Aliyah Pov
"Hi miss. I'm Dwayane dwa for short" Napahinto ako sa pag lalakad, ng may humarang saking dadaanan, at nag salita. "Hindi ko tinatanong." Lalagpasan kona sana ito dahil late nako sa first subject ko ng bigla ako nitong hawakan sa braso. "So harsh. Dimo bako kilala?" Inangat ko ang aking muka para Harapin kung sino man ito . "Una sa lahat, Di kita kilala pero kung maka hawak ka wagas. Pangalawa, wala akung balak na makilala ka. kaya bitaw.
Mariin kung saad at seryosong tinignan ito. "Such a Bit-.
"OMG!.
"Prince Dwayane.
Prince hu'h?. baduy " Damn it Bakit moko sinuntok?" Napahawak naman ito sa gilid ng kanyang labi ng malasahan nya ang kanyang sariling dugo. "Opss napalakas ata. My bad." Tinalikuran kona ito at nag simula ng lumakad papuntang classroom.
Ngunit sa bawat hakbang ko ay Sinusundan iyun ng mga matang mapang husga.
At mga matang Ako lang ang nakaka kita.
Mga matang kulay pula, itim at puti.
Mga ngiti nilang nakakakilabot.
Mga Katawan nilang inaagnas.
Mga Halakhak nilang masakit sa tenga.
Mga bulong na parang sirang plakang paulit ulit.
Lagi kung dinadasal na sana isang araw maging normal na ang lahat. Yung wala nakong makitang mga Multo. asawang. at kung ano ano pang mga bagay na mahirap ipaliwanag, na kahit mga Scientist ay hindi maipaliwanag kung ano-ano ang mga ito.
"Miss Attam You're late!" Nabalik ako sa ulirat dahil sa lakas ng sigaw na iyun. Andito na pala ako sa harap ng classroom. "I'm sorry ma'am Dina po mauulit" Naka yukong saad ko " Talagang hindi na mauulit. dahil kung maulit payan sa guidance na tayo dederetso." Tumango nalang ako at umupo na saking upoan.
"Ang ganda mo talaga Alliya.
Binalot ng matinding kaba ang buo kung sistema ng biglang may bumulong saking tenga, Ramdam na ramdam kopa ang init ng kanyang hininga at matunog nyang ngisi. Nilingon ko ang katabi ko para makita kung sino iyun.
Nanlalaki ang mga mata ko ng makita kung wala itong ulo. kaya diko ma komperma kung sino ang lalaking ito.
"Ang ganda mo.
Muling bulong nito ngunit wala padin itong ulo kaya mas lalo akung binalot ng matinding kaba at takot.
Ibinalik ko ang aking tingin sa harapan at iniwawaksi saking utak ang aking nakita.
Masamang pangitain ito.
Nag patuloy ang klase hanggang sa ito'y matapus, ngunit wala man lang kahit katiting na pumasok saking utak. Hindi ko mabilang kung ilang beses akung bumaling sa lalaking katabi ko. isa?, dalawa?, tatlo? Higit pa.
"Miss Attam" Ginala ko ang aking paningin para hanapin ang boses na pinanggalingan nun "Bakit?" Tanong ko ng makita ko ang isang babaeng naka salamin na nakaupo tatlong upoan ang pagitan mula saakin. "May sakit kaba?"Tanong nito kaya napa tingin saakin ang ibang naka rinig. "Hu'h?"Kunot noong tanong ko " May sakit kaba kako. putla ka kaninapa tapus tulala karin, ayus kalang ba?" Nunot noo ko namang tinignan ang aking mga kamay. oo nga namumulta nga ako.
"ah HAHAHA wala. okay lang ako salamat" Tumango tango naman ito at binalik ang tingin sa libro nitong binabasa.
"Bibilang ako ng tatlo dapat naka tago na kayo.
Tumindig ang mga balahibo ko ng marinig ko ang mga katagang iyun mula sa kung saan.
Bago ito saking pandinig, Boses bata.
May mga Humahalakhak.
Umiiyak.
humahagikgik.
"Isa.
"Dalawa.
"Tatlo.
"Asan na kayo!! HEHEHEHEHE.
"Huli ka Princess aj!! HAHAHAHAHAHAHA.
Argh tama na. "Ang daya mo naman e" Tama na sabi argh ang sakit na. Napa takip ako saking dalawang tinga ng mag si halakhakan, ang dalawang batang babae.
"HAHAHAHAHAHA.
"HAHAHAHAHAHA.
"HAHAHAHAHAHA.
"TAMA NA!!!!!!" Malakas kung sigaw ng sunod-sunod na nag si halakhakan ang mga bata. "Ayus kalang?"Napa angat ako ng tingin ng may kamay na humaplos saking buhok. Ang gaan sa pakiramdam, para akung nasa isang paraiso na ako lamang ang tao.
"Ayus kalang ba?" Muli nitong tanong. tumango naman ako bilang pag sagut at tumingin sa kanya.
kulay asul na mga mata, Morena, matangos ang ilong, singkit, mahaba ang buhok, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata. Para syang isang angel.
"Bakit ka sumisigaw?" Nag aalalang tanong nito "Wala" binaba ko uli ang aking tingin at tinabig ang kanyang kamay na patuloy pading hinahaplos ang aking buhok.
"Sino ang kausap mo?" Napa angat naman ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses na iyun. "Hu'h?" Nagugulohang tanong ko, dahil lahat ng mata ay nasakin ang tingin. "Sino ang kausap mo?" kinakabahang saad nito habang may pag tataka parin sa kanyang muka.
"Yung babae, it-" napa tigil ako sa pag sasalita ng ibalik ko ang aking tingin sa dereksyon ng babaeng kausap ko kanina kanina lamang ng makita kung wala ito roon. "Tinatakot moba kami" Mataray na saad ng babaeng nasa harapan habang naka pa maywang pa. "Hu'h? , tinatakot? hindi talagang may babae akung kausap, hinahaplos nya pa ang ang aking buhok. kulay asul ang kanyang mga mata" Aligagang paliwanag ko habang Nililibot ko ang aking tingin para hanapin ang babaeng tinutukoy ko.
"Dati kabang Druh adik?" Hu'h? drug adik?ako? "Hindi totoo ang nga sinasabi ko meron talagang babae" Patuloy kolangna inilibot ang aking nga mata sa buong silid. "Nako aliyah ah lagi mo nalang kaming tinatakot. malayo pa ang november para mang prank ng ganyan." Sunod sunod naman tumango ang iba kung mga kaklase, bilang pag sang ayun sa sinabi ni Chescka.
Dahan-dahan naman akong yumuko dahil sa kahihiyan. Ayoko na ng ganto. suko nako, pagod na pagod nako.
Bakit ayaw nilang maniwala?. totoo naman ang mga sinasabi ko ah, hindi ako nag sisinungaling, lahat nalang sila ang tingin sakin praning, drug adik, Imbentadora, Baliw at kung ano ano pa. pati sarili kung pamilya ganon ang tingin sakin. Bakit? kasalanan kobang may ganto akung kakayahan?, di ko ginusto ito diko hiniling ito.
"Malapit na ang summer vacation, Dalawang linggong pasuk nalang Yehey!!!!.
"Oo nga eh. Ready na nga ang mga gamit ko para sa pag pumunta namin sa private resort ni dad sa sorsogon eh.
"OMG! kami kasi sa state pupunta bibisitahin namin si mama la eh.
Rinig kung bulong-bulongan nila.
BINABASA MO ANG
ANG MGA IYAK SA PUNO NG KAWAYAN
HorrorIsa, Dalawa, Tatlo o higit pang mga inusinting paslit, Ang naka libing sa ilalim ng puno ng kawayan. Lahat gusto ng hustisya. Mag kakaisa sila. Maghihigante para makamit ang salitang hustisya. Nasa sinapupunan palang sila ng kanilang mga ina ng kiti...