Suzette's POV
Kanina pa ko di mapakali dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gigisingin ko ba siya? Lumapit pa ko ng kaunti sa kanya para makita ko ang mukha niya. Bakit parang uminit ata? Parang gusto ko tuloy.. Nevermind. Matino ako. Matino. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya ng husto. Bumaba ang tingin ko sa labi niya, ngayon ko lang napansin na mayroon siyang nunal sa upper lip niya.
"What are you doing?"
"A-aray! Yung balakang ko! Bakit kasi bigla-bigla ka na lang nagsasalita dyan?" Nahulog ako sa kama sa sobrang gulat! Masyado akong naging busy sa pag-titig sa kanya. Nakakainis! Huwag sana ako mabaog nito.
"Hahahahahahahahaha!"
"Tawa pa more! Masakit kaya!" Bakit ang sarap pakinggan nung tawa niya? Muli 'kong tinignan ang kabuuan ng mukha niya. Namalayan ko na lang na unti-unti siyang lumalapit.
"Hoy! Gab! Tumigil ka! Maghunos-dili ka nga!" Anong gagawin niya? Hahalikan ba niya ko? I'm not yet ready! Patuloy pa rin siya sa pag-lapit, namalayan ko na lang ang dalawang kamay niya ay hinawak sa aking pisngi. First kiss ko 'to kung sakali! Pero hindi ako magsisisi kung sa kanya ko ito ibibigay! Nawala ang pagpapantasya ko nung nagsalita siya.
"May morning glory ka." Seryoso niyang sambit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pwede na ba akong lamunin ng lupa? Nandoon na eh! Umasa na ko! Ito pala ang sinasabi ng iba kapag umasa ka at hindi nangyari iyon, masasaktan ka lang. At dahil pinaasa niya ko, kukunin ko ang boxer short niya mamaya. Souvenir man lang.
"Namumula ka." Bago pa ako makasagot nakarinig ako ng isang click na nang-gagaling sa camera. Parehas kaming napalingon sa gawing kanan. Nakita namin ang pag-takbo ng isang lalaki.
"Shit!"
----
Third Person's POV
In Room 201-Gabriel's Room
"I told you Gab. Mag-ingat ka naman! I bet kakalat yung picture na yun." Habang nakaupo siya, sinusundan niya lang ng tingin ang kanyang pinsan.
"Nahihilo ako sa'yo Tris! Kapag kumalat iyon, ako na ang bahala." Sandali siyang napahawak sa kanyang sentido, at nag-iisip kung paano ito malulusutan kapag mayroong issue na lumabas.
"What? Totoo ba 'tong narinig ko? Kapag may problema ka, hinahayaan mo na ako ang umaayos. Why is that?" Nakapameywang ito at kita sa kanya ang pagtataka.
"Nothing. I'll go outside. I need some fresh air."
Napa-iling na lang ang kanyang pinsan. Dahil hindi siya kumbinsido sa sinabi niya na wala lang ito.
---
Hindi mapakali si Suzette. Kinakagat niya ang dulo ng kanyang daliri habang palakad-lakad ito sa kanyang kwarto. Saktong tumunog ang kanyang cellphone at saka niya ito sinagot.
"Suzettee!!!"
"Kuracha! Hindi ako bingi! Wag mo ko sigawan! Loka ka!" Pabagsak siyang naupo sa kanyang kama. Sabay napa-irap ito.
"Eh? Kasi naman i miss you na! How are you and Gab? may progress na ba?"
"First time akong umasa sa kanya!" Naalala na naman niya ang nangyari sa kanilang dalawa.
"What do you mean? Hindi ka niya sinagot right? binasted ka ni Papa Gab?" Naririnig niya ang tawa nito sa kabilang linya.
"Manahimik ka! Hindi yun! Basta! Tinatamad akong mag-kwento ngayon. I'm just worried.."
"Girl, ano yun?"
"Habang kasi hawak niya yung pisngi ko, mayroong taong kumuha ng picture sa'min." Napa-bagsak na lang ang kanyang balikat dahil kapag lumabas iyon. Isa itong malaking issue na gugulo sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Miss Fan Girl
Humor"Kahit anong mangyari, nandito lang ako, susuportahan kita! Peksman! Mamatay man kuko ko sa paa!"