KABANATA 1: DELUBYO, YOLANDA

13 1 0
                                    

"Pa, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ng pangalawa kong anak, si  Stevanne.

"Business as usual anak", paliwanag ko.

" naku pa! Ayan na naman tayo." Sagot nya.

"Hindi ka ba nalula sa babala ng PAG-ASA? signal no. 4 nga po diba? Baka isang araw mula bukas wala nang uuwing Enrico Martin dito sa bahay?" 

" naku anak, ika-sandaang pansnakot mo na yan sa akin. Wag ka nalang ganyan. Baka matuluyan pa ako. Alalahanin mo, isipan mo ang finals ng liga nyo. Baka ma-stress ka." Pasaring ko.

"Sabado ba yun?"

"Yes pa! Next week!"

"Darating ako."

"Aasahan ko yan pa." Sabay alis  nya.

Nang ako'y palabas ng bahay, nasalubong ko ang aking panganay na anak. Si Stefann. Kasing tangkad sya ni Stevanne. Na kasing tangkad ko rin, anim na talampakan. Maputi lamang ang kanyang kulay na kanyang namana sa kanyang Ina na insik ang lahi. Di naman maikakaila na magkasing tangos kami ng ilong  at magkasinghubog ng mukha. Ang malungkot lamang ay ako parin ang pinasasaringan nya ng sisi sa pagkamatay ng kanyang Ina. Kaya ganun nalang ang galit nya sa akin.

"Paalam!" Sabi ko.

"Umalis ka na. Lagi naman eh." Pailing na sagot nya.

-------

Ilang sandali lang at nakasakay na ako ng taksi.

"Saan po tayo sir?" Pangpaganyak na tanong ng drayber.

"NAIA manong." Ang daglian kong sagot.

"Artista po kayo?"

"Hindi ah! Bakit nyo po naitanong?"

"Mistiso po kasi kayo tas kamukha nyo po so Goma."

"Talagang inaambonan lang po ng biyaya."

"Anong sikreto nyo sir?"

"Naku! Healthy life style lang yan!"

"Himala lang yan kung maituturing para sa akin."

Sabay hagalpak ng tawa kaming dalawa.

Pumasok na ako sa loob ng bihikulo. Maitim ang balbas ni manong. May puting tuwalya sa leeg na isang marks ng paggiging isang tsuper. Malamang ganoon nga. Malimit kasing mga tsuper lamang ang naglalagay ng puting bimpo sa leeg. Medyo maitim sya na mistulang bumilad sa araw ng isang buwan.

Pagkatapos ng trenta minutes, umabot na rin kami sa main gate ng NAIA terminal. Ibibaba ko ang aking bagahe at nilisan ang taksi.

Paalis na ang eroplano nang may nakita aking mga turista na mistulang papunta rin sa aking destinasyon. Ang Ormoc, Leyte. Hanggang nakatabi ko ang is a sa kanila na mistulang Israeli na mukhang dugong bughaw na wariy puni ng dignidad at mala-pastor ang pustura. Hanggang kinuha nya ang kanyang pitaka at ako'y nagnakaw ng silip at nalaman na sya rin pal ay  tags media bunsod ng mayroon syang badge na kagaya rin sa akin na tanda ng paggiging mamahayag.

Lumapag ang ibon as kalupaan ng Leyte. Tirik ang araw. Mukhang walang anumang masamang mangyayari. Tahimikbang himpapawid, at nang aking daanan ang dalampasigan, at mistulang namang normal ang Alon.

Alam kong may masamang mangyayari.

Hindi ko nga lang lubos na maisip kung paano gagawi ang bagyo sa paraisong ito.

Parang kalokohan ang sinabi ng PAG-ASA.

talaarawan ng pariwarang paraisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon