C8 : Text

38 2 0
                                    

ALICE

*krrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngg*

Tinignan ko yung oras. WHAT?!

11:30am na! Late na ako sa klase. Nakalimutan kong ibalik sa 6:30am yung alarm ko.

Tumayo na ako kaagad at naligo na. Nakalimutan ba ni ate na monday ngayon at may pasok ako? Hay.

Pagkatapos kong maligo't mag ayos, kinuha ko na yung bag ko at binilisan kong bumaba para uminom ng milk. Mamayang dinner nalang ako babawi sa pagkain.

Pagkatapos kong uminom ng gatas, nagantay nalang ako ng taxi para makapunta ng school.

Dyusme. First time tong mangyari sa akin. Palagi akong maagang pumupunta ng school dahil kay Troy. Ngayon lang talaga ito nangyari. >.<

Pagkarating ko ng school, lunch na pala nila.

I missed Math, Computer, Ap, English,and Filipino subjects. Bukas nalang ako mag e-explain sa mga teachers ko sa subejcts na yun.

Naramdaman ko yung cellphone ko na nagvibrate nung papasok na ako ng classroom para iwanan ang mga gamit ko dun.

From: Bestfriend Jane

"Papasok ka ba? :("

Meron pang isang nagtext sa akin.

From: Unknown Number

"Hi, bakit hindi ka pumasok kaninang umaga? May sakit ka ba? Pupuntahan kita sana sa condo mo kanina kaso pinagbawalan ako ni Mama. Worried lang ako. I hope you received this text. Miss you. -Troy"

OMG.

Nung una, sinabihan lang ako ng maganda. Ngayon, i miss you na! Ang swerte ko talaga. Dreams really do come true.

Tinawagan ko muna si Jane.

"Hello?" Sabi niya. May naririnig akong nagtatawanan sa background niya.

"Jane, nasaan ka ngayon? Punta tayo sa hiding place natin! Nandito na ako sa school." Sabi ko sakanya.

"Uhm, sorry I can't make it." Sabi niya.

"Huh? Bakit?" Tanong ko.

"Kasama ko si T-troy." Sabi niya. "B-bye!"

Binaba na niya yung phone call.

Sino daw yung kasama niya?! Si Troy!

So all this time.. tinatraydor niya lang pala ako. Akala ko ba pinupush nila na magustuhan din ako ni Troy?!

Ayoko sa mga traydor.

Ayoko sa mga AHAS.



A Love that existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon