short comedy story (tagalog)

686 13 0
                                    

𝐊𝐔𝐊𝐔𝐇𝐀 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑, 𝐌𝐀𝐋𝐈 𝐏𝐀

Hapon ng alas-tres at tambay lang ako sa tindahan ng tropa ko.

Huwag kayong ano, tapos na 'kong tumulong sa gawaing bahay ni mama. Nag-igib na 'ko, ah.

"Woi, 'tol! 'Yong crush mo, oh. Papunta yata rito," ani Shun at kinalabit ako.

Napa-angat naman ako ng tingin at nakita ko nga si Minova na nag-ce-cellphone habang naglalakad.

"'Tol, huwag ka pahalata. Kalma," saad ko kay Shun.

"Ulul, ikaw nga kinakabahan diyan," sagot niya't pumasok sa kanilang tindahan dahil may bumibili ng piattos na red.

"Pa-load," ani Minova ng makarating sa tindahan at siya na ang i-se-serve.

"Ano sim? Tsaka magkano?" si Shun.

"TM, 20 pesos."

"Saglit." Umalis muna saglit si Shun at kinuha ang cellphone na ginagamit nila para mang-load.

Shit. Chance ko na ba 'to? Mamaya 'pag umalis na si Minova kukunin ko kay Shun 'yong number. What a brilliant idea, Shan.

"Ano number Nova?" tanong ni Shun ng makabalik.

"Here," sagot ni Minova at binigay ang piraso ng papel.

Tinignan ako ni Shun, sinusubukan akong kausapin gamit ang mga mata namin. Tinaas ko lang ang kilay ko't lumingon ulit sa cellphone.

"Ayan okay na." Binigay ni Shun ang papel at narinig kong tumunog ang cellphone hudyat na pumasok na nga ang load.

Nagbayad na lang si Minova at kinuha ang papel tsaka na umalis.

"Woi, Shun, ano number?" tanong ko agad ng makalayo si Minova.

"Ito, 09123456789." Agad kong itong tinype sa contacts ko at sinave.

Mamaya ako mag-text, hahahaha.

"SHAN!" sigaw ni mama.

"Oh?"

"Bantayan mo muna itong kapatid mo, mag-grocery lang ako."

"Oy, 'tol! Uwi muna ako. Thanks sa help." Ngumisi ako't umuwi na.

Pagka-uwi sa bahay ay umalis na rin si mama. At dahil tulog ang bunsong kapatid ko ay nag-text na ako sa number na binigay ni Shun.

'Hi, miss. I love you po." Okay, sent.

"Sino ka?" HAHAHAHAHAHAH ako 'to, yong forever mo, de joke.

"Hulaan mo."

"WOI KUNG SINO KA MANG NILALANG KA WALA AKONG PANAHON SA 'YO, AH. PUNYETA KA KUNG BALAK MO MAG-SCAM NG TAO HUWAG AKO. MARAMI NA AKONG PROBLEMA DADAGDAG KA PA BA? MAY MGA ANAK AKONG PINAPAKAIN KAYA MANAHIMIK KANA KUNG SINO KA MANG GAGO KA."

"HUH? MAY ANAK SI MINOVA?" Sigaw ko.

"Eh? Wala naman akong anak, ah?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Minova. Nasa labas kasi ako.

Tinignan ko kung may hawak siyang cellphone at wala akong nakita!

"Minova! Tignan mo nga itong number na ito. Kapal ng mukha mag-text sabi ba naman, "Hi, miss. I love you po." Parang bobo tawagan mo nga. Paano ba 'to?" Sigaw ng mama ni Minova na ikinagulat ko.

SHIT PUTANGINA SAAN MAGANDA MAG-TAGO?!

her piecesWhere stories live. Discover now