Umpisa

20 0 0
                                    

Umpisa

Barbara Isla

"What?!" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Napatingin pa saakin ang customer namin. I faked a smile at itinaas ang kamay para magpaalam na lalabas lang saglit para makausap ko ang nasa kabilang linya. Humugot ako ng sigarilyo sa bulsa ko at itinaas nang mapadaan ako sa main counter nitong tattoo shop na pinagtatrabahuhan ko. Sinindihan iyon ni Chin na cashier namin at tinanguan ko lang siya bago tuluyang lumabas.

Kulay kahel at lila na ang kalangitan. Tanaw ko na rin ang half cresent moon at mga mumunting bituin sa hindi kalayuan.

"Auntie, pwedeng paulit nang sinabi ninyo?!" Halos pasigaw ko nang pagtatanong dahil gusto kong marinig ang sinabi nila kanina nang mas malinaw dahil parang nabingi ako sa narinig ko.

"N-Na-scam ang pamana mo..." napapikit ako nang marinig ko ulit iyon. Pinindot ko ang off mic sandali at nagmura.

"Putangina."

At saka ko binalik. Hindi ako nagmumura sa mga harapan ng relatives ko dahil mga maka-Diyos silang lahat. Hindi dahil may pakialam ko sasasabihin nila pero ayoko lang na pagsasabihan nila ako tungkol sa kung anong dapat kong gawin dahil babae ako. Sukang suka na ako, araw-araw kong naririnig iyon.

"Auntie, paano nangyari?! Bakit ninyo pinakialaman ang pamana saakin ng mga magulang ko?!"

"Sorry, Barbara. Nalulugi na kasi ang negosyo namin... Akala ko lalaki iyon..." pumiyok na ang boses nila at ang sunod kong narinig ay ang paghagulgol nila. Umirap ako sa kawalan.

Fucking shit. Huling pera ko na iyon para ipambayad sa ngayong sem, hindi pa sapat ang ipon ko para ipagpatuloy ang course ko ngayon which is Fine Arts. Malaki ang tuition fee at mga kailangan kong gamit. Nasa second year pa lang ako. Matagal tagal pa ang taon bago ako magtapos. Sa dami kong gustong sabihin. Naitanong ko na lang kung ano ang gagawin ko.

"Paano na ngayon iyan Auntie? Kailangan ko rin ng pera. Huling pang-tuition ko na iyon."

"Umuwi ka na lang kaya rito?" Dahan-dahan nilang sabi.

"Auntie, hindi pwede! Saan naman ako papasok riyan?! Narito ang buhay ko. Dito sa Maynila. At alam niyong ayoko, ayoko riyan sa Pangasinan."

Nagsisisi na tuloy akong pinahiram ko ang huling savings ni Mama para saakin. Nakumbinsi lang naman nila ako dahil sabi nila nasa ospital ang pinsan ko. Iyon pala ay pinagshoulder nila sa business nilang nalulugi na. At kung minamalas nga naman, na-scam pa.

"Lipat ka na lang sa State University dito. Maraming scholarship dito." Dagdag nila.

"Hindi pwede, Auntie. Wala na akong uuwian diyan. Ngayon na nga lang ninyo ako kakamustahin, iyan pa ang bungad ninyo?!" Sa inis ko ay hindi ko na napigilan. Narinig ko ang pagsinghap niya.

"Bastos kang bata ka! Sinasabi mo bang mabuti lang kami kapag may kailangan kami saiyo?!" Sigaw niya sa kabilang linya.

Nailayo ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng sigaw nila. Totoo naman ah? Halos isuka nila si Mama noon dahil sa pagkakamali niya tapos ngayon, noong may nalaman silang malaki ang ipon niyang naiwan ay saka lang nila ako kinausap.

"Kung iyan ang nararamdaman ninyo, wala akong magagawa riyan." Utas ko habang umiirap. Oh god, this is pissing me off. Ubos na rin ang pakete ng sigarilyo ko. Hindi pa sapat naiipon ko talaga at ang mahal ng pamumuhay dito sa Manila. Ang mahal lahat ng bilihin. Ang sweldo ko sa tattoo shop ay sakto pa lang para sa pangkain ko at boarding house.

Mahuli, TayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon