Chapter Three

6 1 0
                                    

Orphan

"How's your flight, Nina?"

We're now in the car and currently heading to my office.

Office?

Yes I have my own office now. Alam kung marami na akong naka tambak na trabaho doon kaya sa halip na sa bahay kami dumeretsyo, mas gusto kong mag punta na muna doon besides maaga pa naman at mahaba pa ang araw namin.

"Good." Sagot ko sa kanya.

Tumingin ako sa labas ng kotche at napansin ko ang iba pang kotche na katabi namin, naka sunod lang ang mga ito sa amin.

"May nakakaalam ba ng pagbalik ko?"

"Wala kaming pinagsabihan." Wika nito. Ramdam kong tiningnan nya ako sa rear mirror nang sasakyan pero hindi ako nag abalang lumingon sa kanya. "That's your guards, they will temporary guiding you while you're here in the Philippines." dagdag pa nito.

Napataas ang kilay ko nang marinig ko iyon. "Guards? I never said I wanted one."

"Sabi ni Macey eh." Napakamot si Gio sa kanyang ulo kaya ang babaeng nasa tabi ko naman ang tinaasan ko ng kilay.

"Zanina kasi... need ko umattend ng family gathering namin for a week. You know, that's the reason kung bakit sumama na ako sayo." Sagot nya sa akin pero hindi ako kuntento. Pakiramdam ko may gusto pa siyang sabihin.

Alam ko naman talagang may kailangan siyang ayusin dito sa Pilipinas kaya sya sumama sa akin. Kilala ko si Macey, ang pilipinas ang pinaka huli sa mga bansang gusto nyang balikan.

"And then?" Nag hihintay parin ako ng idudugtong nya.

"Listen to me. Seven years na tayong tahimik at umalis dito sa bansa kaya hindi din natin alam kung ano ang mga bagay na nag hihintay dito sa atin."

"Macey kailan mo pa ko nakitang dumepende sa ibang tao? Kayang kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi na ako ang dating Zanina..."

"Chill girls..." Muli kong binalingan ng atensyon si Gio na nagmamaneho lang sa harapan. "Marami nang nagbago at marami ding mga bagong sibol na tao. Balita ko ay hindi na basta basta ang grupo nila ngayon dahil bago na din ang namumuno."

Napangiti ako bigla dahil sa narinig ko. Bagong namumuno? Really?

Mukhang napagod na si tanda sa pag hihintay sa karma nya, pero hindi sapat na rason ang pagreretiro nya para tumigil na rin ang pongongonsensya ko sa kanya.

Naging tahimik na ang byahe namin hanggang sa nakarating ako sa office ko.

"Wala pang kahit na sinong tao bukod sa mga guard sa paligid." Pagbibigay alam muli ni Gio sa akin.

Well that's great, ayokong kumalat agad ang impormasyon na nandito na ako sa Pilipinas. Sabi nga nila, 'may tenga ang lupa, may pakpak ang balita'. Pag maraming naka alam na nakabalik na ako dito, hindi malabong malaman din agad iyon ng kabilang kampo at iyon ang gusto kong iwasan... sa ngayon.

--

"Zanina kumain ka na dito!" Pag tawag ni Maria sa dalaga na hanggang ngayon ay naglilinis parin ng sala.

Matapos nang pag uusap nila ni Juande at anak nitong si Cymone, kanina pa siya tahimik at para libangin ang kanyang sarili ay pinili niyang gumawa ng gawaing bahay kahit na pinipigilan siya ng kanyang tiyahin na si Maria.

Hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa utak niya ang pag uusap na naganap sa opisina. Hindi naman siya ganoong katalino, sadyang ma tyaga lamang siyang mag aral kaya hindi niya alam kung paano nya gagampanan ang tungkulin bilang isang tutor ng binata niyang amo. Ni hindi nya nga alam kung ilang taon na ang lalaki at kung ano ang forte ng edukasyon na kinuha nito.

Way The Ball BouncesWhere stories live. Discover now