CHAPTER 16

62 4 0
                                    

CHAPTER 16 | Gusto | 

Hi guys! If you want to check on Yanna and Khenzie’s story (Parents ni NZ at Khenna) Hanapin n’yo lang po ang  Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player sa list of stories ko.
_______________________________

I don’t know but I feel light upon hearing my father’s side. Knowing that Mrs. Reñieva and him are fine after all, I was worried and nervous for nothing.

Sa totoo ay nalilito pa rin ako sa kung ano nga ba ang totoong nangyari. May parte sa ‘kin na parang ayaw kong makita si Mr. and Mrs. Reñieva dahil nahihiya ako. Knowing that my father’s first love was not my mother left a pang on me. Pero at least, si Mama ang pinakasalan ni Papa, he was his great love. Kuntento na ‘ko roon. 

“Sham, may problema ba?” Papunta ako ng library nang bigla kong nakasalubong si NZ. Nagulat ako at pakiramdam ko bigla akong aatakihin sa kaba. Kasama niya si Aydel kanina pero pinauna niyang umalis nang makita ako. 

Hindi ko siya nakita kaninang umaga kaya akala ko gano’n ang mangyayari sa buong araw. Ang epal naman ng lalaking ‘to! Ang layo ng building namin sa isa’t isa pero lagi kaming nagkikita. 

“Iniiwasan mo ba ‘ko?” Seryoso ang mga mata niya. Nakakunot ang noo at bahagyang nakaawang ang mga labi. Ngayon ko lang yata siya nakitang magseryoso nang ganito. 

May kakapalan ang kilay niya, matangos ang ilong, at may masayahing mga mata. Para siyang isang walking smile emoticon na may dimple dahil sa tuwing nakikita ko siya, lagi siyang nakangiti. 

“Sham? Hindi ka naman nagsasawa sa mukha ko ano?” Agad akong umiwas ng tingin. Kapal din talaga ng apog nito. Hindi ko alam kung jino-joke time niya ba ‘ko dahil napansin niya ang ginagawa kong paninitig. 

Wala sa oras akong napalunok, takte! Ito na nga yata ‘yon. Pinakiramdaman ko ang dibdib at ramdam na ramdam ko agad na may gustong kumawala roon. I breathed heavily. 

“NZ, Sa t-tingin ko—” Naputol ko ang sasabihin nang matanaw na magkasama sina Dio at Henz. Agad akong sumama sa kanila para makaiwas kay NZ. 

“Mamaya na lang, may kakausapin pa ‘ko,” nagmamadali kong sinabi bago tumakbo sa dalawang unggoy na pareho na ‘kong kinukunotan ng noo. 

“Hanggang ngayon hinahabol ka pa rin ni Reñieva? Magbayad ka na kasi ng utang Sham!” Sinamaan ko ng tingin si Henz bago siya kinaladkad. Pumagitna ako sa kanilang dalawa at pareho silang inakbayan upang akayin. Nagawa ko ‘yon kahit hirap na hirap ang braso kong abutin sila. 

“Ang ingay mo!” puna ko kay Henz nang makalayo na kami kay NZ. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanya. Pakiramdam ko may sasabog na kung ano sa loob ko.

Binalingan ko si Dio. Kitang-kita ko ang ginawa niyang pangmamata kay NZ kanina. 

“Oh, ano? Tapos na ang dalaw mo?” tanong ko sa kanya. The last time we encounter, sinigawan niya ‘ko. 

“Nag-away kayo?” tanong ni Henz. Agad ko naman siyang sinimangutan. 

“Huli ka na sa balita! Tropahin mo kasi si, Marites!”

“Tss,” si Dio. “Kumain ka na?” Umawang ang labi ko sa concern niya. Isang himala ‘yon! Dapat tinawagan ko si Nora Aunor. 

“Tapos na, kasabay ko si, Eurie.” .

“Ayon, parehong matakaw.” Inirapan ko si Henz. 

“Nagsalita ang patay gutom.” 

“Hoy! Offensive.” He pointed his finger at me.

“Mas offensive ‘yang mukha mo!”

Alas onse pero gising pa rin ako. Sobrang bigat ng ulo ko, panigurado lalagnatin na naman ako nito. May tinatapos pa ‘kong research sa Philippines History at kailangan ko na ‘tong taposin. 

Stupid Arrow (Trivino University Series 01) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon