♥Chapter 7♥: Away From Me

147 3 2
                                    

I can sense that the end is near....

Thanks for reading btw!!

------------------------------------

Lol. Ang laki na mg eyebags ko!!! Huhu~

Eh pano ba naman kasi!!! Yung sinabi niya kagabi!!!!!

"Mahal kita"

"Mahal kita"

"Mahal kita"

"Mahal kita"

"Mahal kita"

Tae!!! Di na maalis sa isip ko yun!!!! Kailangan kong makalimutan kundi magmumukha akong zombie!!! Ayoko nun!! Waaaaahhhh!!!!!

Okay, tama na drama...nasa beach ako ngayon, nagsesenti...JOKE! Siyempre di noh! Ayoko maging sadista. ㅋㅋㅋ

I'm just watching the sunset while a lot of thoughts are in my mind. Di ko na nga alam kung ano iisipin ko eh. First, the thing that bothers me is feeling ko na may nanonood samin! Para bang may stalker!! Second, di ko na alam kung ano gagawin ko sa life ko, I mean, wala naman akong trabaho! I know summer vacation namin ngayon at pasukan na naman sa June. Third, napapalapit yung loob ko kay Cj, eh kung naghiwalay na kami, pano na ako?? Lutang na zombie na lang lagi??

Ba't ba ang problemado ko?!!!!!

Sa sobrang inis ko pinagsisipa ko yung buhangin. Alam kong mukha akong baliw pero BALIW na talaga ako. Bumalik ako sa katinuan ng biglang nagvibrate yung phone ko. Like lol, di ko pa ata namemention na may phone ako sa story noh?

Tiningnan ko yung notifs ko at may nakita akong message...

Actually 3 yung message eh, yung dalawa galing kay mama at kay Ate Suzy tapos yung isa galing sa unknown number.

Yung message nila mama at Ate ay 'sana daw bumalik na ako' tapos si Ate naman nagsosorry na sakin. Okay, apology accepted, pero nanigas ako sa inuupuan ko sa message galing sa unknown no.

'Layuan mo si Cj kung hindi papatayin kita...ibalik mo na siya!!'

Sino namang bruha ang nakakuha ng number ko at bakit niya alam na magkasama kami ni Cj ngayon????!!!

------------------------------

Bumalik ako sa kwarto namin at nakita si Cj na nagkakalikot ng bag niya.

"May hinahanap ka ba??" Tanong ko at tinabihan siya.

"Yung phone ko....nawawala"

"Nakasave ba yung number ko dun??" Tanong ko naman.

"Oo."

Teka-...kung nawawala yung phone niya and naka save dun yung number ko, hindi kaya nanakaw yung phone niya at kung sino man ang nakakuha nun ay minessage ako?

Malamang minessage ako, natanggap ko na nga yung text eh, pero kung alam niya na magkasama kami ni Cj ngayon, malamang nakikita niya kami at kilalang kilala niya si Cj.

"Uhmmm...may sasabihin ako sayo, related sa phone mong nawawala..." - Me

Tumigil muna siya sa paghahanap "Ano yun??"

"May nagmessage sakin kanina and.......alam niya kung nasaan tayo" pinakita ko yung message para mabasa niya.

"Kailangan na natin umalis ngayon na." Sabi niya at inayos lahat ng gamit niya. Inimpake ko na rin yung akin at agad agad kaming bumaba para mag check out tapos feeling ko na naman may nakatingin samin.

"Cj, pakibilis.." sabi ko ng mahina.

"Oo na wait lang.....okay let's go" sabi niya at agad kaming lumabas ng resort as sumakay sa kotse niya. Umandar na yun agad papunta kung saan man.

"Kilala mo ba kung sino ang nagmessage sakin??" Tanong ko.

"Malamang si Katie yun."

Katie? Katie Perry? Hehe jk. Okay ang korni ko.

"Pano niya naman nalaman kung nasaan tayo??" - Ako

"Ewan ko!"

Sa totoo lang ayoko pa bumalik sa amin, gusto ko mapag-isa muna pero ayoko rin naman na umalis si Cj or worse, mahuli siya at mabugbog.

Like 'No way dude.'

Grabe, gumagabi na, medyo madilim na eh...

Tumingin ako sa likod at may napansing sasakyan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko...

'Hindi kaya sila na yan? Sinusundan kami??

"Cj. Bilisan mo magdrive." Utos ko sa kanya.

"Bakit nam-"

"Just do it!!" At binilisan niya ang pagdrive. Lumalayo na kami sa sasakyan pero sumusunod pa rin samin yun.

"Shit! I think it's them!!!" Sabi ko at napatingin siya sa likod. Mas lalo niya pang binilasan ang takbo ng kotse kaso naabutan kami nung sasakyan sa likod at pumara sa harap namin.

May dalawang lalaki na bumaba sa sasakyan at lumapit samin. Binuksan niya yung pinto ni Cj at hinila siya palabas. Bigla na lang siya pinagsusuntok ng mga lalaki. Bumaba ako at sinubukan silang pigilan.

"Ano ba?!! Tama na please!! Pakawalan niyo na siya!!!" Pagmamakaawa ko sa kanila at sinubukan lumapit kay Cj pero tinutukan ako ng baril nung isang lalaki.

"Subukan mo lumapit sa kanya, ikaw ang uunahin namin" sabi niya. Nanatili ako sa kinakatayuan ko at tiningnan lang si Cj na binugbog.

Naramdaman ko na lang yung luha ko na tumutulo.

"Tama na please..." sabi ko ng mahina. Gustong gusto ko man siya lapitan at harangan sila pero di ko magawa. Walang awa tong mga tao na naandito ngayon.

Eto na ata ang isa sa mga masasakit na araw ko. Di ko kaya siyang makita na ginaganyan.

Mga ilang suntok pa at pupunta na sila sa sasakyan para iuwi si Cj, lumayo na yung lalaki sakin at naandun pa rin ako nakatayo. It seems like my feet are glued to the ground.

Mahina na si Cj ngayon, dumudugo na nga yung labi niya at may pasa na siya sa braso. Pawis rin siya kaya kumakalat yung dugo sa mukha niya. Di naman siya duguan as in sobra, pero kawawa siya.

"Ibalik na natin siya kay boss" sabi nung lalaking tumutok sakin ng baril at pinatayo nila si Cj para makapunta sila sa sasakyan.

Pero imbis na pumunta siya dun, tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako.

"M-mahal kita.." yun lang ang narinig ko sa kanya ng hatakin siya nung mga lalaki. Kumapit ako sa kamay niya. "W-wag mo ako iiwan.." sabi ko habang umiiyak. Hinahatak pa rin siya nung mga lalaki at lumapit yung isa sakin at hinatak naman ako para bumitaw sa kamay ni Cj. Sa sobrang lakas ng hatak niya, bumitaw ako at tinulak ako palayo nung lalaki. Napatumba ako dun at dinala nila si Cj sa sasakyan at umalis.

Iyak pa rin ako ng iyak, di ko mapigilan yung sarili ko. Ang sakit mahiwalay sa kanya, and nakita ko pa siyang sinasaktan. Wala man akong nagawa para pigilan sila.

Bumalik ako sa sasakyan ni Cj at umiyak dun.

Kailan kaya kami magkikita ulit?? Ano kaya mangyayari sa kanya??

Mas lalo akong napaiyak ng maalala ko yung sinabi niya.

"Mahal kita."

Yun ang mga salitang di ko makakalimutan.

At yun rin ang mga salitang di ko nasabi sa kanya.

------------------------

SORRY KUNG PANGET DI AKO MARUNONG GUMAWA NG DRAMA EH.

Pasensya na talaga dahil korni ako, 죄송요...

Sana ituloy niyo ang pagbasa ng story kahit pumangit yung takbo ng kwento na ito :)

Thanks for reading!!! :)

lovemuchxoxo

Run Away With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon