Unexpected

10 0 0
                                    

Late nako! Frist Day of school late ako. Wow nice talaga Irene. 

Lumalakad nako papuntang classroom ng makita ko si Drake nag lalakad rin. As usual hot niya parin mag lakad, yung mahaba niyang pilik mata, makinis na kutis at yung buhok niyang akala mo nakipag away sa sampung aswang pero kahit ganun gwapo parin.

Si Drake matagal ko na siyang crush, tahimik siya at matalino.   

Pumasok na kaming classroom nag goodmorning kami sa teacher, buti di na na sermonan kasi good mood si Madam Glaizel. 

Umupo nako sa seat ko. May bakanteng upuan sa tabi ko, tumigil sa pagsasalita si Madam ng may kumatok sa pintuan, si Principal Tan. 

May pumasok na isang studyante, infairness gwapo siya pero parang suplado naka smirk kasi habang papasok. Aisssh 

"Good morning class please meet Mr. Jessie de Guzman he's your new classmate" nag goodmorning kami kay Jessie at tinuro siya ni Madam sa upuan sa tabi ko, ah kaya pala bakante kasi siya yung uupo. 

Umupo siya sa tabi ko at nag wave sakin, nag smile lang ako at tinuon yung pansin ko kay Madam. Pag dating ng recess dito lang ako sa seat ko kumakain ng Cheesecake. Close pala sila ni Drake hmm pero mas gwapo si Drake ko sakanya. Oo 'KO' inaangkin ko na si Drake kahit wala akong pag-asa don. 

Makulit din tong si Jessie eh. "Hello ano name mo?" 

"Irene" 

"Ah gusto mo bang samahan kita tuwing recess? parang wala ka kasing kaibigan dito" 

"Ayos lang, close kayo ni Drake?" tanong ko, wala namang masama don diba? 

"Oo bakit crush mo?" wow tinanong ko lang kung close sila crush na agad? anong konek don? 

"Matagal na" sinagot ko siya ng tama. 

"Ah gusto mo sabihin ko sakanya?" 

"Subukan mo lang at lilipad ka papuntang Mars" tinarayan ko siya at akmang aalis na pero pinigilan niya ko. 

"Joke lang Irene, sige secret na natin yun" tinap ko yung ulo niya at nag wink sinabihan ko rin siyang 'Good boy' haha parang aso lang. 

The next day 

nagulat akong may rose sa upuan ko at may sulat binuksan ko yung sulat 

Good morning Irene, have a nice day ahead :) 

I'll treat you lunch later 

                             -Drake 

Waaaaaah! totoo ba to? Tumingin ako sa upuan niya at nagulat akong nakatingin din siya. Nag smile siya sakin at nag thumbs up, nag smile rin ako. Biglang sumulpot si Jessie 

"Oy kinikilig, pero wala akong sinabi sakanya" nag wink siya sakin hay ang lalaking to. 

Pag dating ng lunch na e-excite ako, pinuntahan ako ni Drake "uhm Irene una kana muna sa canteen may kukunin lang ako sa locker, sunod agad ako" 

"Sige" pumunta nakong canteen at as usual maraming pumila. Hindi muna ako bumili hihintayin ko nalang si Drake. 50 minutes lang yung lunch namin from 12:00 to 12:50. Tiningnan ko yung relo 12:20 na pero wala pa rin si Drake. Hihintayin ko talaga siya, matagal ko na kasing gustong mangyari to. 

12:29 wala parin. 

12:35 wala parin. 

Kung bumili nakaya ako? Haay tatayo na sana ako ng tumakip sa mata ko. Si Drake na ata to. 

"Drake!" tinanggal niya yung kamay niya pero hindi si Drake yung nakita ko. 

Jessie's POV 

Lunch na alam kong magkasama sila Drake at Irene ngayon. Sarap pag tripan nong Irene nayon haha, ang cute niya. Ha wait teka nasabi ko ba? Joke lang yun di siya Cute muhka syang Chanak. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon