TRHMT - 6

306 6 2
                                    

Keisley Yeoj Jeon Lu, on multimedia.

--

Kinabukasan, February 11th.

| Keisley |

Bukas na ang birthday ko, hindi ko na lang ipapagsabi, ayoko din namang sabihin sa kanila, kasi baka magpalibre e wala pa akong money.

Naalala ko na naman yung kagabi, nagalit kaya si Mark? Bakit ba kasi ganun siya maka-asta, hindi ko naman inaano, medyo nagallit lang din naman ako kasi ang sama ng pakiramdam ko.

Ayun na nga eh, nagalit ka. Sumobra na ang actions ko kagabi, gusto ko lang siguro magpahinga nun, kaya bigla akong nairita.

----

Nakaupo ako, nakaharap sa desktop, nalulungkot ako, napapaiyak na lang ako dito. *huk*

"Are you alright, Keisley?" Hala, napansin yata ni Kao na naiyak ako. "Yes, sir. I'm alright,"

---

"You're not, what happened?" biglang lapit ni Sir Jirayu sa akin. "Nothing po, Sir. Na-puwing lang po ako, hehehe." But really, I'm not fine at all. Ayoko lang sabihin.

"No. Tell me what really happened." pagpilit ni Sir Jirayu, "Confidential po."

"Oh, I'm sorry, Keisley. Pero kung ano namang problema yan, malalampasan mo din. If you're not feeling well, just rest and let me do everything." ngiti niya. "Thank you, sir."

-

"Ah, and by the way, Keisley, hinanap ka ni Mark sa akin."

Hinanap pala ako ni Mark, aaahh, half day lang pala ako kasi kahapon, hahanapin ako tapos kung kailan pagabi na at tsaka may gustong sabihin sa akin then biglang magagalit, hay, weirdo!!

--

Nagtrabaho na ulit ako, ayaw ko naman maging pahirap kay Sir Jirayu.

--

"Keisley, maiiwan muna kita. Urgent meeting lang namin ni Mr. Tuan, just arrange the files I left in my table, medyo madami yan. Okay lang?" sabi ni Sir Jirayu

"May meeting po kayo kasama si Sir Mark? Sige po, kaya ko naman po ng madaming paperworks. Ako na lang po ang bahala sa table niyo." sabi ko naman ng walang ka-gana gana.

Nawawala talaga ako sa mood, ang dami kong inaalala. "Thank you, Keisley." ni-tap niya yung balikat ko.

I should be blushing kasi may gusto ako kay Sir Jirayu......

..pero hindi. Gusto ko din si Mark.

Gaaaaah. Ang gulo naman e!

--

Halos apat na oras na ako dito sa room at sobrang lamig pa, buti na lang may dala akong jacket.

Ang dami kong tinapos, kanina ko pa nagawa yung mga pinagawa ni Sir Jirayu, inayos ko na din yung desk niya, 15 minutes na akong walang ginagawa dito. Bigla namang may pumasok sa office, naka-earphones ako pero narinig ko pa din yung pagbagsak ng pintuan.

At nakita ko si Mark. Ang buhok niya, yun yung lalong nagpapapogi sa kanya.

Hindi ako nilingon ni Mark kahit ilang segundo man lang, tinanggalan ko ng laman yung lagayan ko ng ballpen tapos siniko ko para mahulog. Para mapansin ako ni Mark.

Pero hindi pa din, nakasilip lang ako kasi tago yung lugar ko at si Mark halos katapat lang ng kay Sir Jirayu. Nakatayo siya at may binabasa. May hinahanap siya parang pipirmahan niya yung binabasa niya ngayon.

Nabigla naman ako nang biglang lumapit si Mark, kinuha yung ballpen ko at doon nagpirma sa table ni Sir Jirayu, bumalik si Mark at sinauli yung ballpen ko. Hindi niya talaga ako pinapansin, ang sakit talaga. Nasigawan ko siya kagabi kaya malamang, galit pa din siya.

𝓽𝓱𝓮 𝓻𝓮𝓭𝓱𝓮𝓪𝓭𝓮𝓭 𝓶𝓪𝓻𝓴 𝓽𝓾𝓪𝓷. (book 1 of the mark tuan series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon