Chapter 8: Where Are You

105 18 0
                                    

Chapter 8: Where Are You

K A N E

Dissmissal. Tinahak ko ang hallway papuntang gate ng school, I really feel so drain right now. Pagod na pagod ako. Gusto ko nang matulog. My phone suddenly rings at kinapa ko ang cellphone ko saka ko ito kinuha at wala sa sariling sinagot ang tawag.

"Enzo... Hindi muna ako sasabay sa'yo uuwi ngayon. Mauna ka nalang sa bahay kasi pupuntahan ko na muna ang flower shop ko, mag-saing ka na tapos magti-text nalang ako kapag nasa gate na ako-"

"Oh, ikaw pala ang bago ni Enzo, akala ko babae ka, yun pala, hindi. Hi there. I'm Jeni. And I'm Enzo's fiancé and we're expecting to have a baby, so you better f#ck off you, faggot! I bet you recieved my text message, I know you're smart but I hope you understand what I'm pointing out. Alam kong nagtataka ka kung paano't saan ko nakuha ang number mo, well... it's a secret. Anyway, yun lang ang gusto kong gawin mo or you want one million para layuan mo si Enzo, faggot!" she ended the call.

Yung pagod ko biglang nawala at natigilan ako sa mga salitang narinig ko galing sa fiancé ni Enzo. Ikakasal na pala siya. Pero he confessed to me last night, what is that all about?

Parang hindi ako makahinga sa mga sinabi niya at naninikip ang dibdib ko sa mga sandaling ito. F#ck. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sakin ngayon.

Pagdating ko sa bahay ay wala si Enzo. Dali-dali akong pumasok sa bahay at tinungo ang kwarto ko para mag impake. Pagkatapos kung mag impake ay lumabas na ako ng bahay. Nang nasa gate na ako ay nakita kong kaka-park lang ng kotse ni Enzo at nilagpasan ko lang ang kotse niya. Derecho lang akong naglakad. Narinig ko ang pag-sara ng pintuan ng kotse.

Napatigil ako sa paglalakad, "Kane, saan ka pupunta?!" pasigaw na tugon ni Enzo pero hindi ko siya hinarap.

"Aalis na ko rito!"

"Anong ibig mong sabihin? Why are you being like this?"

Humarap ako sa kaniya habang bitbit ang bag ko na pinaglagyan ko ng gamit. "I-I've been thinking, and it grossed me out."

"A-Ano? Anong ibig s-sabihin?"

"What happened between us.. grossed me out."

At tumalikod na ako at nagsimula na ulit akong humakbang papalayo sa kaniya. Pero napahinto ako ng may biglang humawak ng kanang kamay ko at napaharap ako kay Enzo, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Wala akong pakielam kung masaktan siya, siya mismo ang naglagay ng sarili niya sa sitwasyon na 'to.

"Hey... It doesn't make sense, Kane." Unti-unting nanunubig ang mga mata niya, "something happened right?"

Iwinaksi ko ang kamay ko na hawak niya at dun nakita kong unti-unti ng umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang kumuwala sa mga mata niya.

"I feel unsafe when I'm with you," may diin sa salitang binitawan ko sa huling pagkakataon. And slowly, I walked away.

Unti-unti na sanang nahuhulog ang loob ko sayo, Enzo. Pero wala eh, wala rin naman palang saysay ang nararamdaman ko sa'yo dahil may nauna na pala sakin.

Potragis! Ba't ba ako umiiyak?! Marahas kung pinunasan ang mga luhang kanina pa umaagos sa pisngi ko.

"K-Kane?" Napatingin ako sa nagsalita, "ba't ka nandito sa bus stop? Gabi na ah. Tsaka, san ka ba pupunta?" May bitbit siyang itim na plastic at naka-PJ na siya. Mukhang ready na siyang matulog.

"Kuya Soju..." tugon ko. Lumapit siya sa kinauupuan ko at umupo siya sa tabi ko. Potragis, ito na naman, gusto na namang tumulo ng mga luha ko. Tama na, please lang!

Arcoíris Series 2: Still Into You • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon