Pitong araw ang nakalipas at patuloy parin kaming nag iimbestiga. Una naming pinuntahan ang mga magulang ng biktima at matalik na kaibigan ng namatay na isa sa sa mga persons of interest namin. Base sa resulta ng autopsy ay lumabas na drug overdose ang ikinamatay ng biktima at pinaglagyan ng ginto ang hiwa sa tiyan niya. Inaalam pa namin kung ano ang pinakamotibo sa pagkamatay niya.
Pagkababa namin ng sasakyan ni Will ay diretso na kaming pumasok sa isang matayog na building sa buong syudad.
"nasa 13th floor po ang opisina ng President, ma'am." saad ng receptionist ng magtanong kami.
Pagkarating namin sa harap ng opisina ng President ay kumatok si Will ng tatlong beses at tsaka binuksan.
Ito na nga siguro ang Dimitri Houston na hinahanap namin. Abala siya sa mga papeles na hawak. Pansin mo agad ang pagiging magandang lalaki niya kahit na nakayuko. Nilingon niya kami ng mapansin ang presensya namin at napalingon siya ulit sakin. Sa tingin ko naaalala niya ako.
"you aren't here to say sorry, are you?" saad niya ng nakatingin sakin.
Nagtaas ako ng kilay sa tanong niya. Alam ko na ang tinutukoy niya.
"I said that already, but I guess it wasn't my fault Mr. Houston" sabi ko ng diretso ang tingin sa kanya.
"are you saying it was mine?" saad niya at pinaglaruan ang ballpen.
"We want to talk to you... Mr... Houston?" nabaling ang atensyon niya ng magsalita si Will.
"spill it out" sabi niya sabay turo sa couch at sandal sa swivel chair habang medyo pinapaikot ito.
Umupo kami sa couch na malapit sa harap ng mesa niya.
"Didiretsuhin kita Mr. Hous-" naputol ang pagsasalita ni Will
"Dimitri. I'm fine with it" sabi niya
"alright then, Dimitri. Ganito.. Kakilala mo naman siguro si Azura."
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng sabihin yun ni William. Mukhang galit na siya ngayon.
"silence means yes, Dimitri." sabi ni Will ng nakangisi.
"what about Azura?" Ganun parin ang ekspresyon niya.
"alam naming may alam ka-" si Will
"okay leave. Don't have time for you." kalmado niyang sabi sabay tayo at harap niya sa malaking glass window sa likod niya.
Natahimik kami saglit ni Will.
"mas nakakapagduda kung ganyan ka." lalong ngumisi si Will sa naging reaksyon niya.
"samantalahin niyo ang pagkakataong binibigay ng kalaban. Baka di kayo makalabas ng buhay dito."
Napalingon kami sa nagsalita. Isang napakagandang blonde na babae. Kasing edad ng Dimitri na to. Napaka elegante. Hindi mo maikakailang nagmula sa sosyal na pamilya.
"kalaban?" taka ko sa tanong niya.
"hindi ba? Ano sa tingin niyong ginagawa niyo? Hindi niyo ba kami kinakalaban?" sabi niya sabay cross legs.
Ayokong makipagtalo dito. Tumayo na ako para umalis na at sumunod naman ang partner ko. Baka bangkay nalang namin ang makalabas dito. Mahirap na. Hindi samin ang teritoryong to.
Mag si-six na ng makabalik kami ng istasyon. Maya maya'y may naisip ako. Hmm. Know this won't be a good idea.
"Will" tawag ko sa partner ko.
"hmm?" napatingin siya sakin
"nothing. Una na ako. Take care"
"yeah... You too" tiningnan niya akong may pagdududa. Pero di ko na pinansin.
BINABASA MO ANG
El Caso de Azura
ActionAlison Villaranda. Isang pulis na may mababang ranggo na naatasang mag-imbestiga sa misteryosong pagkamatay ng isang dalaga. Sa kasalukuyan ng kanyang imbestigasyon ay iba't-ibang malalaki at maimpluwensyang tao ang kanyang nakaharap kabilang ang ne...