2

52 5 0
                                    

Morning came, I still have 2 days bago dumating ang sundo ko daw from the Academy. Although I'm wide awake now, I still refuse to get off of my bed.

Andrew already reminded me to talk to our parents ngayon pero I'm in no mood to do so. Nagrereklamo na din ang sikmura ko dahil alas nuebe na ng umaga at amoy na amoy ko na ang luto ni mama na tocino at itlog pero dahil ma pride akong tao eh hindi ako bumabangon.

"Arghh mamaya ka na magutom self, hindi mo pa malunok lunok yang pride mo kayaa magtiis ka!" I hissed at my own self, ganito talaga nagagawa ng gutom sakin, nababaliw.

Few minutes eh naririnig ko na ang mararahas na pagkatok ng kapatid ko, napabuga nalang ako ng hangin dahil kuhang kuha na naman niya ang inis ko.

"ISANG KATOK KO PA AT SISIGURADUHIN KONG HINDI KA NA MAKAKALABAS DYAN!" sigaw ni Andrew sa may pinto at napaikot na naman ang mga mata ko.

Akala ko ba ako ate dito? Sabi ko na nga ba bunso talaga ako eh.

"Tumahimik ka Andrew! Lalabas na ako kaya huwag mo akong sigawan!" Iyamot kong sagot habang masama ang tingin sa may pinto ko kahit na hindi naman ito makikita ni Andrew.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at hindi ko na inabala na tupiin ang kumot ko at linisin ang kama ko, magugulo lang din naman mamayang gabi 'pag tutulog na ulit ako eh.

After ng konting toothbrush at mumog eh nagwisik din ako ng konti para magmukha naman akong fresh kahit konti.

Pagdating ko sa kusina ay nakaupo na sila at mukhang ako nalang talaga ang hinihintay, hindi ko alam kung mahihiya ba ako hindi, pero nagdesisyon ako na huwag nalang mahiya dahil masiyadong nakakapagod yun.

"Maupo ka na ng makakain na tayo, ikaw nalang ang hinihintay." Mama said in a soft tone pero alam mong may konting panenermon.

"Salamat po sa pagkain." We all said in unison, hindi man halata pero marunong naman kami maka-appreciate ng blessings.

Konting kamustahan habang kumakain since ilang araw nga silang wala at kami lang ni Andrew ang nasa bahay. Syempre excited ang unggoy kong kapatid na ibalita na nanalo siya sa codm since nagkaron nga ng competition dun. Kaya pala sobrang abala nung nakaraang araw, ni hindi ko mautusan kahit pagsasaing manlang.

"How about you Althea, kamusta ka naman habang wala kami?" Mom is looking at me warmly, bagay na hindi nawawala sa mga mata niya habang nakatingin saming magkapatid.

"Yun nga ma, last week sinama ako ni Ate Andrea sa isang school to take an entrance exam. Tapos yesterday eh dumating na yung result saying na nakapasa ako, and you probably already know the half of it." Hilaw akong napangiti sa huling parte ng sinabi ko.

Si Papa naman ay nakikinig din but he's refusing to look at us or me in particular , nagtatampo parin siguro dahil sa pag sagot sagot ko raw kay Andrea na hindi naman nangyari.

"Sorry Pa, about kahapon." I told him, pero hindi ako mag so-sorry sa nasabi ko kay Andrea, those were facts anyway.

"Mag sorry ka din sa ate mo, hindi mo dapat siya pagsalitaan ng ganun." Nakita ko naman na nawala ang ngiti sa mga labi ni mama, lagi nangyayari yun sa tuwing pinagtatanggol ni papa si Andrea.

She feels like mas mahal ni Papa si Ate kesa samin, and I couldn't say otherwise kasi yun din ang nararamdaman ko.

"Sana inalam mo muna Arthur kung anong pinagsasabi ng anak mo sa anak ko. Walang ginawang mali si Althea, please stop being so bias. Anak mo din si Althea, if you'll excuse me" mom faked a smile bago siya umalis sa hapag, ni hindi niya inubos ang pagkain niya.

Nakita ko kung pano umigting ang panga ni Papa sa pagkaiyamot, all our lives they never really get into any serious argumens, ito lang...ito lang lagi ang pinagaawayan nila, at yun nga ay yung pagiging bias ni Papa pagdating saming mga anak niya.

Nanatili kaming tahimik ni Andrew sa buong umagahan, refusing to make any sound other than the noise of our cutleries.

Natapos ang almusal namin with a heavy tension looming above us. Isang guilty look ang makikita sa mukha ni Papa, probably realizing what he did again this time.

~~~

"Desidido ka na ba talaga sa desisyon mo anak? I heard napakalayo ng paaralan na yun at hindi ka namin agad mapupuntahan sakaling may mangyari sayo" bakas ang pag aalala sa mukha ni mama, this wasn't the first time na malalayo ako sa kanila dahil madalas naman akong sumali sa mga organization camping nung high school.

Pero siguro dahil iba 'to, malalayo na ako sa kanila for a long time since sa dormitory ng school ako mag stay.

"Yes po mama, alam niyo naman na hindi ako sobrang sipag para maghanap pa ng ibang school. At isa pa, ito na oh andito na yung result, nakapasa na ako kaya ayoko na kumuha pa ulit ng another exam" Sayang naman yung tantrums ng kapatid ko kung hahanap pa ako ng ibang school.

"Mag iingat ka dun Althea, wala kami dun ng mama mo para suwayin ka pa. Alagaan mo sarili mo, mamaya kung ano ano na namang kalokohan ang pasukin mong bata ka" mukha namang sincere si Papa sa pagpapa-alala niya, hindi ko lang sure kung sermon ba yung mga kasunod nun.

"Pa, Ma, don't worry po I can take care of myself and kung hindi ko man kayaa alam ko na along the way eh matututunan ko din po yun." I look at them mismo sa mga mata nila para malaman nila kung gaano ako kaseryoso.

Plus sa susunod na araw na ako susunduin, within just a few days ay makakalabas na ako ng bahay.

Finally vacation day is over dahil nabubulok na ako dito sa bahay namin. It's no fun!

"Fine fine, papayagan ka na namin. Kelan ka daw ba susunduin and ano yung mga kailangan mo ba sa school?" Papa surrendered na and I just smiled at them, kahit naman hindi sila pumayag eh aalis ako.

Hassle kung hahanap pa ako ng new school, new exam pa yun, new place na naman and malaki ang chance na maligaw pa ako. Sayang brain cells and pamasahe ko kung nagkataon, so yeah dun na tayo sa Valeria.

"I just need my clothes, books and other school materials will be provided naman na po. It wasn't mentioned kung ano pa ba ang mga kailangan, nakasulat lang na tanggap po ako and susunduin nga daw." I shrug since yun lang talaga ang sinabi. I guess bukod sa ilang mga damit ay sarili ko lang ang dadalhin ko.

"Why don't you try calling them anak, o kayaa ay message them through messenger?" Suhestyon ni mama na mukhang excited na mamili na naman ng school supplies ko.

Mula bata ako laging siya yung mas excited na pumili at bumili ng mga gamit ko, she'll even force me to have barbie notebooks and most of my stuffs before ay puro barbie too. I prefer Dora pa naman, lalo na kapag kasama si Boots.

"Scholar daw po ako ma, hindi ko na po ata kailangan bumili ng kahit anong school supplies. Tsaka pagdating ko naman po kung may kulang man ako ay tawagan ko nalang po agad kayo. Send Gcash nalang ma hehehe." Mula nung nagka Gcash ako mas madali na akong nakakahingi ng pera kila mama.

Hindi na kasi nila masabing "Wala akong barya anak, puro buo ito eh."

Ngayon HAHAHA buo o barya isang click lang yan matatanggap ko parin.

"Na-perfect mo ba yung exam anak? Paano ka naman naging scholar dun?" May bahid ng pagtataka sa mukha ni mama, hindi naman dahil sa bobo ako, kasi sa totoo lang brainy naman ako kahit papano. Ang alam lang talaga nila ay hindi ko nga sineryoso yung exam.

"Hindi ko din po alam, minadali ko din naman po kasi talaga yung pagsasagot." I don't even remember kung binasa ko pa ba yung ibang tanong.

Swerte lang talaga siguro ako.

"Sige na sige na, ayusin mo na ang mga gamit mo. Para bukas ay nakahanda na ang mga kailangan mo hindi ka na magmamadali. Plus we can still check in case na may kulang pa sa mga dala mo" napatango nalang ako sa suggestion ni Papa, agad akong pumasok sa kwarto ko to grab my duffle bag and giant backpack. There is no way na magdadala ako ng maleta, ano ako mangingibang bansa?

"So sino sa inyo ang iiwanan dito sa bahay at sino ang makakasama?" Usal ko habang nakatingin sa mga damit kong magulo ang pagkakapatas sa damitan ko.

This packing will take me a looonggg time bago matapos.

Valeria AcademyWhere stories live. Discover now