Hinihingal na huminto si Val at humarap kay Keith. "I think nakalayo na tayo sa bruhang yun." Hinihingal na saad ni Val. Nakasmirk lang si Keith sa kanya. Juice colored, bat naman ganyan, hindi man lang napagod or hinigal at higit sa lahat ang gwapo pa din niya. Sa isip isip ni Val. "Are you okay?" Tanong ni Keith kay Val. "Okay lang ako, nakakahingal lang. Ikaw ba? Parang di ka hiningal ah." Si Val kay Keith. Tumawa si Keith at tumingin sa paligid. "I think we lost them already." Saad ni Keith. Humarap si Val sa karagatan at huminga ng malalim. She stayed silent and just enjoyed the view. "Ang ganda!!" Bulaslas ni Val. "Yeah! So beautiful." Sabi ni Keith na nakatingin kay Val. Huminga si Val habang pikit ang kanyang mga mata, mataman siyang tinitigan ni Keith. Ang hindi alam ni Val ay nakatitig sa kanya ang magandang mga mata ng gwapong binata. Nang magmulat ng mata si Val ay iniba ni Keith ang tingin. "So now that we lost everyone what shall we do?" Ngiting saad ni Keith kay Val. Lumingon lang si Val kay Keith then balik sa karagatan. Nakita ni Val ang Para sailing. Matagal na niyang pangarap makasakay doon ngunit wala siyang sapat na lakas ng loob para itry yun. Lalo pa at wala siyang kasamang sasakay doon. "Keith, ayun ohh. Let's try that." Sabay turo ni Val sa mga nagpa Para sailing. "That had been on my bucket list, hanggang ngayon di ko pa din nachecheck kasi naman wala kong maayang sumakay diyan. Aside sa mahal na bayad ee wala pa kong mapilit na sumakay diyan." Mahabang paliwanag ni Val. Nilingon ni Keith ang tinignan ni Val, "Sure, i would love to go with you." Sabay smirk na sabi ni Keith. This time si Keith naman ang humawak ng kamay ni Val at hinila siya papunta sa mga nagsasakay sa Para sailing. Parang may humaplos sa puso ni Val at ngumiti na din habang nakatingin sa magkadaop nilang kamay ni Keith. "Manong magkano po dalawa?" Si Keith. "3,500 po isang pares, for 30 minutes po sir." Saad ni manong na nagpapa arkila ng Para sailing. Kinuha ni Val ang pera sa kanyang bulsa at iaabot na sana ang bayad ng naunahan siya ni Keith. "Here, we'll go next." Abot ng bayad ni Keith. Napatingala si Val, "Uy Keith, ako dapat ang magbayad kasi ako naman nag invite sayo." Si Val. Tumawa si Keith at sinabing "It's okay. I owe you one remember?." Sabay makalaglag panty na smile. Lord, yung panty ko po konting konti na lang ang kapit mamaya bibigay na din to. Sa isip isip ni Val. "Kayo na po." Sabi ni Manong. Inalalayan ni Keith si Val na magkabit ng vest, nakatitig si Keith sa magandang mukha ni Val. Habang si Val naman ay hindi mapakali ang mga mata dahil sa sobrang hiya. "Ready?" Tanong ni Keith sabay lahad ng kamay kay Val. "Always ready." Sabi ni Val sabay abot ng kamay kay Keith. Nang makasakay sila ay hindi maiwasang di kabahan si Val, pero ng mapansing hindi pa din binibitawan ni Keith ang kamay niya ay nawala ang lahat ng takot na naramdaman niya at napalitan ng excitement at kakaibang damdaming umuusbong sa kanyang puso. Dahil sa kakaibang damdaming umuusbong sa puso ni Val ay di na niya naramdaman na nasa himpapawid na sila ni Keith. Erase. Sa isip ni Val. Sabay tingin sa kapaligiran. Biglang namutla ang mukha ni Val pero ng pisilin ni Keith ang kamay niya ay napalitan ito ng saya at excitement. Hinarap niya si Keith at ngumiti. "One of the best days of my life. Let's take a picture. Sabay kuha ng cellphone nta sa bulsa ng shorts. "Smile Keith." Then she snapped a picture of them. Keith smiling happily on the camera. Habang nasa himpapawid sila ay masaya silang nagkwentuhan. Getting to know each other ba. Ito na nga ba Lord, siya ba yung prince charming na lagi kong pinagdadasal? Sa isip ni Val. Marami pang nalaman si Val tungkol kay Keith, mga hilig niya at nga ayaw. Ganun din siya kay Keith, sa una ay nahihiya si Val dahil makuwento at adventurous si Keith. Samantalang siya ee bahay at trabaho ang madalas gawin. Nagkwentuhan pa sila hanggang sa matapos ang oras nila sa Parasailing. Inalalayan ni Keith si Val na bumaba sa bangka. "That was fun right." Sabi ni Keith. "Yeah, so much fun." Sagot ni Val na todo ngiti.
"There you are." Napukaw ang moment ni Keith at Val ng may magsalita. Napatingin ang dalawa sa nagsalita at nakitang ibang members ng Black Panther at mga kaibigan niyang si Jessa at Ildy.
"Val, i think we need to go na din, magaayos pa tayo para sa event mamaya." Si Ildy. "Ay shocks, oo nga pala." Sabay pitik ng mahina sa kanyang ulo. Tumingin siya kay Keith at sinabing "Hey Keith, I had so much fun. Thank you for making joining me in one of my crazy bucket list." She smiled at Keith. "You're welcome." Si Keith sabay smirk. "We have to go as well. See you around Val, girls." Si Keith. Hinila na ni Ildy si Jessa at Val. Naglakad anf tatlong dalaga, hindi maiwasang lumingon ni Val. I'm sure hindi na to mauulit. Para kong si Cinderella, kaso siya hinanap siya ng prince charming niya. Ee ako pagtapos nito tapos na, back to reality na ko. Malalim na isip ni Val.Comment, suggestions and corrections?!
;)
BINABASA MO ANG
Happily Never After?!
RomanceValerie, hopeless romantic, pretty, curvy at higit sa lahat takot magmahal. She believed in fairytales and happy endings and she wanted to make everyone happy well, hindi lahat. Keith, handsome, yummy, popular at team captain ng popular team na Blac...