Hello guys! Sorry dahil ngayon nalang ulit ako nakapag-update. Masyadong hectic schedule ko eh. Mag aartista kase ako, chos! Busy akong nanonood ng mga videos sa YT. Fan kase ako ng SNSD, hihi. Lalo na kay Tiffany Hwang. Because she's pretty, kind, humble, dorky and I love her eyesmile. Pasensya ah? So, eto na ang Chapter 3. Princess Tanya's World.
Princess Tanya & Hermo (photo un the side)
-
Chapter 3: Princess Tanya's World
Mundo ng gulo. Mundo ng puno ng masasamang nilalang. Mundo ng kasamaan. Mundo ng kahirapan. Mundo ng sakit. Yan ang mundo ko. Pero sa kabila nun, ang kaharian ko ay ang pinaka magandang lugar sa buong mundo.
"Prinsesa Tanya!" tawag saakin ng aking pinagkakatiwalaang alagad na si Hermo.
"Anong balita hermo?"
"Nagkatagpo na po ang araw at ang buwan." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Nagkatagpo na ang dalawang nilalang na kailangan natin para sa nalalapit na laban." tumayo ako at lumapit sa imahe ng mundo.
"Ngunit may problema po tayo mahal na prinsesa.."
"Ano iyon hermo?" takot kong tanong.
"Nasa mundo na rin po ng tao sina Demetri at ang mga alagad nito." napatingin ako sa gulat.
"Paano napunta sa mundo ng tao sina Demetri?" galit kong tanong.
Tumakbo naman palapit saakin ang isang kawal dito sa palasyo. "Sa aking pagkaka-alam mahal na prinsesa, kinuha po nila ang krystal sa isla ng dagitab." PAANO? BAKIT?
"Saan mo ito narinig?"
"Narinig ko po ito sa mga duwendeng kasama nina Lily at Anton." maraming nalalaman ang mga duwendeng ito. Siguradong makakatulong ang mga ito saakin.
"Papuntahin dito sina Lily at Anton." Utos ko.
-
Celestia's POV~
"Goodbye Ms. Reyes." Lunch break na!! ❤
Papunta akong canteen nang makita ko si Luna na nakatulala sa isang tabi.
"Luna? Are you okay?" tanong ko. Namumutla kase siya eh.
Tiningnan niya ako at saka ngumiti. "Oo naman. Okay lang ako." And with that, bigla nalang siyang nahimatay.
"Luna?" Sabi ko habang tinatapik ang pisnge niya. "Luna! wag kang mag joke ngayon. Di nakakatuwa!" ano ba luna!
"Luna!!" sigaw ko.
"Tulong!!" sigaw ko at lahat naman ng nakarinig saakin ay lumapit. Isa na don si Dominic.
"Anong nangyari kay Luna?" nag aalalang tanong niya.
"Hindi ko alam. Bigla nalang siyang nahimatay." sabi ko sabay tapik ulit sa pisnge niya.
"Tumabi kayo!!" sigaw ni Dominic at binuhat si Luna. Tinakbo niya ito sa clinic, ako naman ay sumunod sa kanila dahil kinuha ko pa mga nalaglag na gamit ni luna.
Pag dating ko, nakahiga na si Luna sa bed at si Dominic naman ay tanong ng tanong sa nurse. (-_-)
"Okay lang po ba siya?" Dominic
"Titingnan ko pa ha? Saglit lang."
"Sa tingin niyo po anong cause kaya siya nahimatay?" Dominic
