1.
“PUNYETA!! Claire! Sakit non” sigaw ko sa kaibigan.
Natutulog yung tao eh. Panira talaga ng beauty rest ang pusit na 'to.
Pinadilatan nya 'ko ng mata “Kanina pa kita ginigising! Tulog mantika ka. Halos mapaos nako kakasigaw sa pangalan mo dito. Tulog ka pa rin! Malapit na tayo sa isla. Tayo na dyan” aniya.
Napakamot ako ng ulo saka padabog na tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.
“Bilisan mo na para kang pagong kung kumilos” Singhal pa nya bago umalis.
“Opo, nay!!” pang aasar ko pa sakanya, umismid lang sya.
Yung babae talagang yun Parang nanay kung umasta. Mas stress pa sya sa totoong nanay ko minsan eh.
Kunting ayos lang ang ginawa ko bago umakyat ng top deck nitong yacht, pupunta kami sa isla na pagmamay ari nung stress na nanay—si Claire. She's my bestfriend.
Pero nanay tawag ko sakanya kasi nga daig nya pa mama kung maistress kapaglate ako sa pagpasok o kaya kapag nalaman nyang late nako matulog sa gabe. Sinisermonan nya ko sa school pag may pagkakataon syang sermonan ako.
Pagkarating sa top deck ang masarap na hampas ng hangin agad ang bumungad sakin. The wind is blowing my hair but I don't mind because the more of the ocean's breeze I feel the more calmness I felt.
The first time my mama brought me to the beach, I felt the calmness and peace that I can't explain.
Sobrang stress ko sa school nung tumuntong ako ng first year college kaya napagdisesyunan ni mama na dalhin ako for vacation nung summer.
I really don't like going to beach because I prefer traveling to other countries. But then nung naramdaman kona ang hampas ng alon, I felt this unexplainable feeling.
I had goosebumps pa noon pero sabi ko baka sa lamig lang ng hangin kasi gabe na rin yun. But then the time I'm about to turn away from the shore. I heard a noise coming from the ocean.
It's like someone's humming not far from where I stand.
Para syang nanghahalina— ang boses Parang tinatawag ako. Malumanay ang boses.
Kung hindi pako tinawag ni mama ay hindi ko malalaman na unti-unti na pala akong lumalapit sa malalim na parte ng dagat.
Kinabahan ako pero nangibabaw Pa rin yung curiosity kung sino yung nag-ha-hum.
Baka yung mangingisda lang sa 'di kalayuan, Eli!
But anyway, I really don't care baka guni-guni ko lang yun. At sa sobrang stress kung ano-ano na lang naririnig ko.
“Hoy! Anong drama yan. Feeling nasa music video?” isang batok ang nagpa balik sakin sa realidad.
Sinamaan ko ng tingin si claire.
“Gaga! Hindi ako katulad mo. Masyadong madrama akala mo nasa telenovela” binatokan ko rin sya.
Napasimangot sya saka tumingin sa kawalan. Syempre gumaya rin ako, ganito yun sa mga teleserye eh. Diba?
Nakatulala sa hangin~
It's quite, peaceful and it feels good.
Papunta kami sa isla nila Claire dahil birthday nya bukas. Bukas Pa yung birthday nya pero kasi gusto nya daw mas organisa daw yung magiging party bukas para sa mga pupunta ng bisita. Kaya ngayon kami puputa doon.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang isla. May naka abang na doon na mga tauhan ng pamilya nila claire. Rich kid din eh. Shana all!
Pagkadaong ay agad kami inalalayan pababa ng yacht, kami lang dalawa ang pumunta dito ngayon dahil bukas nalang daw yung iba Pa naming kaibigan kasi madami pa daw gagawin at tatapusin para bukas wala na silang iisipin at party party nalang.
“Good afternoon ma'am” bati nung manager. I know her. Hindi naman kasi ito ang unang beses na pumunta kami dito.
“Good afternoon din. Pakikuha nalang ng mga gamit sa yacht. Thank you” maarteng sabi ni Claire. Sinusumpong na naman.
It was a tiring day kaya napagdesisyunan muna namin na magpahinga nalang muna bago gumala.
Actually ako lang ang gagala kasi hands on ang isang yun sa party para bukas. Ayaw naman mag patulong kaya bahala sya dyan.
“Don't worry, girl. I got this. Ako pa” pagmamayabang nya.
Hayaan nalang birthday naman nya sa bukas.
I slept probably just one hour then put the dress that I bought sa Italy nung nag vacation kami ni mama doon.
Nang mapagod sa kakagala sa buong shore na boring naman dahil ako lang mag isa. Umakyat nalang ulit ako para matulog ulit. Boring!
When dinner comes bumaba nako para kumain. Hinintay ko pa yung bruha dahil tulog pala. Napagod ata sa pagdedecorate sa buong pool para bukas.
Sa infinity pool gaganapin ang party na naka harap sa dagat kaya magandang maligo doon kung gusto mo mag relax dahil pwedeng mong tanawin ang papalubog na araw.
“Bukas nalang mars. I'm so pagod right now” she lazily said.
“It's okay. Rest kana. Bawal ma-stress dahil baka panget ka bukas. Birthday mo pa naman” sabi ko na nagpa ayos ng tayo sakanya.
“Omyghad! Yeah right. Bawal ako ma-stress baka pumunta si crush bukas. Inimbitahan ko pa naman sya. Maglalagay ako ng facial cream, mask and oh... I think I need a mosturizer...” aniya habang naglalakad paalis.
Umiling nalang ako at marahang ngumiti. I accidentally glance at the shore where the waves are peacefuly hitting the sand. A cold breeze blown my hair dahil open area ang paligid ay malayang nakakapasok ang malamig na hangin.
Ilang sandali pa ay narinig ko na naman ang malamig na boses na narinig ko non. Kumunot ang noo ko at nilibot ang tingin sa paligid, just to check if naririnig din ba ng iba ang naririnig ko. But I guess ako lang ang nakakarinig dahil patuloy lang sa kani-kanilang ginagawa ng mga tao.
Mas lalong lumakas ang boses na agad bumigay ng kakaibang pakiramdam sakin. Malumanay at malamig ang boses na nanggagaling sa dagat, sa Bawat segundong na dumadaan ay parang may naririnig akong salita na sinasambit nito but it's not clear enough para maintindihan ko.
“Ma'am?” gulat na napatingin ako sa waiter na lumapit na pala sakin na hindi ko namamalayan. Pati ito halatang nagulat din sa biglaang paglingon ko sakanya.
Tumikhim ako saka ngumiti ng marahan “Ahm. Yes?”
Ngumiti rin ito “Ma'am. Ahm, gusto ko lang po tanungin kung gusto nyo pa po ba ng wine?”
Namaang ako saka napatingin sa wine glass na wala na palang laman. I blinked twice before looking at him again.
Umiling ako “Ahm. No, thank you. Aalis na rin kasi ako kaya okay lang”
Tumango ito saka nagpaalam bago umalis.
Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo sa kinauupuan, hindi nako tumingin ulit sa dagat at umalis na.