Hindi ko maitatanggi ang pagkasabik sa aking pagkabata o di naman kaya sa panahon na ako'y walang kamalay-malay tungkol sa mga paktuwal na pangyayari sa mundo. Mahirap mang isipin, ngunit ako'y tumatanda na't nahubog ng aking mga karanasan.
Hindi maitatanggi ang minumunutong kaltas sa bawat hibla ng aking buhay. Mahaba na rin ang aking balbas sa aking baba at mukhang nawala na yata ang mga bakas ng aking pagkabinata.
Naalala ko tuloy ang minsan kong propesyon bilang mamahayag. Noong mga pagkakataon na malakas pa ang aking mga binti at kumpleto pa ang aking mga ngipin na handang ngumuya ng miryenda ng bagong kaalaman at kasiyahan.
Noong ako at nagmahal ng kapwa mamahayag na naging aking unang pagkabigo sa pag-ibig.
Noong aking sinusulatan ang mga pahayagan ng mga editorial, balita, lathalain, at kung anu-ano pa.
Noong ako at laging umaalala sa oras bunsod ng mga di-mabilang na deadline.
Kay saya lalo na't puno ng mga sorpresa at pagsubok.
Minsan na rin akong nakarating sa mg kweba, bulkan, ilog, dagat at bangin na minsang naturingang pinakamapanganib sa kasaysayan. Dahil I to sa paggiging manunulat sa Manila Bulletin.
Kaakibat na siguro ng trabaho ang pagbubuwis ng buhay.
Siguro nga.
Paano, matagal akong nagkapamilya dahil siguro natatakot ang mga babae na magka-koneksyon sa taong palapit Kay kamatayan araw-araw tulad ko.
Maiba ako, nawala na rin pala sa akin ang misis ko. Namatay sya sa konsimisyon noong pumutok ang Pinatubo at inakalang natabunan ako ng lahar nang buhay.
Kaya, ayun. In a take sa puso. Natigok.
Tama nga naman sya. Natabunan ako ng lahar ngunit buhay parin naman ako at nahukay ng rescuer pagkatapos ng tatlong mahahabang araw.
Sunabi ko nalang sa mga anak ko pagkatapos noon, na mahal sya ng Diyos kaya napalangit sya nang maaga.
Pero, sa to too long, nasasaktan parin ako dahil para sa akin, ako ang salarin ng pagkamatay nya.
Iniisip ko nalang na hanggang sa huling putok ng ginintuang hininga nga at naramdaman ng kabuuan ng pagkatao ko na mahal ako ng aking kabiyak.
Di pa man ngayon, ngunit magkikita kaming muli. Sa isang misteryosong paraiso.
BINABASA MO ANG
talaarawan ng pariwarang paraiso
Short Storyinaalay sa lahat ng mga nasalanta ng delubyo; natural man, o kagagawan ng tao.