chapter 5

953 28 0
                                    

Hindi ko alam kung ako lang ba ang may mali o may nagbago talaga. Simula noong lumabas kami mas lalong dumami ang mga nagbabantay sa bahay. Hindi ako makahinga. Sobrang higpit ni Zach sa akin, hindi ko na nga nagagamit ang cellphone ko dahil kinuha niya ito sa akin. I'm so bored right here. He won't allow me to watch on TV and go outside the house.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ang bodyguard na naka-assign sa akin. Tinawag ko ito at lumapit sa akin.

" Good morning ma'am " sabay bati nilang dalawa sa akin. Tumango lang ako at ngumiti.

" Good morning din, ahmm umalis na ba si Zach?

" Opo, gusto niyo po bang tawagan ko ma'am?

Agad akong umiling.

" No. Ahm...pwede niyo ba akong samahan?

Nagkatinginan ang dalawa at sabay tumingin sa akin.

" Hehehe...no worries, diyan lang naman tayo sa likod ng bahay e, gusto ko lang mag swimming, nababagot na ako dito sa loob "

" Pero... "

" Please"

" Baka mapagalitan po kami ma'am, masyado pong delikado ngayon sa labas "

" Babantayan niyo naman ako e " napakamot sila ng ulo at nagkatinginan bago bumaling sa akin. Kaya todo ngiti ako para payagan nila ako.

" And don't worry, ako na ang bahala kay Zachary if ever he will fired you hehe "

" Ahm..ok po ma'am "

" Pero...sandali lang huh? Ma'am, bago dumating si sir dapat tapos na kayo " saglit akong napaisip sa sinabi niya. Tsk. Ang hirap naman, e gusto kong mag enjoy ngayon.

Tumango na lang ako at nagpaalam sa kanila na magbibihis lang ako. Sa wakas makakalabas na rin ako.

FASTFORWARD

Baby's calling....

Agad ko itong sinagot.

" Hi"

" Ahm... how's your day "

Napakagat ako ng labi nang mapagtanto kong kailangan kong sabihin sa kaniya na nasa likod ako ng bahay at naliligo.

Should I tell him or not?

Ayy ewan, bahala na.

" I'm here... swimming.. you know..sa likod ng bahay "

Tumahimik ang kabilang linya pero dinig ko ang pagsinghap niya sa sinabi ko. I can't help but to roll my eyes, duhhh... Like as if there will be something bad happen here. Ang daming bantay, tsk.

" Do you have bodyguards with you " marahang tanong niya sa akin. Tumango lang ako kahit di niya iyon makita.

" Yeah, like I said I just wanted to unwind "

He sighed.

" Alright, just please be careful okay, I'll be right back, love you "

" I love you "

Pinatay ko ang tawag at muling lumangoy hanggang sa magsawa ako. Bumalik ako sa kwarto namin at nagbihis para kumain. Nasira na talaga ang diet ko nito, kain at tulog lang naman ang ginagawa ko dito. Bumaba na lang ako at nagpasiyang magluto para mamaya sa pagdating ni Zachary. Nakita ko pa 'yong bata naming kasambahay na tumatawa habang nakatingin sa cellphone niya. Napailing na lang ako sa kaniya. Agad na man siyang tumigil nang makita niya ako, ngumit lang ako sa kaniya.

" Ahmm...may ipapagawa po ba kayo ma'am?

" Gusto ko sanang magluto para mamayang hapunan "

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. " Pero ma'am, ang aga pa po para sa hapunan "

" Ahh..oo nga e,  bored na kasi ako, wala na akong maisip na gawin dito"

Napakamot siya sa sinabi ko, parang gusto niyang tumawa pero pinipigilan niya.

" Pwede naman po siguro kayong manood ng movie o kaya balita ma'am "

Napasimangot ako sa sinabi niya.

" Di'ko alam pero ayaw ni Zachary na manood ako nga tv "

" Hehehe, wala naman po si sir ma'am, mamaya pa naman po iyon dadating "

Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga no?

" Eh? Paano naman kung magsumbong ang mga bodyguards na ito sa amo nila?

Bigla itong napaisip. Di'ko maiwasang mamangha sa kaniya. Ngayon ko lang siya napansin bukod sa bago pa siya dito, malimit din akong lumabas sa kwarto. Maganda siya kahit sa murang edad pa lamang, I bet she can pass as a model.

" Ma'am??

Napakurap ako ng bahagya nang napansin kong tinawag niya ako.

" Okay lang po ba kayo ma'am?

" Yeah "

" Ganito yon...

Nakinig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Hehehe, parang gusto ko yong plano niya.

Pagkatapos naming ihanda ang mga meryenda ay tinawag niya kaagad ang mga bantay sa na nalaan sa akin.

" Mga sir, may hinanda po si ma'am para sa inyo, kain muna kayo " panghihikayat niya sa mga bodyguards ko.

Agad silang lumapit, yong iba nagdadalawang isip pa habang nakatingin sa akin, ngumiti lang ako para di nila ako mahalata.  At habang busy sila sa pagkain, agad akong pumanhik sa theater room para manood. Napailing na lang ako sa mga pinagagawa ko. Tsk, ikaw ba naman, tumira sa malaking bahay tapos tulog at kain lang ginagawa ko, tsk....

Agad akong namili ng channels, at di'ko sinasadyang mapunta sa newstv, babaliwalain ko na lang dapat iyon dahil wala akong interest sa ganoong bahay pero napatigil ako ng makita ko ang familiar na pangalan na nasangkot.

" Isang babae patay matapos saksakin ng ilang beses sa tinitirahang nitong condo, napagkamalan na ang biktima ay si Kisha Gonzales na mas kilalang bilang manager na sikat na singer na si Aira jean Cervantes o mas kilalang bilang Jennie na sa kasalukuyang hinahanap ngayon ng polisya dahil sa pagkawala nito "

Nabitawan ko ang remote dahil sa pagka-bigla. Di'ko maiwasang matakot sa sinapit ng manager ko. Naginginig ako sa nakita. Parang nag-flashback lahat sa akin ang nangyari kahit noong pauwi na kami sa mall na may humabol sa amin. Sino ang may pakana nito? Paano niyang nagawang patayin ang kaibigan ko?

Napaluha ako sa sinapit niya. It's my fault...it's my fault...

Tahimik akong umiyak habang patuloy pa rin ang balita. Bakit sa lahat ng tao, siya pa?  Bakit?

Iyak lang ako ng iyak habang nakatanaw sa tv.

May biglang bumukas sa pinto pero di'ko na lang pinansin, parang nawalan ako ng lakas. Ang kaisa-isang taong naging inspiration kong magbago ay nawala na lang sa akin. Nakakabigla. Hindi ko ito inaasahan.

" Baby "

Tumulo ang luha ko ng marinig ang tinig niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at inangat ako. He kiss my head and wipe my tears.

" I'm sorry "

" I... I'm hurt "

" I'm sorry, I can't able to protect her " mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya.

I'm sorry Kisha...

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon