Chapter 1
"Val, me kailangan tayong tapusin na article at need ipasa bukas ng gabi, utos ni boss." sabi ng kaibigan niyang si Ildy, short for Mathildy. "Sige lang, simulan na natin gawin ngayon para naman wala nang hassle. Alam mo naman si boss laging
mainit ang ulo."nakangiting sabi ni Valerie or Val. "Mabuti pa nga ayaw kong mapagalitan ni boss, nakakatakot na siya nakakahiya pa." tatawa tawang sabi ni Ildy. "Giiiiiiiiiiiiirlllllllllllllllssss!! Alam niyo ba alam niyo ba?! Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!" hinihingal ba sabi ni Jessa, officemate nina Ildy at Val. "Ohh ee bakit na naman ha Jessa?! Parang kinikiliti yang anu mo ng mga lalake?" nakatawang sabi ni Ildy. "Guess what girls, ang Black Panther, pupunta sila sa Boracay. Ahhhhhhhh!!!" halos mahimatay na sabi ni Jessa. "Jess, calm your tits, baka marinig ka ni boss at mapagalitan pa tayo. Ngingiti ngiting sabi ni Valerie. "Ee alam niyo naman na super crush ko iyong mga yun, super fan ako, ang gagwapo at yu-yummy pa nila. Lalo na iyong captain nila." Jessa. "Alam naman namin yon, sa dami ng ineendorse nila no, hindi lang dito sa pinas kundi pati sa ibang part ng Asia." pagiimporma ni Ildy. "Naku, simulan na natin iyong article at ng maipass natin before the deadline." singit ni Val. "Ay, oo nga pla. Hehe, sorry masyado kong nadala, basta pagme time tayo punta tayo sa Rizal stadium at manood ng game or practice nila. Hehe." Jessa. At sinimulan na ngang tapusin ng tatlo ang kanilang article kaya gabi na din sila natapos. "Whew! Finally, konting edit na lang to, tapos na. Sana lang ee walang maging problema." Ildy. "Dinner muna tayo tas uwi na tayo, gutom na talaga ko girls." sabi ni Jessa habang hihimas ang sariling tiyan. Sabay sabay nagayos ng kani-kanilang gamit ang tatlo at sabay sabay na bumaba ng building papuntang parking lot para sumakay sa sasakyan ni Val. "So, saan tayo girls?! Ngayon ko lang din naramdaman yung gutom."sabi ni Val. "Hmmmm.. Kahit saan basta me pagkain at mura." sabi ni Ildy. Habang tinatahak nila ang Kahabaan ng Ortigas. May humintong sasakyan sa gilid nila. Naka red ang stop light kaya napatingin si Val. "Ang ganda ng sasakyan oh. Bakit kaya nagpark diyan, bawal yan, baka mahuli sila. Usisa ni Val. Napatingin ang dalawa sa tinukoy na sasakyan ni Val. "OMG!! si Keith yan, iyong team captain ng Black Panther. Ang gwapo niya, pero bakit parang galit?!"sabi ni Jessa. Nang biglang lumabas ang isang napakagandang babae. At nakita na nila na nagbangayan na ang dalawa. "Yan ang gf ni Keith, si Amanda Torres, half german half pinay. Model yan. Ang ganda niya grabe! Nakakainggit" si Jessa. "Wow, ang dami mong alam no?! Bagay nga sayo itong trabaho natin, pero dapat sa entertainment department ka." si Ildy. Nakatitig lang si Valerie sa dalawang nag-aaway pero mas nakapukaw ng pansin niya ang gwapong mukha ng sinasabing Keith ni Jessa. Wow, ang gwapo nga niya, hindi iyong gwapong tulad nina Robin Padilla na maangas, siya parang gwapo na hindi sobra at hindi maangas, tamang gwapo lang. Pati laki ng katawan, tama lang hindi sobrang laki at hindi din sobrang payat. Ang height, winnner!! Sa isip isip ni Valerie. Beeeeeeeep beeeeep!! "Val, green light na!" pukaw ni Ildy. At diretsong nagdrive si Val sa isang mura at malinis na tapsilogan na malapit sa kanilang apartment. Pero hindi pa din mawala sa isip niya si Keith.
Hope you like it. ;)))
BINABASA MO ANG
Happily Never After?!
RomanceValerie, hopeless romantic, pretty, curvy at higit sa lahat takot magmahal. She believed in fairytales and happy endings and she wanted to make everyone happy well, hindi lahat. Keith, handsome, yummy, popular at team captain ng popular team na Blac...