"Noel may sasabihin ako" Kinakabahang saad ni estralla. "Ano ba estra (Estralla) hindi moba nakikita na nanonood ako ng Tv?" Galit na saad ni Noel habang inaalis ang tingin sa Tv, At binaling sa kanyang kasintahang si Estralla. "Makinig ka muna saakin Noel impotante ito" Nangilid ang hula ni estralla at nanghihinang umupo za tabi kasintahan. "Siguradohin molang na importante yan estralla" Marahang tumango ang kasintahan bilang sagut at huminga ng malalim."Bu-buntis ako Noel, Buntis ako.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni estralla na kanina lang ay marahan lang ang bawat patak ng kanyang mga luha. "Ano!???. Lintik na! hindi pwede yan estra. Alam mong hindi pa ako tapus ng pag-aaral mag ka lived in palang tayo pero dipa tayo mag asawa, Mag isip ka nga ano nalang sasabihin nila mom at dad hu'h???. na nabuntis ko ang katulong namin dahil sa katangahan ko?. Mag isip ka estra mag isip ka!.
Marahas na hinawakan ni Noel ang mag kabilang balikat ni estralla at pilit na hinaharap sa kanya ang kasintahan, ngunit na natiling naka yuko si estralla ."Ipalaglag moyan, Di pwedeng malaman nila mom at dad yan o kahit sino paman" Napaangat naman ng tingin si estralla sa sinabi ng kasintahan. "Nasisiraan kana ng Ulo Noel!, Sarili mong laman at dugo papatayin mo? Gagu kaba? huh?" Galit na kumawala si estralla sa pag kakahawak ni noel sa kanyang dalawang balik at tumayo. Hinarap nya si noel.
"Ikaw ang nasisiraan na estra Mag isip ka nga. Masisira ang Apilido namin na iniingat. Ayokong Madungisan ang Apilido namin ng dahil lang dyan sa bata nayan na dinadala mo.
Nanlulumo namang tumitig si estra ki noel at Wala pading tigil ang pag bagsak ng kanyang mga luha. "Tatawagan ko si mang berto, baka may alam syang manghihilot na pwedeng Nating pakiusapan na ilaglag yang bata." Nilagpasan ni noel ang kasintahang naka titig lang sa kanya habang Walang tigil na tumutulo ang kanyang mga luha.
Kinuha ni noel ang kanyang Telepono sa kanyang bulsa at tinawagan si mang berto.
Si mang berto ay ang katiwala ng kanilang pamilya. matagal na itong na ninilbihan sa kanila simula palang bata si noel ay nag tatrabaho na si mang berto sa kanila. kaya alam ni noel na hindi nito ipagkakalat ang kanyang sasabihin. at sigurado syang may alam si mang berto.
"Hello mang berto.
"Oh napa tawag ka ijo, may kaylangan kaba? " Masayang bungad ni mamg berto.
"Wala. May itatanong lang ako.
"Ano iyun?.
"May alam kabang pumapatay ng bata?.
"A-anong ibig mong sabihin ijo? "Ang kaninang masayang mang berto ay napalitan ng isang kabadong mang berto " Buntis si estralla. Mag papalaglag kami" Deretsyong saad ni noel. Natahimik ang kabilang linya kaya Hikbi na lamang ni Estralla ang naririnig. " Noel Francis Adefhar. Nasisiraan kana ba ng ulo?" Naiyalo ni noel ang telepono sa kanyang tenga dahil sa malakas at galit na sigaw ni mang berto.
"Hindi ako na sisiraan ng ulo mang berto. Iniisip kolang ang kinabukasan ko at ang apilido namin ayokong masira ang imahe ng aming pamilya. Ano nalang ang sasabihin nila. na nabuntis ko ang katulong namin na kasintahan ko pala?.
Hindi naka tiis si estralla sa mga naririnig nito mula sa kasintahan. Mabilis itong lumapit sa kanyang kasintahan at pinaghahampas ito. "Ano ba estralla!?" Pilit namang iniiwasan ni noel ang bawat hampas ng kasintahan " Napaka hayup mo noel!!. hayup!!!" Patuloy lang sa pag hampas si estralla ki noel, habang si noel naman ay todo iwas padin sa bawat hampas ng kanyang kasintahan "Oo hayup na kung hayup" Nang mahuli ni noel ang mag kabilang kamay ng kasintahan ay mahigpit nya itong hinawakan, dahilan ng pag daing ni estralla sa sakit.
"ipapalaglag moyan sa ayaw at gusto mo!" Marahas na binitawan ni noel ang mga kamay ni estralla at iniwan nya itong Humahagolgol.
Laro tayo!.
Laro tayo!.
Laro tayo!.
Laro tayo!.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
AHHHHHHHHH!!!!!!
Story dedicated to: PluviophileDawn
BINABASA MO ANG
ANG MGA IYAK SA PUNO NG KAWAYAN
HorrorIsa, Dalawa, Tatlo o higit pang mga inusinting paslit, Ang naka libing sa ilalim ng puno ng kawayan. Lahat gusto ng hustisya. Mag kakaisa sila. Maghihigante para makamit ang salitang hustisya. Nasa sinapupunan palang sila ng kanilang mga ina ng kiti...