chapter 7:

666 28 7
                                    

Nakatulala lang ako sa harap ng salamin, wala sa sariling sinuklay ang buhok. Nakita ko si Zachary na lumabas ng banyo nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba niyang katawan. Dumiretso siya sa closet na walang imik, nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya.

Kanina pa actually. Kahit sa dinner hindi niya rin ako kina-usap magmulang noong na'sa opisina niya kami. Tinanong ko lang naman siya kung nasaan si Tito, ang ama niya, at sinabi ko ring tinawagan niya ako at mangungumusta pero umigting lang ang panga niya na parang galit.

He cancelled all his meetings and brought me here. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganiyan. Lumabas siya kaya nagkabitbalikat na lamang ako. Humiga ako sa kama at hinintay na dumating siya para mag-usap kami pero ilang oras na di pa din siya dumating. Kaya lumabas ako ng kwarto at nagpasiyang hanapin siya.

Naguguluhan ako ng madatnan ko ang nakahilirang bodyguards namin at tauhan pati mga katulong. Na'sa unahan si Zachary at parang may sinasabi. Hindi ko gaano marinig ang usapan nila dahil na'sa taas ako. Kaya dahan-dahan akong lumapit.

" Lintek na!!! Saan ba kayo nagsusu-ot kanina bakit hinayaan niyo silang makalapit sa kaniya? Mga hangal!!! Binayaran ko kayo para bantayan siya at protektahan!!! Kung hindi lang talaga ako dumating baka kung ano na ang mangyari sa kaniya!!

" Pagpaumanhin po sir, may utos po kasi sa amin na bumalik dito sa bahay dahil susunduin daw po namin si ma'am, wala pong nakapagsabi na nakarating na si ma'am sa opisina niyo po" maliit na tinig na sagot ng captain.

Nakayuko lang silang lahat kahit ang mga katulong. Nakakunot noo naman ako ng may napagtanto. Did he mean, may gustong pumatay sa akin?

" Shit!! Shit! Shit!!! Pag may mangyaring masama sa kaniya, di ko alam kung ano ang magagawa ko sa inyo" umalis si Zachary pagkatapos niyang sinabi iyon sa kanila. Tumahimik naman silang lahat. Dali-dali akong bumalik sa kwarto namin ng mapansin kong umakyat si Zachary.

Malakas ang tibok ng puso ko ng humiga ako sa kama at kinumutan ang sarili. Tumalikod ako sa gabi niya at pumikit ng mariin. Kasabay non ay pagbukas ng pintuan sa kwarto.

Rinig ko ang bawat pintig ng puso ko at ang bawat hakbang ni Zachary patungo sa akin. Lumundag ang kabilang parte ng kama kasabay non ay pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

" I won't let him get you baby, magkamatayan muna kami bago ka niya makuha sa akin " malambing niyang bulong sa akin. Taliwalas sa boses niya kanina sa baba.

Mas humigpit ang yakap niya at paulit-ulit inaamoy ang buhok ko. Pinaharap niya ako sa kaniya kaya tudo pikit ako para di niya ako malamang nakikinig ako sa kaniya kanina. Sumiksik siya sa may liig ko at lalo akong pinalapit sa kaniya. Nakikiliti ako sa bawat hininga niya hanggang sa naramdann kong nakatulog na siya.

Hindi ko alam kung anong oras ako natulog kagabi. Nagising na lang ako na wala si Zachary sa tabi ko. Kaya agad akong kumilos para makababa.

Nadatnan ko siyang kausap ang captain na nagbabantay sa akin. Saglit niya pa akong tiningnan at bumaling rin sa kausap. Dumiretso ako sa kusina para mag prepare ng breakfast pero nakahanda na pala ito sa lamesa kaya umupo na lang ako.

Sumunod si Zachary sa akin na walang imik kaya paulit-ulit ko siyang binalingan ng tingin.

" Pack your things, we're going somewhere " maikli niyang saad sa akin.

" What? Why? Where?

Nalilito kong tanong sa kaniya.

" Just pack your things, I will tell you later, okay" malambing niyang sagot sa akin.

Naguguluhan man pero tumango na lamang ako sa sinabi niya. Kaya pagkatapos naming kumain agad akong umakyat sa kwarto at nagligpit ng mga importanteng gamit ko.

" Do you want something to eat?

Umiling lang ako. Kanina niya pa ako tinanong pero hindi ko siya inimik. Galit at naguguluhan ako sa mga pangyayari ngunit wala man siyang sinabi kung bakit.

Rinig ko ang malakas na buntong hininga niya pero hindi ko pa rin siya binalingan. Hinawakan niya ang kamay ko at sumiksik sa akin.

" You know that I love you right? And I will do everything to keep you safe, just please trust me okay? Trust me babe " he kiss my cheeks and head, at muling yumakap sa akin.

Sinandal ko ang sarili sa kaniya tanaw ang labas habang bumabyahe kami patungo sa isa niyang bahay sa Aklan. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe. Nagising na lamang ako sa malakas ng sigaw ni Zachary sa tabi ko.

" Shit!!! Ayos lang ba silang lahat? Wala bang nasaktan?

" Wala daw po boss, naka-alis na sila manang bago pa sumabog ang bahay " sagot ng captain habang nagmamaneho naman ang assistant niya sa sasakyan na ginamit namin ngayon.

" He really test my patience eh, wait till I found him, he will tast hell as well " mariin at galit niyang sinabi iyon habang may dinadial sa cellphone.

" Hello? I need your help " tumahimik lang kami at tiningnan siya.

" Yeah, it still the same " tumango siya sa sinabi ng kausap.

" Alright, thanks " he ended the call immediately.

" Let's investigate again " utos niya sa captain.

" Okay po sir "

Tumingin siya sa akin, nakita ko pang nanlaki ang mata niya. Di niya siguro alam na nagising ako.

Muli siyang lumapit sa akin at hinagkan ang pisnge ko.

" Matulog ka na lang ulit, gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo sa Aklan, okay?

Parang robot at walang imik akong tumango. This is really getting serious each day. And I have no idea what's going on. Do I really trust Zachary? Yes, because I love him. Pero pag niluko niya ulit ako, di'ko alam kung kaya ko pa bang patawarin siya ulit. I hope he will treasure it this time.


Author note:
( Sa mga readers/ silent readers diyan, salamat sa support guys, pasensiya na po kung matagal akong mag-ud. Para po ito sa inyo)

Malapit na pong mag 200k ang My stepbrother obsession, kaya please keep voting and supporting this story guys, thanks 😊😊😊



His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon