CHAPTER TWO

8 1 0
                                        

Papasok na ako sa station at sinalubong naman ako ng ngiti ng mga katrabaho ko.

"Good morning, buddy!" -Will

Ang partner ko sa trabaho, William Sanoria. He calls me buddy. But Alison when he is serious. Tiningnan ko lang siya ng naka poker face.

Lagpas 9 am na. Nandito ako ngayon nakaupo at nakaharap sa computer. Naisipan kong bumili ng makakain sa labas.

Milk tea, fries and burger ang dala ko. Oo gusto ko to. Patawid na ako ng mabangga ako ng isang tao na nagmamadali sa paglalakad. Tama. Sa lakas ng pagkakabangga namin natapon ang hawak ko to his...

Expensive- looking suit with a suitcase in his right. Yeah, sa ganda ng fabric. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sakin. Hindi ko maexplain ang titig niya. Oo, titig.

Nakatingala na ako ngayon sa kanya. Sa height niyang mga nasa 6'2 laban sa height kong 5'6. Nakatitig din ako sa kanya. Ngayon mas naaninag ko ang mukha niya. Halos kasing edad ko. Katamtaman ang mata at kayumanggi. Maganda ang tangos ng ilong at kulay rosas ang mga labi.

Base sa tindig at pananamit niya, I can say he's handsome, elegant and... gorgeous.

Alison what are you thinking?!

At ngayon ko palang napagtanto na natapunan ko pala siya.

"I-I'm sorry" -ako

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos kong sabihin yun. At walang ano anong naglakad papalayo. Did he care? Tell me.

Pwede pa sigurong bumili nalang ulit. Hindi niya naisip na palitan. Ang galing niya.

Nasa loob na ako ng station at pabalik na sa ginagawa ko nang salubungin ako ng Deputy. Sarah Antonio. She's a Filipino-American. Beautiful and flawless. Siya ang pantasya ng mga tao dito sa loob at maging sa labas. Kakapromote niya lang last month. Isa siyang napakagaling na police na tunay kong hinahangaan. I wish I could be like her.

"Hi. Lieutenant  Peñaranda wants to see you. " -Sarah

Nakangiti niyang sabi.
Macoconscious ka pag kaharap mo siya.

"yes ma'am" -ako

Pumasok na ako sa opisina ng Lieutenant. At nakita ko si Will.

"have a seat Officer Villaranda"

Saad ni Lieutenant Carlos Peñaranda. Nasa middle age na siya. May itsura at halata parin ang pagiging matipuno.

"What is it, Sir?" -ako

"May inireport na kaso ngayon ngayon lang. I need you to work with Officer Sanoria. Gusto kong mapagtagumpayan niyo, actually. For your promotions." -Sir Carlos

Will's eye broadened. Mine too. Nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ng Lieutenant. Promotions, right?

May inayos lang ako sa mga ginagawa ko kanina at sumunod na kay Will at sa iba pang mga pulis. I hop in as the engine starts.

We're heading to seaside. Nandoon ang bangkay ng biktima.

Halos 5 minuto lang ang layo. Nadatnan namin ang kumpulan ng mga tao. Pagbaba namin ng sasakyan agad kaming nakisiksik. They gave way for us.

"Ano ba yan"

"sayang, ang ganda niya pa naman pinatay lang"

"hiniwa pa sa tiyan eww"

Isang babaeng duguan at may hiwa ang tiyan. Na parang may kinuha sa loob. Kahit na puno siya ng dugo, still I can sense her beauty. Napakabata. Siguro'y mga nasa 18 to 19 lang.

El Caso de AzuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon