Prologue

36.1K 622 25
                                    


"Alam mo naiinis talaga ako sakanya. Akala mo naman kung sino na"

Di ko alam, siguro ganito lang talaga ako.

"Palagi siguro syang nagpapansin noh, kaya sya tong pinapansin ni Blood"

Kailangan ko sya noon eh, noon lang.

"Alam mo ba yung dati? I don't know what the story is, pero alam ko naging sila"

Oo niloko nya nga ako diba?

Pinark ko ang motor ko sa gilid ng bahay. Its already 8pm. Kakagaling ko lang sa bar nina tito, nabadtrip kasi ako kanina. Ayoko sa mga tingin nila sakin.

At sya pa nga

Nababadtrip ako tuwing sinusumpong ang lalaking yun, para syang bata, ung childish na bata na hindi makausap.

Sumilip pa ako sa nakabukas na bintana at tinanaw kung anong meron sa loob. Siguro naman nakatulog na yun, patay na ang ilaw sa bahay eh.

Sana nga tulog na yun.

18 years old na ako and sad to say na naglive in na kami. Wala kasi eh.

Taeng tae sila sa pagiging fiance ko sa lokong yan.

Gawa rin to ni lola, ito ang gusto nya sakin na ayaw ko naman

...

Hindi pa ako lasing pero may spare key naman ako ng bahay. Kinapa ko iyon sa bulsa ng pantalon ko, pero hindi tulad ng inaasahan ko ay wala ito dito? Nang init ang ulo ko. Gusto ko ng matulog, masyado akong napagod ngayong araw. At isa pa, ang pinuputok ng butsi ko rito ay bakit hindi ko makita ang susi ng pi--

"Siomai ka!" Nahulog. Tinakpan ko agad ang bibig ko. Dapat tulog yun, kundi lagot ako baka isumbong ako kay Lola . Nangungurot pa naman ng singit si lola, kaya takot ko na lang dun.

Habang naglalakad ako papasok iniiwasan ko na magkaroon ng ingay. Mahirap na. Ayoko pa namang pagsabihan ngayon, baka maihambalos ko lang sa sahig sa sahig ang makakausap ko ngayon. Nakapungay na ang mga mata ko, gusto ko ng magpahinga.

Sa paghakbang ko palamang ay nakita ko na agad ang pigura ng isang lalaki. Paniguradong sya yun.

Sya nanaman

"San ka galing?" Seryosong tanong niya sakin.

Napairap ako ng hindi sinasadya. Kainis! Dapat pala sa bintana na lang ako dumaan kaysa dito sa sala. Malay ko bang may tumutulang inodoro sa sala.

Sobrang Weird.

Di ako umimik. Ayokong magsalita, mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko.

"Diba sabi ko sayo, sabay tayo uuwi?"

Natigilan ako. Ito nanaman.

Lasing siya.

Lumapit ako sa mini table kung san may 2 nakabukas na bote ng alak ang kakainom niya lang. Ito ang ayaw ko kay blood. Ayokong sumeseryoso siya. Tingin nya pa lang nangangatog na ako.

Ayokong natatalo nya ako ng ganun na lang.

"Kasama mo ung kaladian mo kaya hindi ako sumabay. Nahiya din naman ako" sabi ko habang linilikom ang mga bote. Nakaupo lang siya sa sofa. Ramdam ko na kahit madilim sa sala ay nakatingin ang mga mata niya sakin.

"Sana tinawag mo ko" bulong nya.

"Matulog ka na. Para ka nang tange dyan" bulong ko na rinig nya naman. Kasalanan nya kaya.

"Ayoko"

Lumapit ako sa lampshade na sobrang lapit sakanya, sobrang lapit din ng mukha ko sakanya ng buksan ang lampshade sa gilid nya. Sobrang dilim eh. Kailangan na talaga ng liwanag.

Umupo ako sa sofa malapit sakanya tsaka hinubad ang sapatos ko na pang pasok pa. Nakatungo lang sya, siguro nalasing na. Sabagay, andami nya kayang ininom.

"Ikaw bahala, matutulog na ako"

Sanay na akong matulog ng naka uniform. Palagi ko tong ginagawa lalo na kung tinatamad ako, huhubadin din naman to bukas eh.Nakakatamad lang talagang kumilos.

Bago ako tumayo, tinawag nya ako sa pangalang hindi ko inaasahan.

"Reine..."

Kahit na bulong yun, rinig na rinig ko yun. Ah! Asar!

"Diba sabi ko wag mo na kong tatawagin ng ganun " Naiinis na sabi ko sakanya. Epekto yata to ng alcoholic beverages na nainom nya eh. Lasing na nga sya.

"I miss the old you"

Naalarma ako.

Shit, tono palang ng salita nitong gagong to naninikip na dibdib ko. Parang gusto ko nang magwala ang sarili ko. Sumigaw ng sumigaw hanggang sa mapaos.

"Matulog ka na nga!!" Bulyaw ko sakanya. Nagsisimula na akong mainis ng todo sakanya.

Ayokong tinatawag nya ako sa pangalang yun. Ilang beses ko na syang pinapaalalahanan. Tapos susumpungin nanaman sya. Tss.

"Bat ba ganyan ka na!!?" Sigaw niya sakin sabay hawak ng higpit sa braso ko halos matumba na ako sa sofa sa lakas ng hatak niya sakin. Halos malunok ko lahat ng laway ko sa sigaw nya, gusto ko na din palang tumawa.

Diba ako dapat ang magtatanong nyan sakanya?

"B-blood.. Mat-tulog na ako,. Ack?! shit ka! Masakit na ah!"

P*ta sya.

"Matutulog na ako" his cold eye focus mine. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong lumuwag na hawak nya sa pulso ko. Shit, Mawawalan na yata ng dugo ang pulso ko sa lakas ng pagkahawak niya. Ayoko nito. Nakakainis ang ugali ni blood lalo na pagnalalasing, ayoko sa mga inaasal nya.

Natatalo talaga ako.

Hindi ko pinakita sakanya na nasasaktan ako. Parang tanga lang na nakatingin ako sa kanya.

Siya ang unang nakakita na nasaktan ang masayahing tao tulad ko.

Ayokong may makakita ulit ng bagay na yun

Ako lang ba o talagang may tubig sa mata nya. Hindi bukas ang ilaw kaya di ko makita, tanging ang liwanag lang galing sa buwan ang nagsisilbing liwanag.

Galit sya, ramdam ko naman eh. Pero diba dapat ako yun?

Ako nga dapat!

"Why don't we start again?" Biyak na ang boses nya. .Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong lumuwag na hawak nya sa pulso ko. Naamoy ko din ang alak sa bibig nya, parang nalalasing na din ako sa amoy na yun....

Isinandal nya ang ulo nya sa mga buhok ko, ang bigat ng paghinga nya.

Asar! Wag kang iiyak ano ba! Sigaw ko sa isip ko.

Di ka nya pwedeng makita ng ganyan!

Tumino ka, gaga!

Tinulak ko sya ng bahagya tsaka tahimik na pumunta sa kwarto ko. Alam kong nakatingin lang sya sakin. Pag akyat ko palang sa hagdan dun na lumabas ang mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko. Ayoko ng ganito. Nanginginig ang mga tuhod ko, natatakot ako. Sinigawan nya ako, sumigaw sya sakin.

Start again? Bakit pa?

Nabago mo na ako diba?

Nabago mo na ang magandang tanga

Mr. Possesive secretly inlove with Ms. ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon