CHAPTER 4

31 1 0
                                    



[Chapter 4]

MASAYA akong nagising isang umaga. Parang gusto ko nang hatakin ang oras para dumating na ang hapon at makapasok na ako ng school. Pero kapag hinihintay ko naman ay parang kay tagal, kaya ang ginawa ko naglinis ako ng apartment ko at pagkatapos saka ako nagpasyang magluto ng almusal ko.

Dito ko napiling mag-upa ng apartment. Dahil bukod sa malapit sa eskwela, maganda at malinis din ang paligid. Malalaki ang mga bahay ng kapit-bahay at mukhang tahimik. Mahal ang renta pero sabi sa akin ni Sir Frederick, okay lang daw sa kanya, basta raw komportable ako at kaya niya pa kahit sa mas mahal pang-upa. Pero ako na ang tumanggi, okay na ako rito.

Bali apat na apartment ito at two storey. Sa taas ang napili ko dahil gusto kong may natatanaw na view. Hindi ko pa nakikilala ang kapit-bahay ko. Pero sabi ng land lady ko, meron na raw umuupa sa kabila. Pero kapag umaalis ako papuntang school wala naman akong nakikitang tao at kahit pag-uwi ko sa gabi. Gusto ko kasi may kausap. Hinihiling ko lang na sana mabait ang kapit bahay ko. Bumuntong-hinga ako.

Nagpapasalamat ako kay sir Frederick dahil weekly ang allowance ko. Wala pa riyan iyong sa upa, kuryente, tubig at pagkain ko. Hanggang ngayon nga eh nag-iisip pa rin ako sa ginagawang tulong ni sir Frederick sa akin at sa pamilya ko. Alam kong mayaman siya pero hindi lang ako makapaniwala. Nagkibit-balikat na lang ako sa naisip.

Kinahapunan, pumasok na ako sa loob ng campus. Si Max agad ang hanap ng mata ko,pero hindi ko siya nakita sa paligid, baka mamaya pa iyon. Tatanungin ko si Ian kung anong oras ang vacant nila. Gusto ko siyang kasama tuwing breaktime at excited na ako!

Nakita kong naglalakad si Akira kaya sumabay na ako sa kanya sa paglalakad. Nagulat pa siya sa akin pero ngumiti rin ng makahuma.

"Sabay na tayo ah," sabi ko. Tumango naman aiya.

Habang nagdi-discuss ang professor namin ay sa labas lang ako nakatanaw at nakapangalumbaba. Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Max. Pumasok kaya siya? Malamang eh second day of school pa lang ngayon. Sagot ng kabilang bahagi ng isip ko.

"Miss Lasala."

Hayy, gusto ko nang mag-vacant nagugutom na agad ako. Gusto ko nang makasama sa pagkain si Max. Napu-frustrate ko ng sabi sa isip ko.

"MISS LASALA!"

Napaigtad pa ako sa gulat ng bigla akong siniko ni Akira sa tagiliran . Tumingin ako sa kanya at nakita kong nginuso niya ang unahan. Dumako ang tingin ko roon at nakita ang galit na mukha ni Sir. Naku lagot!

Napalunok ako. "B-bakit po sir?" kinakabahan kong sabi.

"I called you how many times miss Lasala, but you didn't pay attention to my discussion. Mukhang nagdi-daydreaming ka at hindi mo ako naririnig. Gusto mo bang lumabas ng klase ko ha? Mukhang hindi ka interesado!" inis na sabi ni sir kaya napayuko ako. Uminit rin ang pisngi ko sa hiya.

"Hindi po sir. Sorry po."

"Because of that, you will be the first reporter sa Thursday. Don't excuse that your sick, I won't take that. Understood?"

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa sinabi niya. Magri-report ako?

Magri-report ako! Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang salitang iyon. Hala anong mangyayari sa akin sa Thursday?

"Kaya mo 'yan," bulong sa akin ni Akira. Ngumiti lang ako sa kanya ng alanganin.

Vacant na namin kaya lumabas agad ako ng room. Hinanap ng mata ko sa baba ang bakas ni Max o kaya ni Ian. Wala sila kaya pumunta ako sa department nila at nakitang nakaupo sila sa hagdan ng building, mukhang vacant din nila. Lumapit ako at nang makarating ako sa puno ng hagdanan saka ko siya binati.

LAURA (Ideal Girl Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon