Chapter One: Heartbreak

14 0 0
                                    

Nagpahatid ako sa driver namin sa bahay nila Laurence, ang bestfriend ko. Ang boring kasi sa bahay. Tanging ako, si Yaya Len at ang driver lang namin ang nasa bahay. Si Daddy at Mommy ay nasa company. Nasa tropa naman nya ang magaling kong kuya.

So ayun I decided na pumunta muna kila Laurence, at para mas exciting hindi ko muna sinabi sakanya. Para surprise. Nagbake narin ako ng madaming cookies, favorite kasi namin 'to.

"Mam, andito na po tayo." sabi ng driver namin at ngumiti.

"Ay taray kuya. Pangiti ngiti ka dyan. Inlove ka noh? Hahaha, aminin!" pang aasar ko kay kuya.

"Hala. Hindi po mam ah." sabi nya at kumamot sa batok nya.

"Asus! Kay Yaya Len noh? Haha! Ikaw kuya ah." pang aasar ko. Wala lang, napagtripan ko si kuya.

"Ay hindi po mam noh. Ayoko nga dun, ang sungit sungit akala mo maganda." naiinis na sabi ni kuya.

Natawa nalang ako sakanya.

"Hahaha! Kuya, dyan po nag umpisa ang lolo at lola ko." dagdag ko at tumawa.

"Osige na kuya! Next time na muna tayo magbiruan. Magtetext nalang po ako kapag magpapasundo na ko." sabi ko at lumabas na sa kotse. Binitbit ko na rin ang cookies na binake ko.

Nag doorbell na ko kila Laurence. Naka ilang doorbell din ako bago bumukas ang pinto.

Bumungad sakin si tita Ging, ang mama ni Laurence.

"Raine! Napadalaw ka? Pasok ka muna." sabi ni tita at bineso ako.

"Opo tita. Puntahan ko lang po sana si Laurence." sabi ko kay tita.

"Ay siya ba? Nako, wala sya dito. Lumabas kani-kanina lang." sabi ni tita. Nalungkot naman ako sa sinabi ni tita, asan ba yung panget na yun? Sabado na sabado gumagala, kalalaking tao eh!

"Gusto mo hintayin mo nalang dito? Baka pabalik narin yun." sabi ni tita.

"Ay wag na po. Hanapin ko nalang sya dyan sa labas baka andyan lang po." sagot ko.

"Sure ka ha? Osige ingat ka." sabi ni tita.

"Sige po." sabi ko at lumabas na.

San ko naman hahanapin ang panget na yun? Hmp! Ang init init eh. Hays lagot yun sakin kapag nahanap ko.

Si Laurence ay kababata ko. Magbestfriend kasi ang mga mommy namin. Lagi na kaming magkasama nyan ni Laurence, kung nasan ang isa andun din ang isa. Dati magkalapit lang ang bahay namin, kaso nakahanap ang daddy nya ng bagong bahay kaya lumipat sila.

Magkaklase rin kami since Grade 4. Kabisado na rin namin ang isa't isa. Actually, lagi kaming pinagkakamalan na magboyfriend at girlfriend. Lagi daw kasi kami magkasama at bagay kami. Muntik na nga ko masuka nung sinabi yon eh. Ako? Magkakagusto sa panget na yun? Wag na uy! Hahaha.

Dejoke lang, aamin na ko gwapo naman si Laurence eh. Pero ew lang! Di kami talo, may girlfriend yun. Tyaka di ko rin sya type noh! Hanggang magbestfriend lang talaga.

Oh, baka isipin nyo matulad kami sa mga napapanood nyong pelikula na bestfriend na nagkaibigan ah, no way!

Nabalik ako sa katinuan ng biglang bumakas ang pinto nila tita Ging. Ang malas ko nga naman, kase nauntog ako! Takte.

Kasi nga diba, nakatayo pa ko dito sa labas nila. Hindi pa ko umaalis.

"Nako Raine! Akala ko ba umalis ka na? Ayan natamaan ka tuloy ng pinto. Atyaka, sa lahat naman ng tatayuan mo, malapit pa sa pinto. Syempre mauuntog ka talaga kapag may nagbukas. Ikaw talagang bata ka. Masakit ba?" nag aalalang tanung ni tita habang hinahawakan yung ulo.

Please Fall Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon