CHAPTER 14

62 5 2
                                    

CHAPTER 14 | Past | 

_______________________________

“Hindi na ‘ko papasok ulit doon,” pailing-iling kong ani habang inaayos ang suot na seatbelt. Tapos na kaming kumain at ayaw ko na lang tanongin ang presyo ng mga pagkain na ‘yon. 

“Just let me treat you,” ani NZ habang pinapaandar ang makina ng sasakyan niya. 

“Pwede mo naman ‘yang gawin sa mas murang lugar.” Inirapan ko siya, tawa lang naman ang sukli niya. 

“I’ll take note of that, Madame,” aniya. 

“Madame, ka d’yan.” 

Sa byahe pauwi ay nag-usap lang kaming dalawa ng tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Mabuti naman at nasasabayan ko na ang mga kalokohan niya sa buhay. Actually, mabait naman siya, eh. Malakas nga lang ang topak sa katawan. Feeling ko talaga nasobrahan sa bakuna ang lalaking ‘to. 

“Close kami ni Kalyra dati pa, siya yata ang pinaka-close sa lahat.” Napatango ako, halata naman, eh. Sila ang madalas na magkasama. 

“Ang dami n’yo, ‘no?” ani ko. 

“Magkakaibigan ang mga magulang namin simula high school kaya naging magkaibigan na rin kaming lahat,” kwento niya.

“Hindi ba nakatira kayo sa iisang bahay lahat? ‘Yon ang narinig ko mula kay Eurie.” Curious ako kasi ang dami nila tapos nagkakasundo silang lahat?  Naisipan kong medyo cool nga ‘yon, parang naglalaro lang ng bahay-bahayan kasama ang mga barkada. 

Mahilig talaga ang mga mayayaman sa gano’n, kapag nag-college na ay gustong bumukod sa mga magulang.

“Actually, magkaiba kami ng condo unit sa girls. Nasa upper floor kaming mga boys nasa baba naman ang mga girls.” Napatango ako, ngayon ko lang nalaman ‘yon. Ang akala ko ay nasa iisang unit talaga silang lahat. 

“Parang ang labas ay ginawa n’yong dormitory ang dalawang unit?” tanong ko. 

He nodded at me, “Sa parents ko talaga ang dalawang condo unit na ‘yon. Kay Mama ‘yung sa baba, kay Papa naman ‘yung sa itaas. Doon sila tumira after ng college nila.” Saglit siyang bumaling sa ‘kin at ngumiti. Malaya ko siyang natititigan ngayon dahil focus siya sa pagmamaneho. 

Maputi siya at matangos ang ilong, bawat bitiw niya ng salita ay lumalabas ang maliit niyang dimple. 

“Ah, doon ba sila nagkakilala? ‘Yung parents mo?” I asked. 

“Hindi, bata pa lang magkakilala na sila. Noong tumira na sila sa condo nila, mag-ex na raw sila that time.” Bahagyang umawang ang labi ko. 

“So, childhood sweetheart ang mga magulang mo?” tanong ko ulit. Hindi naman ako gaanong interesado sa nga love story pero natutuwa ako lalo na kapag naririnig ko ang kwento ni Papa tungkol kay Mama. Kung paano sila nagkita, paano niya niligawan si Mama, mga gano’n? 

Ngumiwi si NZ at bahagyang natawa. “Ahm, you can say that? Pero sabi nila aso’t pusa raw sila noong highschool sila.” 

“Ang cute ng parents mo,” sabi ko. Agad siyang bumaling at tinitigan ako sa mga mata. He stared at me like he’s about to do something. Pakiramdam ko ay biglang may tumalon sa dibdib ko dahil sa ginagawa niya.

“Pero mas cute ka,” aniya sabay tawa. Agad ko naman siyang inambahan nang sapak. Ang lalaking talaga ‘to! 

“Magmaneho ka na nga lang!” inis kong ani. Ang weird pero parang uminit ang pisngi ko. Nakaramdam ako ng hiya bigla.

“Bakit nga pala natin napag-usapan sila Mama at Papa,” aniya. Nakalimutan ko rin bakit kami nakarating sa topic na ‘yon.

“Nakita ko ang parents mo sa party na pinuntahan ko,” sabi ko. Kitang-kita ko pa nga ang pagkakahawig nila ng ama niya.

Stupid Arrow (Trivino University Series 01) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon