Chapter 8

52 4 2
                                    

Angela's POV

“Hello? O bat napatawag ka?” si Gail. Yung katrabaho ko dati sa shop.

“Nasaan ka Gela?”

“Nandito sa bahay. Why?”

“Eh may naghahanap kasi sayo dito sa shop. Taga ABC Modelling Company sila. Kung pwede ka daw bang pumunta dito or sila na yung pupunta jan”

(AN: Sorry wala akong maisip na company. HAHA)

“Ha? Eh ako na lang kamo pupunta jan. 10minutes kamo. Sige bye.” Nag-ayos na ako.

Habang ngdadrive ako papunta shop eh inisip ko yung pangalan ng company na sinabe ni Gail.

ABC Modelling Company. Parang pamilyar yon sa akin. Tsk

“O eto na po pala si Gela.” Sabi ni Gail pagpasok ko ng shop.

“Salamat Gail. Uhm, goodmorning Sir/Mam. What can I do for you?” tanong ko.

“Please have a seat na muna Miss Gela.” Sabi nung babae.

“Ah thank you po.”

“Well, I would like to introduce myself first, I am Andrea Tan and this is Gilbert Valenzuela. We are from ABC Modelling Company. Call us Andrea and Gilbert. We are here to ask you if you're willing to be one of our talents. We've seen a lot of potentials from you. Your walk, your smile and the way you move. It's graceful.” Nakangiting pagpapaliwanag sa akin ni Andrea

“Wow. Uhm, Andrea. How long have you been seeing me? I didn't know na meron ako nung mga sinabi mo. Haha.” Pabirong sabi ko sa kanya

“Actually, we have numbers of agents sa company na naghahanap ng mga gorgeous women out there to be our model. And luckily, we have Gail. You know na kung anong susunod.” Paliwanag niya

Napatingin ako kay Gail.

Ngumiti naman siya sa akin.

“Haha. I'm speechless. So you're telling me na magiging part na ako ng company niyo?” natatawa kong tanong

“Uhm, kung papayag ka sana. Besides, ang tagal na naming hinihintay tong pagkakataon na ito, nung sinabi samin ni Gail na wala ka na sa shop tuwang tuwa kame. So ano? Is it a deal?”

“That would be a great experience for me.So it's a yes.” Nakangiti kong sagot

“Wow! My working days will be fun because of you sister! Eeh, I can't wait to make a dyosa out of you.” Bulalas ni Gilbert. Beki pala siya. Hindi halata. Haha

“Oopsies, nagulat ka yata kay Gilbert? Haha. Ganyan talaga siya, sinama ko siya dahil ang magiging personal HMUA mo. Siya ang pinakamagaling kaya siya ang naka-assigned para sayo.”

“Thank you. Wala talaga akong masabi sa nangyayari. Haha ”

Nagpapaalam na sila sa akin.

Ako naman eh nagpasalamat na din kay Gail dahil somehow, alam niyang gusto kong pumasok sa ganitong mundo.

Bukod sa pagiging chef ay gusto kong makilala ako ng buong mundo.

Ito lang ang paraan para masagot ang mga tanong sa buhay ko.

Someone's POV

“Sir, pumayag na po siya. And I'm glad na hindi po kami nahuli ng dating. I heard na madaming gustong kumuha sa kanya. Buti na lang at employee natin si Gail. Hindi tayo nahirapan.” Sabi ni Andrea sa akin

“Good. Thank you Andrea. Without you, hindi ko magagawa to. I missed her.” Nalulungkot na sagot ko

“I understand you Sir. Sana lang po ay maging maayos ang lahat.” Sabi niya at nagpapaalam na.

Magsisimula na ang lahat. Welcome back Angela. Welcome home.

Gavin's POV

“I'm sorry Marg. I'm sorry. Sobrang busy ko dito. Hindi ko na malaman kung ano ang uunahin ko. Babagsak na ang kumpanya. Kapag hindi ko naisalba to ay mawawala lahat sa akin. I'm sorry baby. Hindi ko ginustong mawalan tayo ng communication. It's just that I spend almost all of my time working. Sorry baby. I love you. Magsalita ka naman please.” Naiiyak na sabi ko kay Marg.

Ilang linggo't ilang araw akong hindi nakapagparamdam sa kanya dahil sa patong patong na trabaho sa kumpanya. Kung may ibang magagawa lang sana ko para mapadali ang lahat.

“I u-understand Gav. Namimiss lang din kita ng sobra. I'm sorry kung nagkakaganito ako. Akala ko lang kasi iniwan mo na ko. Andaming nangyari simula nung nawala ka Gav. Hindi ko na maintindihan. Naguguluhan ako Gav. Kung nandito ka lang sana para ipaliwanag lahat. Nahihirapan ako Gav. Gulong-gulo nako.” Umiiyak na naman si Marg

“Shh. Baby don't cry. Gagawin ko lahat para maprotektahan kita kahit nasa malayo ako.” Pag-aalo ko sa kanya

“Aasahan ko yan baby. Siya nga pala, magiging model na ako Gav. Makikilala na ako sa buong mundo. Masasagot na lahat ng tanong ko Gav.” Excited na pagbabalita niya sa akin.

Shit.

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

isang buwan pa lang ako dito nakalapit na agad sila kay Marg.

Hindi pwede to.

Kailangan ko siyang balikan sa lalong madaling panahon.

“Gav? Anjan ka pa ba?”

“Yes, yes baby. Natuwa lang ako dahil matutupad na ang pangarap mo. Susuportahan kita sa kung anong gusto mo. Just promise me one thing baby.” Sagot ko

“Ano yun Gav?”

“Wag kang matitiwala agad-agad sa kung sino-sino. Tandaan mo Marg hindi mo pa sila kilala ng lubusan okay? Take care of yourself. Babalikan kita agad jan.” kinakabahang sabi ko sa kanya.

“Sure sure. Nagiingat naman ako sa mga bagong kilala Gav. Nakatatak sa isip ko yung palagi mong sinasabi dati. Na ikaw lang higit kanino man yung dapat pagkatiwalaan ko. Don't worry about me Gav. Take your time.”

“Salamat baby. May tiwala ako sayo. I'll be back soon. Hung up na baby. I love you.”

“I love you too Gav.” Pinindot ko na ang end button.

Marg. Marg. Marg. Hindi pwede tong mga nangyayari ngayon. Naalala ko yung huling pag-uusap naming ni Dad.

“I told you, one step at a time iho. Hindi mo kayang pagsabay-sabayin ang lahat.” Sabi niya

“But Dad, alam mo namang kailangan kong matapos lahat ng ito para makauwi na sa Pilipinas.” Tugon ko

“Si Marg na naman ba?” tanong niya

“Yes Dad. “

“Buong buhay mo wala ka ng ginawa kundi pasayahin at alagaan ang babaeng yan. Diyan masisira ang buhay mo iho. Sinasabi ko sayo ang katotohanan. Sooner or later malalaman niya ang lahat.” Maanghang na sabi niya

“Dad! Stop it! Hindi ko kailangan ng kahit na anong opinion niyo tungkol sa relasyon naming ni Marg! Mahal ko si Marg at mahal niya din ako. Stop meddling with us. Inuna ko ang kumpanya sa ngayon dahil ayokong mawala sa akin si Marg. Alam niyo ang kaya kong gawin Dad. So, please.” Galit kong sabi

“I'm just warning you iho. And oh, alam ko at kilala kita. I'll leave everything to you. I know you can handle it. Just be sure na maaalagaan mo ng husto yang babaeng yan habang nandito ka sa Paris. Piece of advice from your beloved father. Bye Son.” Pagpapaalam niya

“Bye Dad.” Naguguluhan kong sagot sa kanya.

Marg. I'll do everything para hindi ka mawalay sa akin. Akin ka lang.

---------------

Eto na po. Unti unti nang magkakaroon ng linaw ang mga tanong na umiikot sa isip ni Margaux. Makikilala niyo na si Gavin. Malalaman niyo na kung sino talaga siya sa buhay ni Margaux. Ang letter sender, kaaway ba siya o kakampi? May mabuting maidudulot ba siya kay Margaux? At si Margaux, anong meron sa ABC Modelling Company at sa kanya? Abangan! :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are my One in Six Billion ( ON-HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon