Eto na ba yung sinasabing "nakatadhanang mangyari"? Ganda ng timing. Bakasyon na namin ngayon. Take note, dalawang buwan ko siya makakasama. Sadyang di ko matanggal ang ngiti ko sa labi ko.Isang araw ng lumipas. Buti na lang hindi dumating sa puntong nahimatay ako nung oras na iyon. Kung hindi, wala ako dito. Sa tabi... ni Gabriel. As mats as possible, ayoko ipahalatang kinikilig ako sa tuwing makikita siya. Alam mo yun? Ayoko lang na malaman niyang patay na patay ako sa kanya. Kahit papano di ako agressive di tulad ng ibang mga fans niya, eh ung iba to the highest level kung tumili, yung iba naman fini-flirt siya. Di ko talaga maiwasan na hindi sila patayin sa isip ko. Di hamak na mas maganda ako sa kanila. Ok. Binibida ko na sarili ko.
Nakasakay kami dito sa kotse. Nabasag ang katahimikan nung nagsalita ang manager niya.
"Suzette, ayos ka lang ba dyan?"
"O-opo Sir." Nauutal pa ko. May gas.
"Maging komportable ka lang. Hindi naman kami nangangain." Then he laughed.
Ngumiti lang ako.
Paano ako magiging komportable? Tell me!! Kung yung presensya ni Gabriel eh nagbibigay sakin ng dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko? Errr--- kumokorni na ako.
"By the way Gab, may pictorial ka mamaya at 3pm. Pupunta na tayo sa venue para makapag prepare ka na."
"Alright." Tipid niyang sagot.
After two hours.
"Gosh Gab! Ang gaganda ng mga shots mo!" Sabi nung baklang photographer. Parang linta kung dumikit sa kanya.
"Thank you."
Ako? Nasa sulok. Pinagmamasdan lang siya mula sa malayo. Peeling ko nao-out of place ako. Napa buntong hininga na lang ako.
Napatingin ako sa right side ko, nakatingin pala sa akin ung Manager niya, di ko na namalayan nasa harapan ko na pala.
"Kumain ka muna." May inabot siya. Sakto. Kanina pa ko tomguts eh.
"Salamat po, Sir."
"Its ok. Call me Tristan. I'm just two years older than you."
Oo, di siya ganun ka-tanda. Bonggang Manager no? Ang cool pa ng porma. Gwapo siya. May mga fan girls din kaya siya? Nalaman ko din na mag pinsan sila ni Gabriel. Well, hindi siya boring kausap.
"C'mon Tristan! Lets go to the dressing room. Gusto ko ng umuwi."
"He's always like that."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Di kagaya ng ibang artista pagkatapos ng pictorials, pumupunta sa isang bar, o kaya sa Mall. Siya, deretso bahay lang."
Tumango lang ako.
Sa isip ko... Matino. Check. Mas lalo ko tuloy siyang na gugustuhan. Darating kaya sa puntong mamahalin ko siya? Ano ba 'tong iniisip ko? Suzette So! Umayos ka!
~~~~
Nagluluto ako ng hot cake. Bigla na lang may sumampa sa likuran ko.
"Suzette!!!! How are you?" Tapos bumaba na siya sa likod ko.
"Kuracha! How are you your face! Muntik na kong masubsob sa kalan, gusto mo kong pumanget no?"
"Ane be, namiss lang kita girl!!!" Ang hyper na naman niya.
"Makikikain ka lang, umuwi ka na nga sa inyo!"
"You know naman, hot cake is one of my favorite food eh!!"
BINABASA MO ANG
Miss Fan Girl
Humor"Kahit anong mangyari, nandito lang ako, susuportahan kita! Peksman! Mamatay man kuko ko sa paa!"