CHAPTER 2: The Real Beginning

2 0 0
                                    


Abril 10, 2009

"Nanay, Tatay, gusto ko tinapay.
Ate, kuya gusto ko kape.
Lahat ng gusto ang susundin niyo ang magkamali ang pipingutin ko."

"Ng isa"

Clap.

"Dalawa"

Clap. Clap.

"Tatlo"

Clap. Clap. Clap.

"Apat"

Clap. Clap. Clap. Clap.

"Lima"

Clap. Clap. Clap. Clap. Clap. Clap.

"Ani-"

"Sandali!" Sigaw ng limang taong gulang na batang babae sa kaniyang mga kalaro.

"Bakit?" Tanong ng kaniyang mga kalaro sa kanya. Sila'y naguguluhan kung bakit sila nito pinatigil bigla.

"Hindi niyo ba narinig may pumalakpak ng sobra sa lima. Sino yon?" Sabi nito sa mga kasama habang tinuturo pa ito isa-isa na tila hinuhuli ang isang suspek na nagkamali kani-kanina lang.

"Ha? Eh hindi naman namin narinig. Baka guni-guni mo lang yun Ayang."

"Hindi narinig ko talaga. Hindi ako nagkakamali, meron akong hearing super powers kaya alam kong may nagkamali. So, who you makes mistek please surrenders now" may halong action na parang nagkukung-fung sabi nito.

"Alam mo Ayang, kaya ayaw namin makipaglaro sayo kasi napaka..." Napatigil ito sa pagsasalita at tila nagiisip kung ano ba ang kaniyang susunod na sasabihin. "Ahhh....basta ang pangit mong kalaro atsaka palagi mo na lang sinisira yung laro"

"Oo nga" Pagsangayon ng lahat.

"Umalis ka na lang nga dito, ayaw ka na namin maging kalaro. Ang ang pangit-pangit mo at baho-baho mo!?"

"Hahaha...si Ayang hindi naliligo!" Tukso nito sa kanya

Hindi malaman ng batang babae ang kaniyang gagawin. Gustong niyang umiyak kaso ayaw niyang ipakita sa kaniyang mga kalaro, kung kalaro pa ba niya ito. Nasaktan siya sa sinabi ng mga ito sa kaniya.

'Hindi ako pangit at mabaho', ito yung sinabi niya sa kaniyang sarili kasi palaging sinasabi ng kaniyang papa na isa siyang princesa at ang princesa ay maganda. Atsaka alam naman niyang hindi siya naliligo bago maglaro pero naglalagay naman siya ng baby cologne.

"Walang akong pakialam kung hindi ninyo ako gustong maging kalaro. Hindi naman kayo kawalan. Atsaka ano naman kung hindi ako naliligo, kayo nga naliligo mabaho parin at may kuto naman!" Pasigaw nitong sabi sa kanila at mabilis na umalis.

Pero bago itong tuluyang lumisan may pa huling hirit pa ito. "Atsaka hindi ako pangit dahil maganda ako, eh kayo maganda ba kayo?!" pagkatapos niya itong sabihin ay agad na siya umalis na may ngiting nakapaskil sa kaniyang inosenteng mukha.

Hindi siya nalulungkot kung ayaw ng mga ito sa kanya. Ayaw niya din naman talaga sa mga ito una pa lang. Sadyang napilitan lang siyang makipaglaro sa mga ito yun ay dahil ito lang yung mga batang kaedaran niya sa kanilang purok. Hindi naman ito kawalan para sa kanya, sa katunayan natuwa pa siya dahil ayaw niyang mahawaan ng mga kuto sa kanila.

"Wala akong paki kung ayaw niya sakin, mas pangit naman kayo. Kung makapagsabi ng pangit parang ang gaganda niyo. Marami naman kayong kuto. Mabuti na nga na hindi ko na kayo kalaro para masolo ko na din ang merienda ni nanay." Kausap nito sa kaniyang sarili na may kasama pang pagtawa.

"HA.HA.HA.HA.HA.HA-" ngunit bigla na lang ito napatigil sa kaniyang pagtawa dahil sa tingin niya ay parang may nakatingin sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali, merong isang pares ng mata ang nakatingin na kaniya ngayon na tila naguguluhan sa kaniyang inakto kani-kanina lang.

Tiningnan niya ito ng mabuti, ito ay isang batang lalake at hindi ito pamilyar sa kanya.

"Hoy bata! Anong tinitingin-tingin mo?!" sigaw niyang tanong dito. Malayo kasi ang kanilang agwat.

Pero imbis na sagutin ng batang lalake ang tanong niya. Sinabihan lang siya nito na mga salita na siyang nagpagalit sa kaniya.

"Pangit na nga ang mukha, pangit pang tumawa" at tuluyan na itong pumasok sa kulay pulang gate na sa tingin niya ay ang bahay nito.

Hindi niya napigilan na sumigaw ng 'maganda ako' ng paulit-ulit sa tapat ng bahay nito kung hindi lang siya nakita at sinuway ng kaniyang nanay ay hindi siya titigil. Kaya bago siya umalis sa bahay na iyon, sinusumpa niya sa kaniyang sarili na kung makikita niya ulit yung batang lalake ay hahampasin niya ito ng kaniyang tsinelas sa puwet ng paulit-ulit hanggang mamula ito.

Pangako yon kung hindi papangit siya.

written
by
chae_ron

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon