Kabanata 1

82 0 0
                                    

Bagong paaralan, bagong kapaligiran

"Okay ka lang, miss?" Natigil ako sa pagpupulot ng mga papel na nahulog ko dahil sa pagkakadapa ko at tumingala. Bakit ba naman kasi, may malaking bato na nakaharang dito.

"Okay lang..." Sinubukan nyang tulungan ako pero umiling ako, "... hindi na, kaya ko naman." Nag-alangan pa akong ngumiti dahil hindi ko naman kilala ang lalaking 'to. Nagulat ako nang bigla nyang hilahin ang papel na hawak ko.

"Grade 9-1?" Tinignan nya ako nang nakangisi. Weird. "Uh, oo, transferee kasi ako. Hinahanap ko rin kung saan yung room number na nandyan." Sabi ko habang pinapagpagan ang pwetan ko. "Come.." Kamuntikan na akong mapatid nang bigla nya na lang akong hilahin. Sino ba 'to? Tss.

Maraming nakatingin samin habang kinakaladkad ako, may ilang babae na kung akala mo tignan ako ay pinapatay na ako sa isip nila.

Kumatok sya sa isang pinto na kung saan huminto kami. "Yes, Mr. Bernaldes?" Sabi ng guro nang mabuksan ang pinto. "She's a transferee, Miss. And she belong in your class." Ang galing nya mag-english. Parang kano. Pero wala sa mukha nya, mukha kasi siyang purong pilipino. Kayumanggi, katamtaman ang laki mg mata. Magandang ilong, at hindi kakapalang labi. In short, gwapo siya.


"Ah, so ikaw ang isa scholar ni Mayor Serezo sa Davao?" Tumango ako. Oo, isa akong scholar na mayor namin sa Davao. Mahirap lang kami, hindi kalakihan ang bahay namin sa Davao. Ako lang ang nandito sa Maynila para makapagtapos.

"Opo, ako po 'yon." Sabi ko, tumango ang guro. "Sige na, Mr.Bernaldes, salamat sa pagtulong kay Ms..." huminto siya at tininignan ang form ko, "kay Ms. David." Papasok na sana ako nang hawakan ng lalaki ang braso ko, "Wala man lang bang salamat?" Nakangisi nyang tanong. Lumunok ako, "S-salamat."

Nang makapasok ako sa classroom, para akong alien kung tignan nila. May ilang mga babae na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Bahagya akong inakbayan ng aming guro, "Okay, class, she is Sereena David, your new classmate. Transferee siya, be nice to her, 'kay?" Nagtanguan ang mga bagong kaklase ko pero ramdam ko naman na hindi ako welcome sa paaralan na 'to.

Umupo ako sa pangatlong row at sa may bandang gitna, dalawa kasi ang bakante doon.

Lahat kami napatingin nang bumukas ang pinto, niluwa no'n ang isang lalaki..

"Mr.Montague, you are late again." May diin ang bawat salita na binitawan ng guro. "I know, I do have my watch on." Walang gana nyang sabi at sandaling itinaas ang braso na may relo. Dumilim ang ekspresyon ng guro namin, at bumuntong hininga. "Sit down." Naglakad papalapit sa gawi ko ang lalaki.

Napatuwid ako sa pagkakaupo nang tignan nya ako na walang emosyon. Tumikhim ako. Napaurong ako nang umupo siya sa tabi ko.

Parang may kung anong naghahabulan sa tyan ko, hindi ako mapakali. Nakatitig ako sa kanya. Kayumanggi siya, normal na magulo ang buhok, mahahabang pilikmata, medyo may kasingkitan, perpektong ilong at maninipis na labi.

"Stop staring, Miss. It's annoying." Nanlaki ang mata ko nang sabihin nga 'yon, umayos ako ng upo at tinuon ang atensyon sa guro namin.

Sa unang linggo ko dito sa paaralan na 'to, may isa akong maging kaibigan, si Lovely Mae. "Sereena!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, kinaway ko ang kamay ko at pinalapit si Lovely.

Naka-uniform na ako katulad ng sa kanila, ipinadala ito ni Mayor no'ng pangalawang araw ko na dito. "Lovely Mae, tara na?" Aya ko sa kanya, tumango naman siya pero nangunot ang noo ko nang may inguso siya. "Huh?"

"Tingin ka sa likod mo!" Sabi nya. Kaya naman sumunod ako.

"Hi, Miss David." Siya... yung lalaking tumulong sa akin nung unang araw ko dito. "Uhm, hello?" Bahagya siyang tumawa. "Can I ask you to have lunch?" Napatagilid ako nang sundutin nu Lovely Mae ang tagiliran ko. Ito talaga!

"Ah, pasensya ka na..."

"Enzo." Ngumiti siya.

"Pasensya ka na, Enzo, pero kasi, may gagawin pa kami ni Lovely Mae.." Tumalikod ako at tinignan ang kaibigan ko saka pinanglakihan ng mata. "Ah, oo, Enzo. Sa susunod mo na lang ayain si Sereena ah?" Tumango si Enzo.

"Sure, next time, ha Sereena?" Tumango na lang ako.

"Huy, ikaw! Si Enzo Bernaldes kaya 'yon! Tapos nirereject mo?! Grabe ka!" Tinignan ko siya ng naka-kunot ang noo. "Oh, transferee ka nga pala. Si Enzo Bernaldes, grade 11 student 'yan. Basketball player, heartthrob. Habulin ng babae, hindi ko naman masabi na playboy 'yan, kasi one-woman man siya, yun nga lang, ang bilis magpalit."

"Ah." Sagot ko. Eh sa wala naman akong interes sa kanya, eh. "Alam mo, Sereena, may napapansin ako sayo kapag nasa classroom, tayo." Tinignan ko siya nang nakakunot ng noo.

"Palagi kang nakatingin kay Ace. Ikaw ha!"

"Ace?"


"Yung katabi mo! Si Montague!" Ace ang pangalan nya? Sa isang linggo kasi na magkaklase kami, lagi lang siyang tahimik. Hindi naman siya tinatawag ng teacher namin sa first name nya. Kahit sa mga kaklase ko, wala akong narinig na tinawag siya. Para bang kasalanan kapag tinawag mo siya sa pangalan nya.


"Ha? Hindi ah, baka akala mo lang 'yon." Tumingin siya sakin, pero ang weird. "Alam mo ba, simula grade 7, kaklase ko na 'yon si Ace. Suplado. Masungit. Ni minsan hindi ko siya nakitang ngumiti. At ang nakakapagtaka pa, hindi ba't lagi siyag late?" Tumango ako. "... hindi siya bumabagsak. Ang tataas pa rin ng mga test and quizes nya. Kaya nga maraming nagkakacrush sa kanya e." Tinignan ko siya ng makahulugan. "Kasama ka?" Agad siyang umiling. "Si Evans ang crush ko! Yung isa nyang pinsan. 'Yon kasi hindi masyadong masungit, pero laging galit."


Ang gulo no'n. "Tapos?" Ngumiti siya, yung weird ulit. "Uuuy! Interesado ka kay Ace, noh? Yiiie." Interesado? Hindi. Sobrang tahimik nya lang kasi. "Ano ka ba, ang bata pa natin!" Pinaikutan nya ako ng mata, "Crush lang naman eh, duuuuh."


"Heh! Oh, eto pala yung librong pinasuyo mo sa 'kin sa library." Sabi ko sa kanya saka inbot yung libro. "Salamat!!"


"Nga pala, Sereena, pwede ka ba sa sabado? Wala namang pasok, samahan mo naman ako sa mall." Tumango ako.


"Halika na?" Aya ko.


"Aray!" Sigaw ko nang may nakabunggo sa akin. Aish, ang sakit nun ah!


"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Paano ba naman kasi, ang dami kong dalawang libro tapos bubungguin ako.


"Sorry.." Yung boses na 'yon. Yung malamig, walang gana at walang emosyon na boses.. Kay Ace.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon