.

"HAHAHAHA!! TAM-HAHAHA!! TAMA NA CJ!! HAHAHAHA!!!" tawa ako ng tawa kaya di na ako makahinga.


Bigla akong na-out of balance dahil kinikiliti niya ako kaya pareho kaming natumba.

Pero nasuportahan ko yung sarili ko kaya di natumba yung mukha ko sa tubig, then the next thing I kniw, sobrang lapit na ng mukha niya sakin.


Grabe tibok ng puso ko....para akong nababaliw....

Tiningnan niya yung lips ko at tumingin sa mga mata ko ulit.

Bakit ba ako ganito??? Kinakabahan ako at the same time...natutuwa...


Then I realized na palapit ng palapit yung mukha niya sakin....


Shit! Bakit di ako makagalaw??!!


Halos konti na lang at maghmdidikit na yung mga labi namin ng bigla kong naaalala....


Di ko siya pwedeng mahalin, masasaktan ko lang siya sa huli.


Pero hindi na 'love' ang tawag dun? Magsasakripisyo ako na hindi siya mahalin para di siya masaktan sa huli?

모르겠어.....나는.....쟤를 사랑해.... (I don't understand.....I...love him...)


"Uhmmm...tumayo ka na please??" Sabi ko at dali dali siyang tumayo.

"S-sorry..." nauutal na sabi niya. Narealize ko na namumula pala siya. Tumayo na rin ako at napatingin lang kami sa isa't isa.

"Sa..sand muna ako okay??" Paalam niya sakin at umupo na dun sa may buhangin. Tumayo lang muna ako dun at nagpaalon.

Maya maya, nakita ko siyang may sinusulat sa sand, pinuntahan ko siya para mabasa kung ano yun.

He just wrote his name...but with an 'and' (&) sign beside it.

Cj &....

Umupo ako sa tabi niya at sinulat ang pangalan ko dun.

Napangiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko. I looked back at him and smiled too. I don't care kung magkahold hands kami.

All I care is that he's beside me, and I can feel his touch.

------------------------------------

Oha! Double ud!!! Chapters 3 and 4!!

Thank you for reading and Godbless!!

lovemuchxoxo

Run Away With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon