Chapter 1: Bus

1 0 0
                                    

<p data-p-id="31c6e1573d35b5bd8964dd98e6f630fe">Paano mga ba nag-umpisa lahat?

ah! tama.

nag-umpisa lahat sa pasulyap sulyap kong tingin sa taong kilala ko pero di naman ako kilala.

matagal tagal ko na siyang nakakasakayan sa bus.I mean "sila".May girlfriend nga pala siya.

sa tuwing nakikita ko sila naiinggit ako sa girlfriend niya kasi ang sweet sweet nila sa isa't isa.Napaka-bitter ko pa nga kasi lagi ko sinasabi sa sarili ko na magbibreak din sila! haha bitter much?

gustong gusto ko siya ngitian kaso baka makita ako ng girlfriend niya at tarayan ako.Aba! di ko siya aatrasan!

it was a rainy night.yea,ginabi na ko pauwi.

pagsakay ko ng bus nakita ko siya.si Chris.wala siyang kasama.

umupo ako sa upuan sa harap niya.kahit papaano naman kasi nahihiya ako tabihan siya.

maulan nun kaya nakasara lahat ng bintana maliban sa bintana ko.

sumulyap ako sa likod ko para tignan siya kaso nagulat ako nung nakatingin siya.

"ah sabihin mo lang kung nababasa ka para isasara ko na lang."

ngumiti siya tapos naka-two thumbs up,"ok lang.pag nagkasakit naman ako ikaw hahanapin ko."sagot niya !

pakiramdam ko namula ako ng sobra !

ngumiti ako,"diba Chris pangalan mo?"

malamang sa malamang gulat yung tao,"Pa'no mo alam?"

"ah kasi kilala kita.pero di mo kilala."sagot ko.

"Kilala kita! diba sa Montemayor University ka nag-highschool.tapos sa Arellano College ka nag-college.kaso di na kita nakikita dun.San ka na ngayon?"

gulat naman ang peg ko .

"ah lumipat ako sa Perez College.Amazing ah.napapansin mo pala ko?di ba may girlfriend ka? asan na siya?"

"ah.wala na yun.matagal na."

sa isang oras na byahe.parang andami dami naming napag usapan.sabay kami bumaba sa bayan.

umaambon pa.wala syang payong kaya I insist na ihatid siya sa pupuntahan niya.

"May kaibigan ako dun sa inyo.Pasyal ako dun minsan.Sana andun ka."

"ah sige lang." ang tipid ko 'no? kilig overload kasiiii !

"maglalakad ka pauwi?delikado maglakad pauwi tapos mag isa ka.babae ka pa naman."

"oo.malapit lang naman.tyaka sanay na ko.gusto ko naglalakad kasi nakakapag isip ako."

"kahit na.delikado pa rin.oh dito na ko.salamat ah.kunin ko nga pala number mo para maitext naman kita."

and i was like,
*whaaaaat??this is it !*

"ah sure.eto oh."

"salamat ulit.ingat ka pauwi.text ka pag nakauwi na ka ah."

tapos tumawid na siya at kumaway,"INGAT KA AH!"

ngumiti na lang ako tapos kumaway bilang sagot.

isa ito sa mga di ko makalimutang araw ng buhay ko.araw kung saan unang beses ko siya nakausap.

"Thankyou Lord ! "</p>

Please Be My Iron ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon