Sail 2

0 0 0
                                    

2.

ALAS-OTSO palang ng umaga ay sobrang busy na ng buong hotel staff dahil sa birthday party ng anak ng amo nila mamayang gabi.

Si claire hindi paawat sa kaka excersise dahil magbibikini daw mamaya baka may taba sya nakakahiya. Arte talaga! Sabi ng okay lang naman kung may maliit syang taba para hindi naman sya mukhang buto't balat kapag nag bikini.

At syempre dahil mabait akong kaibigan, bahala sya magpakapagod kaka-excersise buong araw. HAHA. Magchichillax ako dito.

Nakahiga lang ako sa isang duyan na nakatali ang bawat dulo nito sa dalawang magkatabing niyog.

Sana lang hindi ako mahulogan ng niyog dito kung hindi magkakaroon talaga ng world war three sa pagitan ng tao at niyog.

Everything is peaceful, just the way I like it.

Napatitig lang ako sa magandang kalangitan at nag isip ng mga walang kwentang bagay. Katulad ng kung tumatae rin ba ang mga gagamba? Oo naman siguro eli, ano kaba?

Saka kung nasaan ang mga bayag ng isda? Binaliktad ko na't lahat-lahat hindi ko pa rin makita eh.

Bakit ba pati bayag ng isda, pinoproblema mo pa? Singhal ng isip ko.

Tsk! Tsk!

Napapikit ako ng tumama ang sinag ng araw sa mata ko. Ang sakit ah.

“Hoy! Ginagawa mo dyan?” biglang sumulpot kung saan si claire. Tapos naba ag-exercise kuno ito?

Exercise pero may bitbit na junkfoods?

“Hoy ka din. Nagduduyan, hindi mo ba nakikita? Bulag lang?” pabalang na sabi ko.

Sumimangot naman sya. “Tabi nga” aniya saka pasalampak na umupo sa kabilang banda ng duyan. Malaki rin kasi ito kaya pede yung dalawang tao.

“Bes” tawag ko sakanya. Lumingon naman sya.

Hindi ko pa pala sya nabati ng happy birthday.

Ang bait kong kaibigan diba?

“Happy born day” nakangiting sabi ko.

Napasimangot naman sya pero may multo ng ngiti na pilit tinatago.

Pakipot pa 'to eh.

“Wow. Mabuti naman naalala mo pa 'kong batiin? Na appriciate ko. Sobra” sarkastikong sabi nya.

“Mabuti naman. Saka you're welcome. Basta magbabalot ako ng lumpia mamaya, ah” pang asar ko pa.

She just tsked, then looked away. Bumubulong-bulong pa kung gaano daw ako ka walang puso na kinalimutan ang birthday nya, eh sinama nya nga ako dito para don.

Mahina nalang ako napatawa.

It was one in the afternoon when the guests arrived, kasama na doon ang iba pa naming mga kaibigan. Block mates and just random friends 'ya know? Ofcourse you don't know.

“Ugh! Ano ba kai? Sabi ng wag mo 'kong kakausapin hanggang hindi mo sinasabi sakin kung sino yung kabit mo!” kapwa napalingon kami ni Claire ng marinig ang pamilyar na boses.

As always nag aaway na naman ang dalawang love rats na'to.

Sabay kaming napabuntong hininga saka tamad silang pinanood palapit samin.

Sasakay na sana kami ng elevator ng marinig ang pagdating ng mga bagong dating.

“Mga merlat na pangit!” sigaw ni Marvin habang tumatakbo papalapit samin. Isa sya sa mga bakla na kaibigan namin.

Did I already told you na maramimg bakla sa group of friends namin? Hindi pa 'no? Now you already know.

“Ang bibig mo, bakla. Ang ingay!” si Claire.

Inirapan naman sya ni Marvin “Maingay talaga ako, kaya masanay kana”

Nagka sagutan pa sila tungkol sa bunganga ni Marvin, hindi naman sya pinansin nung Isa kundi mas lalo pa nitong nilakasan ang boses.

Saktong alas otso nagsimula ang party ni Claire, naka swimsuit halos lahat. Syempre pool party yung theme ng birthday nya. Myghaadd.

“Ang kj ni eli. Hubarin mo na kasi yang robe mo and join us there sa pool” panggugulo ni Marvin sakin.

Umiling ako saka sinabing wala ako sa mood, pumarty ngayon. Inirapan nya lang ako saka bumalik na sa pool. Wala talaga akong gana ngayon at ewan ko kung bakit, usually naman ako pa nga yung nag aaya ng gala sakanila.

Pero ngayon parang hindi ko feel. I took a sip on my drink, parang gusto kong magpakalasing ngayon. Ayoko namang umalis at ewan si Claire dito kahit na nandito ang iba naming kaibigan. It's her special day at bilang bestfriend nya dapat nandito ako para samahan sya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka naglibot upang tignan ang mga taong nagsasaya. Everything is perfect because my bestfriend deserve all of this.

Lumapit ako sa table kung saan puno ng iba't ibang drinks saka kumuha doon ng isang bote ng Jack daniels. I want to get wasted tonight.

Kumuha rin ako ng isang shot glass then bumaba doon sa shore, doon ako iinom ng mag isa. Kahit suot pa ang robe ay walang pasabi akong umupo, agad kung binuksan ang bote saka tumagay.

The cold breeze of the ocean is hitting my face —it feels good. Ang buhok kong hanggang balikat ang haba ay sumasabay sa hangin ng karagatan. Ang replika ng buwan sa dagat ay nagsisilbing ilaw upang makita ko ang mahinahong alon na tumatama sa aking mga paa.

Hindi naman gaano kalayo mula dito ang pool na pinagpapartyhan nila kaya rinig na rinig ko pa din ang sound na pinapatugtug and ofcourse knowing claire at sa Music na nagp-play ngayon . Paniguradong sya ngayon ang DJ doon.

WAP BY CARDI B.

Loka-loka talaga.

Mahina akong napatawa. I don't know what would I do without my bestfriend—well aside from my mama. She's the only person that can make me go all out.

Napatingin ako buwan. Full moon pala ngayon.

“Haay~” it's just so beautiful. The full moon never fail me! It's just so amazing!

Hmmm~

Kumunot ang noo ko ng marinig na naman ang tawag na yun. It actually give chill to my spine everytime I hear that sound.

“Sino yan?” tumayo ako mula sa pagkakaupo.

Hmm~

I hardly gulped after hearing that sound again. And my heart start beating fast again.

“S-sino yan? What do you want?” I know, I look stupid right now but I don't care anymore.

Hmm~

I blinked twice as I followed that voice. Hindi kona napansin na unti-unti na pala ako napadpad sa malalim na parte ng dagat.

Ang kaninang hanggang tuhod na tubig ngayon ay nasa dibdib kona. Pansin ko rin na mas lalong lumalakas ang hampas ng alon, nababasa na ang buhok ko. Nahihirapan na rin akong huminga.

Sinubukan kong bumalik sa pinanggalingan ko pero parang may humihila sakin papunta sa pinakamalalim na parte ng dagat. Sinubukan kong sumigaw pero parang bingi ang mga tao at patuloy na sumasayaw sa musika.

“Eloise!!” ang huling salitang narinig ko bago tuluyang kinain ng dagat.

I feel like my body is paralize hindi ako makagalaw habang nasa ilalim ng dagat, minulat ko ang dalawang mata. Nagtaka ako ng makitang naging kulay asul ang buwan ng sumilip ito mula sa likod ng mga ulap.

The blue moonlight and the moon itself is just looking at me. Like it's saying that this is the time.

May nakita pa 'kong anino ng bangka pero huli na ang lahat.

The darkness completely eat everything.

RumWhere stories live. Discover now