Chapter 3

2.1K 38 18
                                    

She moved on from him. Simple as that. Pero sa naririnig at nakikita ng binata, it was something unbelievable. Hindi pwede na makalimutan niya ng ganon-ganon nalang. 


He left her with a huge wound. Raziel was sure of it, there's no way she could move on from a heartbreak like that. Kahit na sinong makaranas ay maaalala yun at mas masasaktan pa nga kung ipapaalala.


"Tell me... if I'm hearing that right-"


"You do. You are hearing that right." nanlulumong napayuko ang hawak na bouquet ni Raziel, na ibibigay niya sana sa dalaga, ng marinig ang siguradong tinig ni Sylvie. It was making him weak. Just the thought of her moving on from him, suddenly scared him. 


Oo nga at matagal na siyang natakot pagkatapos ng hiwalayan nila, ngunit sa pagkakataon nito ay ayaw niyang pakawalan siya ng dalaga. Ganon din si Raziel, he doesn't want him to move on from her.


Lahat ay nakuha na nito, nakapag-tapos, sumunod sa yapak ng ama niyang negosyante, ang pagiging sikat sa mundo ng negosyo at mas pinarami pa yung pera ng pamilya niya, but all of those achievements weren't enough to complete his life. 


He wasn't contented at all. Mas nilapitan niya ang dalaga at napahawak sa braso nito ng biglaan. It was so abrupt that it made Sylvie flinched in nervousness. "Raziel-?"


"I'm sorry... I'm sorry okay? Please... please... forgive me." he was pleading with his eyes brimming in tears. Mas kumirot yung dibdib ni Sylvie dahil sa nakakaawang paghihingi ng tawad ng binata. It was shattering her heart into pieces. 


"Raziel... I've already forgiven you... tama na." pagtatahan niya dito ngunit di padin siya kumbinsido, "But... what I did was something unforgivable and unforgettable... bakit... ganon mo nalang ako pinapatawad." there, a genuine and sincere smile broke across Sylvie's face. It was pure, walang halong pagpipilit.


She showed him that she really did forgive him through her smile. "It was... it was something unforgivable and unforgettable. Pero kasi Raziel, kung pipiliin kong hindi ka patawarin at kalimutan, I won't be happy and would just be completely heartbroken. Anong mapapala ko?" that, then made him shut.


"Ako lang yung inaasahan nina mama at papa. I can't disappoint them. If I let myself be distracted to what happened, siguradong di ako makapag-focus sa pag-aaral ko. Kaya imbes na magmukmok at isipin kung ano yung naging problema sa relasyon natin. I chose to move forward and forget everything that has happened." mahina niyang sabi habang tinatanggal ang hawak ng binata sa kanya.


"Please, that's enough. Tama na yung paghihingi mo ng tawad kase kahit na di ka hihingi sa'kin... patatawarin at patatawarin padin kita." he was lost of words, he was speechless. All he could do was to stare at her sincere eyes. 


Yung mga mata na lagi niyang tinititigan noon at minamahal. Raziel was just processing everything, he couldn't accept it though. Pero sa nakikita niya, she really did forgave him. 


"Sylvie... I'm-"


"Stop. Stop right there. Alam kong di kapani-paniwala tong pagpapatawad ko sayo, but Raziel, I do... I'm forgiving you. I already forgave you. You should forgive yourself either." at doon ay natulala na lamang siya habang pinupulot ng dalaga yung susi sa sasakyan nito at saka binuksan ang pinto. 

UnutteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon