I run as fast as I could when I saw ma’am Joana, my teacher in English at the end of the hallway. Dahil nasa bandang gitna ang room namin at nasa magkabilang dulo kami ni ma’am ay mabilis akong tumakbo upang maunahan siya sa pagpasok sa classroom. Masungit pa naman si ma’am kaya kung mahuhuli ako ay paniguradong mapapahiya niya ako sa buong klase kapag nagkataon.
“Excuse me po! Makikiraan lang!”
I said while half running on my way to my room. Napa-tingin sa aking gawi si ma’am at agad na tumalas ang kan’yang mga mata. Hate talaga niya ‘ko. Hindi na iyon kataka-taka dahil sa gandang meron ako.
I don't think my fellow students heard anything as I almost shouted at them to step aside because I was in a hurry to get ahead of ma'am. May mga muntik pa akong makabungguan dahil sa hindi nila pagpansin sa akin. Ah, bahala na! Mas binilisan ko na lamang ang pagtakbo at basta na lamang inikot nang may pagmamadali ang doorknob. Sa kinamalas-malasan nga naman ay ayaw pa talaga nitong bumukas.
“Huy! Tigas yarn?” Pagkakausap ko sa walang pakisamang doorknob.
Sinipa ko nang malakas ang pinto at mahinang nagmura. Dalawang kwarto na lamang ang layo ni ma’am sa akin at talagang pinagpapawisan na ako nang malagkit. I tried to look out the window and wave to my classmates who were obviously busy doing assignments that now was the deadline but here and now they are just doing it. Kinatok ko ng dalawang beses ang bintana ngunit wala namang pumansin sa akin.
Handa na sana akong sumuko na maunahan si ma’am sa pagpasok ng makita kong umikot ang doorknob tanda na may nagbubukas nito. Nakahanda na ang yakap ko sa kung sino man ang mabait na taong nagbukas nito nang makita kong si Dierdre pala ito at halata ang pagka-badtrip sa hindi ko alam na dahilan.
He looked at me and raised an eyebrow. I backed away and swallowed. Can I kiss your eyebrow? He was handsome in the morning. Anong sasabihin ko? ‘Di ba dapat ay may sabihin ako? This is your chance, self!
Humakbang ako ng isang beses patungo sa kaniya at handa na sanang bumati nang may bumunggo sa aking likuran. Paglingon ay nakita ko ang nakangiting may halong pang-aakit ng kaklase kong babae. Nakatingin siya kay Dier at malanding kumindat. May sakit yarn, miss? Mukhang kailangan na niyang magpatingin sa doktor. Kalbuhin ko kaya ‘yang pilikmata niya? Hays!
I looked at Dier and saw him smile at the woman. I rolled my eyes and bumped into the woman as well as she had done to me earlier. She just turned to me and turned his attention back to Dier. Aba! Maldita siya ha! I was about to confront her when ma’am Joanna enter the front door. Kunot noo siya habang nakatingin sa aming gawi. Mahal ko si Dier pero ayokong mapagalitan!
I quickly walked over to my seat and sat down so as not to be scolded by ma'am. Natapos ang araw na iyon na hindi ako napapansin ng kahit sinong teacher namin. May dalawang teacher akong galit na galit kanina at basta na lang nagtatawag ng kung sinong ma-tripan nila. Buti na lang at hindi nila ako nakita dahil sa galing kong magtago sa aking upuan.
When the bell rang to signal break time I just snuggled at my desk to sleep. I've been getting very little sleep these past few days. Siguro ay iniisip ako ni Dier tuwing gabi. Ha! Sinasabi ko na nga ba! Natatawang mas sumubsob na lamang ako sa aking desk at kinikilig na gumawa nang mga senaryo na kung saan baliw na baliw sa akin si Dier gaya nang pagka-baliw ko sa kaniya.
Pagkagising ay agad akong napamura dahil ako na lamang ang nag-iisang tao sa room. Para namang others ‘tong mga kaklase ko! Iwan ba naman ako? The last time I checked ay hindi naman ako kaiwan-iwan!
Nagdadabog na tumayo ako at kinuha ang aking bag. Bago makaalis sa aking pwesto ay may mga kamay na pumulupot sa aking bag at basta na lamang itong kinuha sa akin. Gago… nananaginip ba ako?! Sinampal ko pa nang isang beses ang aking sarili upang makasigurado na hindi ako pinaglalaruan ng aking mga mata. Si Dier, hawak ang bag ko! Mahina akong napatili nang lingunin niya ako at pagkunutan ng noo. Gagi, sumpungin ng baby ko.