"alam mo bang hindi ako nakapagtanghalian? " sabi ko
"hintayin pa natin siya konti, please? " si Uriah
Siya na halos lagi kong kasama simula ng makapagtrabaho ako. Uriah Clemente. She's beautiful. Ang puti niya sobra. Kalahating Moroccan. Matangkad siya kesa sakin. Ang perfect niyang tingnan. Pero hindi pa siya ganun kamature.
Nandito kami ngayon sa isang fastfood chain. Hinihintay ang boyfriend niya ng mahigit 15 minutes na. Halata namang naiinis na ako.
Diba dapat babae ang hinihintay?"Konting konti nalang darating na yun. " si Uriah
Tumingin nalang ako sa labas imbes na sagutin ko siya. Sakto namang nakita ko ang boyfriend niya habang kumakaway samin, si Wilbert. Matangkad siya. Moreno at matangos din ang ilong. May magandang mukha.
"ayan na siya" saad niya ng may ngiti
He's right in front of us. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makaupo siya. Mabuti at napansin niya rin ang tingin ko.
"what now, police officer Alison Villaranda? I'm here already." si Wilbert
Right, I am Alison Villaranda. A police officer with the lowest rank na nangangarap mapromote.
"what took you so long? " I asked him boredly.
"woah. Babe, you're supposed to ask me that " sabay harap niya kay Uriah. Nananadya siya. Alam ko yun.
"shh. Babe naman" saway ni Uriah
Di ko na sila pinansin at tinawag na ang waitress para umorder. Maya maya ay nandito na order namin.
"you want this Babe? " lambing ni Wilbert
"ohh. Let me try"
"hmm. I love you Babe" ang landi ng pagkakasabi niya kay Uriah. Oo seryoso.
"i love you too babe " isa pa to.
Nahulog sa plato ang kutsara't tinidor na hawak ko. Sinadya ko yun, natigilan ang dalawa.
"seryoso sa harap ko talaga? " usal ko. Nagkatitigan sila bago magsalita.
"eto naman eh, pasensya na" si Uriah
"pwede bang gawin niyong pribrado yan? "
"alam mo ang ganda siguro kung lagi tayong ganito tuwing off duty ka. Gusto ko kayong kasama dalawa. " sabi ni Uriah ng nakangiti
"selos ako" si Wilbert
Epal.
"ganun ba. Taga order ng pagkain niyo featuring third wheel?" Napakunot noo naman si Uriah sa sinabi ko
"ano kaba. Gusto ko talaga kayo kasama."
Sumubo nalang ako imbes na sumagot. Tinuturing kong bestfriend si Uriah. Parang siya lang, si Wilbert at ang partner ko sa trabaho ang mga kaibigan ko.
I love Uriah so much. She's like a sister to me. Kahit na wala akong idea if she feels the same. Kaya kahit magmukha pa akong thirdwheel tuwing date nila, ayos lang sakin.
Patapos na kami kumain. At uuwi narin."bakit wala ka nang kibo diyan?"
Napatingin ako kay Wilbert ng tanungin niya ako. Alam ko kasi sakin siya nakatingin.
"gusto ko na umuwi" usal ko
"oo nga, mukhang gusto mo na ngang umuwi" sang ayon ni Uriah
Si Wilbert na ang nagbayad ng bill. Tumayo na rin kami para umuwi na. Naglalakad na kami papuntang sasakyan ni Uriah. Pero si Wilbert ang magmamaneho.
Nagcommute lang siya kanina kasi alam niyang ihahatid niya kami pauwi."sasama ka pa ba sa susunod? " malungkot na tanong ni Uriah. Alam ko naman, kunwari lang yun para mapa oo niya ako.
"oo. Baka kasi hindi mo siputin ang boyfriend mo kung hindi mo 'ko kasama. " sarkastikong pagkakasabi ko.
Tumawa naman siya dun. Parang ako na yung bf niya.
Maya maya'y nasa tapat na ako ng bahay. Bumaba narin ako at nagpaalam na sa kanila."ingat ka police officer! May irereto pa ako sayo! " si Wilbert
Tawang tawa sila. Hindi ko alam kong biro yun.
"magiging masaya karin Alison! " dagdag pa ni Uriah.
Sinasabi niya bang hindi ako masaya dahil wala akong boyfriend? Di nalang ako umimik at diretsong naglakad na papasok ng bahay. See? Pinagkaisahan pa ako bago nila ako lubayan. Pero, masaya naman siguro ako kahit wala akong boyfriend.
Tsaka hindi yun ang inaalala ko. Gusto kong mapromote! Yun lang
Nasa tapat na ako ng bahay.Pumasok na ako at didiretso na sa kwarto ko ng may magsalita.
"di ka ba nababagot kasasama sa kanila? O na o-out of place man lang? "
He's Max. The older brother of mine. He's a doctor."matagal na kaming ganito. Sa tingin mo hindi pa ba ako sanay? " -ako
Tiningnan niya lang ako ng may ngiti. Nakaupo siya sa couch. Nanonood, ang aga pa naman kasi.
"baka gusto mong makinood? " -Max
Minions. Para siyang bata.
"sino paborito mo diyan? " -ako
Sabay upo ko sa couch.
"si Bob" -Max
Wala ang parents namin. Nasa probinsiya.
"i miss them already, Max. " -ako
Tukoy ko sa magulang namin. Yeah, I used to call him Max.
"me too" -Max
Bumuntong hininga siya bago magsalita."di pa sila makakauwi. " -Max
Alam ko yun. Pero di ko sinabi, malulungkot siya. Nangyayari na nga. Tinanguan ko lang siya habang nakangiti. Nalulungkot din ako.
"you know what... You should sleep, Alison. " -Max
"yeah. Pasok ko na naman bukas" -ako
"Goodnight, princess" -Max
Sabay halik niya sa noo ko. Na ginantihan ko naman ng yakap. At pagkatapos nun umakyat na ako sa kwarto ko. To rest, of course.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. It's six in the morning. Nag inat muna ako bago tuluyang pumasok sa cr para maligo.
Bumaba na ako pagkatapos kong maligo. Nakahain na ang pagkain ko... with a note."good morning! I made it for you. -Max"
Ohh. He left already.
Napangiti ako. He's so sweet. Ang swerte ng magiging gf ng kapatid ko. Hindi gaanong maputi si Max. Pero nagkakandarapa ang mga babae sa kanya. Isipin mo nalang ang kalalabasan ng lahing kastila at pilipino pag pinaghalo. A beautiful mixture, isn't it?
Magkapatid lang kami sa ina. Espanyol ang papa niya, pero wala na. Natuto akong magsalita ng espayol dahil sa kanya. Villaranda narin siya.
Inadopt na siya ng mga magulang ko simula ng mamatay ang papa niya when he was four. Anak parin naman siya ni Mommy. Tinanggap din siya ni Dad na parang tunay na anak. Pantay ang trato nila samin.
Na realize kong di pa pala ako kumakain. At malelelate na ako. Kaya sumubo na ako.
BINABASA MO ANG
El Caso de Azura
ActionAlison Villaranda. Isang pulis na may mababang ranggo na naatasang mag-imbestiga sa misteryosong pagkamatay ng isang dalaga. Sa kasalukuyan ng kanyang imbestigasyon ay iba't-ibang malalaki at maimpluwensyang tao ang kanyang nakaharap kabilang ang ne...