"Depression at COVID-19 Hanggang Kailan nyo Ako Balak Tigilan?"

9 1 0
                                    


Nakamukmok sa isang gilid sa aking silid
Nagmumuni kung ano nga ba itong aking nababatid
Kung dati ay depresyon lang ang sa aki'y umaaligid
Bakit ngayon sobrang nabalot na ng takot ang aking paligid

Para akong nasa bilibid paulit-ulit na mga luha'y pinapahid
I don't know where it came from, I don't know why it suddenly come
Every tick of the clock problems is hitting me
Emotionally, mentally and financially

Ilan lang ito sa mga bagay na aking laging dala-dala
Sinasarili ko sapagkat ayaw kong mangdamay ng iba
Ayaw kong pati sila sa aki'y mamroblema
Sa aking mundong hindi na binabalot ng tuwa
Kundi luha, iyak at paghagulgol na 'diko matukoy kung saan nga ba nagmula

Batid kong problema ay normal
At kalabisan bang hingin ko na h'wag na ito sa akin magtagal
Dati kaya ko pa 'tong kontrolin, kaya ko pang labanan
Pero putcha naman dumating pa itong kinakakatakutan ng karamihan

I already have the plans to fight back and stand for my dreams
But why Covid-19 why?
You're the blocking wall to strive my aims and to be with my friends
Friends who can be my rest when my depression insist with me in silence

Paano ko nga ba malalampasan ang lahat ng ito
Kung sabay sabay n'yong hinahamon ang lakas at katatagan ko
Paano pa ako lalaban kung ibig ko na'y buhay ko'y mawakasan
Dahil sa depression at pandemya na aking hinaharap sa tuwina

Pandemya, paano ko paba masisikmura kung patuloy mong ginugutom ang aking pamilya
Paano pa ako makakapagtapos kung sa bawat araw kami ay kinakapos
Kung sa gamit sa klase laptop, cellphone ay wala kaming pambili
Idagdag pa natin ang isyu sa internet connection, signal at ang aming distinasyon
Makakaya ko pa kayang umahon sa hirap ng sitwasyon na kinakaharap ko ngayon

Kung nahihirapan na nga ako sa depression na palihim kong nilalabanan
Paano pa kaya kung dalawa na itong kailangan kong malampasan
Hindi ito biro, hindi ito isang laro, hindi ito madali
Lalo na't mismong sarili mo ang nakakalaban mo palagi

Yung nasa punto ka ng nais mong wakasan ang 'yong nararamdaman
Pero sa kabilang banda mayroon paring nagdidikta na lumaban ka
Subalit nahihirapan ka na talaga
Yun bang kahit ano pang pilit hindi mo na talaga kaya

Yung kahit isubsob mo na ang iyong sarili
Sa katagang bakasakali, bakasakaling bukas lahat ay magiging okay
Pero hindi ganun yon dahil napakahirap magkunwari
Bakit kaya sa buhay ito ay laging itong katunggali

Minsan mapapaisip kana lang kung saan ako nag kulang, ano bang nagawa kong mali
Bakit palagi nalang pighati ng buhay ang sa akin ay sukli
Ibig ko lang naman sumaya bakit ipinagdadamot pa
At bakit yung iba ang galak nakikita sa kanilang mga mata na para bang problema

Yung pilit mong hinahanap ang natatanging kasiyahan pero hindi mo matagpuan
Yung kahit ano pang paraan ang gawin upang tagumpay ay makamtan
Wala eh sadyang hinihila ka pababa ng lungkot na iyong pinagdadanan
Na nagiging dahilan kung bakit ka palihim kang nasasaktan

Yun bang mararamdaman mo nalang na ang daming kulang sa iyong pagkatao
Na nag uudyok sayo upang kitilin ang sariling buhay mo
Yung nawawalan ka na ng ganang mabuhay pa
Dahil hindi mo alam kung para saan pa

                       Isa ka ba sa mga kabataan na may ganitong nadarama?
Huwag kang mangamba dahil hindi ka nag iisa
Napakadami dito sa mundo na hanggang ngayon
Hinahanap parin ang kanilang natatanging direksyon

Alam kong mahirap ang iyong pinagdadaanan
Pero pakiusap ikaw pa ay lumaban
Mas tatagan mo pa ang iyong kalooban
At ang salita ng nasa taas ay pagkatiwalaan


Lahat ng pagsubok na iyong nararanasan
Ito ay mayroong hangganan
Huwag kang mawawalan ng pag-asa
Dahil ang mga magagandang pangyayari ay nakatakda na

Isipin mo na ring may mga tao pang mas nahihirapan kaysa sa iyo
May mga tao na mas nagdudusa minu-minuto
Pero lumalaban at loob ay mas tinatagan
Upang hamon sa buhay ay harapin at sa tunay na kaligayahan ay manalagin

Lagi mong tandaan na umiikot ang mundo
Hindi pwedi na laging problema ang pasan mo
Magtiwala kalang sa kanyang mga plano
At hanapin mo ang dahilan kung bakit ka nabuhay sa mundong ito

Lahat tayo ay mayroong paroroonan
Lahat tayo may nakatakdang kanais nais na kinabukasan
At hindi mo ito makakamtan kung sa pagsubok ikaw ay hindi lalaban
Yang pighati na iyong pasan huhupa din iyan

Naghihilom lahat ng sugat dito sa mundo
Lahat ng tanong ay nasasagot sa paglipas ng oras at minute
Lahat ng hinanakit ay naiibsan
At tunay na tagumpay at kasiyahan ay nakakamtan


Lahat ng bagay naka prosesso
Ito ay nakayon sa kanyang mga plano
At hindi natin hawak ang ating buhay
Kaya pag aralan na ang lahat sa kanya ay ialay

Itong takot na ating kinakaharap ngayon matatapos din ito pagkalaon
Kaya palagi mong alalahanin ang mga masasayang ala ala
At sa depression ay huwag kang magpadala
Nandyan ang iyong pamilya, kaibigan at mga kakilala

Huwag mong isipin na nag iisa ka
Dahil maraming taong ayaw na mawala ka
Maraming taong nagmamahal sayo pero hindi mo nakikita
Dahil naka sirado ang pinto ng buhay mo

Minsan sa buhay nalulungkot tayo dahil hindi tayo kontento sa kung anong meron tayo
Nais natin ng mas higit pa kaya ang mga simpling bagay di na natin nakikita
Subukan mong pahalagahan kung anong meron ka
Malay mo dyan mo lang para makikita ang tunay na saya

Maging kontento tayo sa kung anong meron
Huwag ng humiling ng mas higit pa
  At sabayan mo ako na sugpuin ang depression
Halika't magapatuloy sa ibang pahina at gumawa ng aksyon
Kasama ang grupo kong nasa unahan na magbibigay ng leksyon
Patungkol sa kung paano labanan ang depression

COVID-19, asus matatapos din iyan
Babalik rin tayo sa dating nakasanayan
Babalik din sa ating ang mga naudlot na kasiyahan
Kaya halina at magpakatatag tayo KAIBIGAN !

Depression at COVID-19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon