Chapter Two: Sorry

10 0 0
                                    

Raine's POV

From: Panget >:D

I'm sorry. Nabigla lang ako.

Kanina ko pa tinitignan ang message nya. So, eto lang? Sorry lang? Sorry kasi nabigla sya ganun?

Sabagay, ano nga bang ineexpect ko na gagawin nya? Susuyuin ako? Sino nga ba naman ako? Ako lang naman ang bestfriend nya.

Tama naman yung ginawa ko diba? Pinagtanggol ko lang sya, tapos ngayon ako pa yung lumabas na masama.

Actually kulang pa nga yung ginawa ko sa babaeng yun eh. Anong karapatan nya para gamitin si Laurence? Hindi nya alam kung gano sya kamahal ni Laurence, lahat kayang ibigay ni Laurence para lang sakanya. Tapos ngayon eto ang igaganti nya?

"Payat! Kakain na!" nabalik ako sa katinuan ko ng biglang pumasok ang magaling kong kuya. Andito na pala sya.

"Sige." matamlay kong sabi at tumayo na.

"Oh, anong kadramahan yan Lorraine Fortalejo? Pakiexplain nga." banggit nya sa buong pangalan ko at inakbayan ako.

"Wala. Ano ba! Ang bigat ng kamay mo." inis kong sabi.

"Atleast gwapo." sabi nya at kumindat.

Gusto ko na atang masuka. Inirapan ko nalang sya dahil wala akong sa mood makipagbangayan.

Siya nga pala si Justine Fortalejo, ang kuya ko. Dalawa lang kaming magkapatid. Madalas kaming nag aaway nyan, ang lakas kasi nya mang asar. Pero minsan, sweet naman yan sakin at protective. Mahal ko rin yan kahit baliw sya.

"Mom, etong anak mo nagdadrama oh. Bigyan mo nga po ng papel at ballpen. Susulat daw sya kay Mam Charo." natatawang sabi ni kuya. Nakitawa rin si Mommy.

"Ang epal mo talaga mataba ka!" inis kong sabi at humila ng isang upuan.

"Excuse me! Ako mataba? Macho kamo!" sabi nya at tumawa ulit.

Minsan talaga ang sarap nyang sakalin. Masyadong mapang asar at mahangin.

"Enough kids! Nasa harap na tayo ng mga pagkain." pag sasaway ni Mommy.

Dinilaan lang ako ni kuya at inirapan ko lang sya. Isang taon lang ang agwat namin.

"Asan po pala si Daddy?" tanung ko kay mommy.

"Nasa company pa. May meeting pa ata sila ni Louie." napatango nalang ako kay mommy. Si Tito Louie ang tatay ni Laurence.

Naisip ko na naman yung panget nayun, ano kayang ginagawa nya? Naguguilty rin ako kasi dapat ngayon kasama nya ko, dapat ngayon sinasabihan nya ko ng problema.

"Oy payat! Nagda-daydream ka na naman." pang aasar na naman ng magaling kong kuya. Tsk, panira talaga lagi.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ko agad sa kwarto. Pagod na ko at gusto ko na munang matulog.

Pero biglang nag ring ang phone ko.

Panget >:D calling.....

Shemay! Sasagutin ko ba o hindi? Pag sinagot ko, ano namang sasabihin ko? Hays, wag na nga lang. Hindi pa ko handang makipag usap sakanya.

Nakatingin lang ako sa phone ko habang tumutunog ito. Mayamaya, ay tumigil na ito. Nakahinga narin ako ng maluwag.

******

"Payat! Gising na! Malalate na tayo!" nagising ako dahil sa malalakas na kalabog sa pinto ko.

"Oy payat! Anong oras na oh! Gising na!" sigaw pa din ng sigaw si kuya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please Fall Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon