Prologue

4 0 0
                                    

"Elleee uwi nako, tinawag nako ni mama!"
sigaw ng  lalaki.

" Huy! Yung Panyo mo nahulog!" Sigaw naman pabalik ng babae nung napansin niya na nahulog ang panyo ng kaniyang matalik na kaibigan.

" Ikaw na bahala diyan, isauli mo lang kapag hindi mo na kailangan!" Sumigaw ulit ang lalaki at kumaripas ito ng takbo.

Kumunot ang noo ng babae nalito ito sa sinabi ng kaibigan, pero kinuha parin niya yung panyo at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.

Ang babae ay si Hellie De Guzman at yung lalaki naman ang kaniyang matalik na kaibigan na si Jay Jake Fuentes.

Sila ay naging magkaibigan dahil mahilig silang mag aral, sa katunayan nga ay si Hellie ang nangunguna sa klase at kasunod naman si Jay, nung una kina iinisan nila ang isa't isa pero nung kalaunan ay naging komportable na sila sa isa't isa.

Ngayon ay Grade 10 students na sila pareho. Palagi parin silang nagbobonding kahit maraming mga activities o performance task sa school. Nagtawan, nagkukwentuhan at nagbibiruan. Masaya sila sa naging takbo ng kanilang buhay.

Pero napalitan ang kanilang nga tawa ng luha. Napakaraming luha dahil may hindi sila inaasahang pangyayari.

"I have something to tell you" seryosong sabi ni Jay kay Hellie. Napalitan ang masayang mukha niya ng pagtataka. Ngayon lang niya nakitang napaka seyoso ang kaniyang kaibigan.

"Ano yun?" takang tanong ng babae. Hindi niya tiningnan sa mata dahil kinakabahan ang babae sa anong possibleng sabihin ng kaniyang kaibigan.

Bumuntong hininga si Jay bago niya sinabi ang dapat na sasabihin nung nakaraang linggo pa pero wala siyang lakas na sabihin ito sa kaibigan niya dahil alam niyang iiyak ito pipigilan siya nito

" Aalis na kami dito bukas, walang nagbabantay sa kompanya ni Lolo dahil may iniindang sakit siya, kaya napag desisyunan ni dad na siya ang mag manage nito. Pupunta kami ng States, pero don't worry i think hindi kami magtatagal dahil hindi naman complicated ang sakit ni Lolo. And, And palagi naman tayong mag uusap eh, sa telepono nga lang" mahabang litanya ni Jay habang pinapansin niya ang reaksiyon ni Hellie.

" A-alis kana?" Sabi ni Hellie at pumatak ang mga luha niya. At ito nga ang dahilan kung bakit hindi kayang sabihin ni Jay ang tungkol dito.

" Hey, Elle wag kang iiyak" sabi ni Jay sabay punas sa mukha ni Hellie gamit ang kamay.

" B-bukas agad? *sob* bakit ngayon mo lang sinabi *sob* " sabi ni Hellie sabay hampas sa dibdib ni Jay.

" Shhh please don't cry" pagtatahan ni Jay. Niyakap niya si Hellie at umiyak ito ng husto. Naiyak nadin si Jay.

Matagal silang ganun ang posisyon. At pagkatapos ng ilang minuto ay nahimasmasan na si Hellie.

" Y-you need to go, i understand. Kailangan ka ng lolo mo JJ kaya wag kang mag aalala sakin. I'm just sad because bukas na yung alis niyo pero ngayon mo lang sinabi sakin. Sana sinabi mo upang nilubus ko yung mga libre mo" sabi Ellie at Jay chuckle dahil sa sinabi niya sa huli.

"Ang hilig mo talaga sa Libre" sabi ni Jay sabay pisil sa magkabila kong pisngi.

" Aray, ang sama mo hmmp" pagtatampo ni Hellie.

" Sorry na haha" sabi ni Jay pero nagtatampo parin si Hellie

K A T A H I M I K A N

" Elle halika ka ng dito" sabj ni Jay, narealize ni Hellie na dapat lubusin ang araw ngayon na kasama siya dahil bukas na bukas hindi na niya makikita ang pagmumukha ng kaniyang kaibigan, kaya sinunon niya ang utos ng lalaki

" Huwag mong kalimutan na kumain ha? Alam kong minsan nakalimutan mong kumain dahil sa pagbabasa ng libro." Sabi ni Jay sabay tingin kay Hellie ng seryoso.

" At pangako ko sayo na babalikan kita dito. Promise yan" pangdagdag ni Jay sabay halik sa noo ni Hellie. Napangiti si Hellie.

Pagkatapos nun ay pumunta sila sa mga lugar na madalas nilang puntahan, picture dito, picture doon, kain dito, kain doon. Sinulit nila ang panahon na magkasana sila.

Hindatid nani Jay si Hellie sa bahay nila at hindi na umiyak si Hellie dahil ayaw niyang maging malungkot din ang kaniyang kaibigan. Nagyakapan sila sa huling pagkakataon.

Hindi hinatid ni Hellie si Jay dahil yun ang sabi ni Jay sa kaniya, kahit labag man sa kaniyang loob ay sinunod niya ito.

At tuluyan na ngang umalis si Jay.

HIM.Where stories live. Discover now