Secret Crush

9 0 0
                                    

"Bilisan mo Janine! Ma le-late na tayo" sigaw ni Trina, best friend ko. Paano ba kasi late nako nagising kanina pero buti nalang malapit lang bahay namin sa school. 

College nako ang bilis ng panahon. Dati karga karga lang ako ng nanay ko, umiiyak kasi ayaw pumasok sa skwela. Ngayon mas matangkad nako sa kanya, haha senti ko na ba? Sorry. 

Ako si Janine Cerveza 17 years old, dalawa kaming mag kakapatid. Si Dane yung kapatid ko 14 years old palang pero parang mas matangkad na siya sakin, habolin ng chicks yun, pero wala siya dito nasa States kasama yung lola at lolo ko. 

Doon na sana ako mag-aaral kaso ayoko. Ayokong mapalayo kay Trina, siya nalang ang pinaka close ko na kaibigan parang mag kapatid na kami minsan don siya natutulog sa bahay. 

"Janine! OMG!" nagulat ako sa pag sigaw ni Trina. 

"O bakit?" tanong ko 

"Si..si Dylan" tumingin ako sa tinuturo ni Trina. At yon ka nakita ko siya.. shuxx gwapo parin niya. Oo crush ko siya matagal na last year pa ata kaya lang malupit na secret yun, kami lang ni Trina yung nakakaalam. 

"Trina halika na, umalis na tayo" pag yaya ko sakanya ayokong makita sya ng matagalan baka mahimatay ako. 

Pumasok na kami ni Trina, hindi naman ganoon ka komplikado. Hindi kami mag ka-klase dahil HRM yung kinuha niya. Hindi daw kaya ng utak niya yung inaaral ko. So nagkikita nalang kami sa UniCafe. 

Hinihintay ko don si Trina sa usual spot namin. Nag facebook muna ako, hanggang ngayon hindi parin ako nag padala ng friend request kay Dylan, ewan ko ba ayoko lang pumasok sa mundo niya kahit alam kong gusto ko siya.. 

"Guys upo kayo" nagulat ako ng may nag salita, si Trina pala at teka bakit marami siyang kasama? 

"Uhm Janine sorry sinama ko sila ha mag me-meeting lang kami para sa gagawin namin next week  ok lang ba?" nilibot ko yung tingin ko sa mga kasama niya andon si Dylan. 

"Ah..ok lang" niyakap niya ako nag pa salamat. Anim sila tatlong babae at tatlo ring lalake. 

Pumunta yung boys sa counter para bumili ng makakain so apat kaming babae yung natira. 

"Janine eto pala si Sabrina at Tessa" tinuro niya yung mga ka grupo niya halos lahat sila magaganda. Makikinis at si Sabrina siya yung laging kasama nina Dylan, oo one time nainggit ako sakanya dahil lagi silang magkasama iniisip ko nga kung sila naba kaso hindi namang tama bigyan ko yung ng malisya. 

Nakipag shake hands ako sakanila isa-isa. At yun nag kwentuhan lang sandali at na fi-feel ko na naiihi na talaga ako. Nag excuse ako mag cr tumayo ako at sa hindi inaasahan na laglag ko  yung notebook ko at guess what? lumabas yung picture ni Dylan. OHMAYGASH!! 

"Si Dylan to ah" sabi ni Tessa 

"May crush ka sakanya no?" tanong ni Sabrina kaya wala nakong magawa lumuhod ako sa harap nila kahit alam kong naiihi na talaga ako. 

"Please please please maawa kayo huwag niyong sabihin oh please" nagmamakaawa nako. Tanga ko kasi ba't don ko nilagay yun? 

"Uhm Tessa, Sabrina please huwag niyong sabihin secret kasi yung ni Bestfriend" paki-usap ni Trina. Tumawa yung dalawa ano ba to na fi-feel ko sasabihin talaga nila kaya napapikit nalang ako. Gusto kong maiyak di ko alam pero gusto ko talaga. haaay 

"Huwag kang mag-aalala secret lang yun" minulat ko ang mga mata ko at inakap silang dalawa. Thank you naman Lord. 

"Thank you thank you ng marami ha, pero naiihi na talaga ako, excuse muna." sabi ko at dumiritso ng CR. Hayyy roller coaster yun ah. 

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon