Chapter 2 Another Punishment

6 6 0
                                    

-Another Punishment-

⚠️WARNING:⚠️
⚠️May Typo⚠️
⚠️May Wrong Grammar(Pasyensiya't hindi magaling sa English)⚠️
⚠️Ang ibang Chapter ay May Bad Words⚠️

******
Nagising nalang ako dahil sa iyak ng isang babae.

Idinilat ko ang mga mata ko, kulay puti lang ang nakikita ko sa paligid ko hanggang sa bigla itong luminaw.

Nakita ko si Maxine na umiiyak habang hawak ang mga kamay ko.

"Maxine, buhay pa ako. Bakit mo ko iniiyakan, pft!" Natatawang saad ko.

"Margaux!" Gulantang na saad nito at dinamba ako ng yakap.

"Ouch!" Inda ko sa sakit. My body was aching.

"So-sorry." Umiiyak pa ring saad nito.

"It's okay, sakit ng katawan ko. Ano bang nangyari sakin?!" Umiindang saad ko.

"Nakalimutan mo talaga?" Hindi makapaniwalang saad nito.

"Nahulog ka sa hagdanan at may isang lalaki ang tumulong sa'yo at ang Gwapo niya kyahhhh!" Nakakabinging saad nito.

"At sino naman yun?" Seryosong saad ko. Wala kasi talaga akong maalala sa mga nangyari. Naalog na yata ang aking utak.

"Si Ken yun Margauxxx! Ang gwapo niya talagaaa!" Kinikilig na saad nito.

"I have my pictures, tumingin kasi siya sa akin nun saktong pag click ko ng Button ng Camera, tapos alam mo ba nagtalo pa kami, pinapabura niya sa akin yung picture. Para tuloy kaming mag-asawa kanina, away asawa ahihi. Pero hindi rin nagtagal yun, kasi nauubusan ka na ng dugo!" Nakangiting saad nito at kinikilig sabay ng pagiimagine sa nangyari kanina.

Tsaka ipinakita sa akin ang litrato. Kenji and Ken ay iisa? O baka naman kambal sila.

"Ayy sus, Wala naman akong pake roon, ni minsan hindi ko tinignan yun. Gwapo ba talaga?" Interesadong tugon ko.

Hindi kasi talaga dumadapo ang mata ko sa kaniya, Transfer student kasi ako sa School na ito, halos kakasimula lang din ng klase, kaya naman paanong makikilala ko agad ang Ken na iyon.

"Wow Margaux, akala ko ba wala kang pakealam? Ehh ikaw 'tong nagtatanong kung Gwapo ba! Susss, baka mainlove ka sa kaniya kapag nakita mo siya ng malapitan at tsaka shemsss tinawag ka niya sa pangalan mo, so meaning kilala ka niya, sana all. So how do you feel on Ken's arm?" Kinikilig na saad nito.

Kilala niya ako, of course, because it's Kenji, the President, also the Son of the Dean, am I right?

"Really? Tinatanong mo talaga? Syempre hindi ko alam ang pakiramdam dahil wala akong malay nun, Maxine, pft!" Napahawak nalang ako sa noo ko.

Naramdaman ko ang bandage sa aking ulo.

Maya maya lang may kumatok sa pintuan at iniluwa nun si Dr. Lorenzo.

"Check ko lang ulit kung maayos na ba ang katawan mo at kung may bleeding pa sa noo mo." Lumapit ito sa akin at ginawa ang dapat niyang gawin.

"Buti nalang talaga at nadala ka rito ni Ken, kung hindi baka naubusan ka na ng dugo." Saad pa nito habang tinitignan ang aking noo. Tinapalan niya lamang ito.

"Hindi na pala masyadong nagdudugo. Huwag mo masyadong igalaw ang katawan mo. Maghintay ka ng mga 1 pang oras at puwede na kayong umalis, at kapag nakakain ka na, inumin mo 'to." Iniabot niya kay Maxine ang gamot.

"Thanks Doc!" Nasabi ko nalang bago siya tumalikod.

"Oo nga pala, maswerte ka at hindi malala ang nangyari sa'yo, wala namang nabali sa'yo at ang sugat lang sa noo at ilang mga bruise at pasa lamang ang natamo mo. Mahihirapan kang maglakad pero medyo lang naman, so Maxine take care of her, huwag na huwag mong iaalis ang tingin mo sa kaniya!" Tugon nito at ngumiti.

My Endless Fairytale | On-Going |Where stories live. Discover now