Now playing 🎶
"Ayang!" I was listening to a music na bigla na lang tinawag ni mama ang pangalan ko, kaya I remove my headphone para marining ko yung sasabihin niya.
"Po?!"
"Bumaba ka nga dito!"
"Bakit po ba?!" sigaw ko sa kanya pabalik. Iniwan ko na lang ang cellphone at headphone ko sa kama. At lumabas sa kwarto ko habang nagpapadyak pa ng paa.
Naiinis ako!
'Sino ba namang hindi maiinis diba. Nagmomoment ako sa kwarto ko mismo, feel na feel ko pa nga yong kanta. Pagkatapos may mag i-istorbo sayo. Sige nga sinong hindi maiinis don?!'
Bumaba na ko ng hagdan at sinalubong ako ni mama sa sala na nakakunot ang noo.
"Ma, ano ba yon? Makasigaw ka parang nasa kabilang barangay lang ako ah." maktol ko sa kanya.
Hinampas naman ako ni mama sa braso kaya napa aray ako. 'Sakit non ha!'
"Ikaw talagang bata ka. Aba! kanina pa kita tinatawag. Magkailang ulit ko nang sinigaw ang pangalan mo. Ayang! Ayang! Ayang! Ayang! Ayang! at etcetera! hindi ka pa rin bumababa!" Tinakip ko ang kamay ko sa aking tenga, nakakarindi kasi ang boses ni mama. Masakit siya para sa precious ears ko.
"Ako'y tapatin mo nga Ara Salazar hindi mo ba ako narining o nagbibingi-bingian ka lang?!"
"Ma!"
"Ano?!" pabalik na sigaw sa akin ni mama. 'Nakakatakot siya ngayon pramis, mukhang gusto na akong katayin eh. Kaso kung kakatayin ako ni mama lugi din wala pa naman akong kalaman-laman. Konti lang.'
"Ma, wag masyadong highblood hindi yan nakakaunlad ng pilipinas" sabi ko sa kanya.
"Aba!" akmang hahampasin na sana ako ni mama kaso hindi niya na tinuloy. 'Sayang handa pa naman yung mga braso ko a.k.a arm shield. Pustahan nakaekis pa yon, para safety first talaga'
Sinilip ko si mama at nakita ko siyang parang nagtitimpi sa kaniyang galit sakin.
"Hay na ko, ikaw na bata ka talaga. Kailan ka kaya magtatanda" sabi niya na may kasama pang iling ng kaniyang ulo. "Siya, sige. Dalhin mo itong niluto kong menudo kila mare Dan at pakisabi na rin na sasama ako sa kanya sa pamamalengke mamaya" may binigay siya sa akin na isang kulay blue na tupperware. Yon siguro ang menudo. Pero nabigla ako sa biglaang pagutos niya sakin.
"Hala! bakit ako ma. Si Gelo na lang o di kaya si kuya Alds o pwede din si baby lenlen. Basta wag ako ma!"
"Wala si Angelo ngayon dito nakipaglaro nang basketball sa kabilang barangay. Si kuya mo naman nagrereview para sa board exam niya kaya wag mong nang guluhin. Atsaka bakit naman nasali si lenlen abir? Eh hindi pa nga yan marunong maglakad"
"Baka makalusot lang naman ma, peace tayo" sabi ko kay mama with matching peace sign pa.
"Hay nakong bata ka. Sige na layas na. Bigay mo na don kay tita mo"
'Maka palayas naman si mama parang hindi ako anak ahh'
"Sige ma, lalayas na ko" sabi ko kay mama na may lungkot na naka paskil sa aking mukha.Tumalikod na din ako sa kanya habang gumagalaw pa yung balikay ko, para kunware umiiyak talaga ako. Narinig ko pa nga na sinabi niya na kung kailan ba daw ako titino. 'Eh bakit ba, eh sa ganito ako eh. Si mama talaga nakakahurt ng feelings. Bakit ano ba tingin niya sakin baliw, matino naman ako ah'
Pagkalabas ko ng gate ng bahay namin bumuntong hiniga agad ako. Hindi naman sa tinatamad akong sundin yung utos sakin ni mama atsaka malapit lang naman yung bahay kina tita Dan, mga apat na bahay lang yung pagitan sa bahay namin. Pero may iniiwasan kasi akong tao na malapit na malapit kay tita Dan. Kaya parang ayaw kong sundin si mama.
BINABASA MO ANG
Give Love
Novela JuvenilNagkacrush. Nagkagusto. Nagmahal. Nasaktan. At masasaktan pa ba? A story of a simple girl giving her love secretly to her childhood friend. What will happen to the both of them? Will there relationship transform to the NEXT LEVEL? or NOT? Mananatili...