*****
It was Saturday in the afternoon of December when mom told us about her project at Ipil, one of the provinces in Zamboanga Sibugay. She told us that she was personally chosen by their boss Mr. Villarete, the owner of Villarete Engineering Firm. His boss was satisfied with her previous project kung saan si mama ang na assign as Civil Engineer sa isang Condominium sa Davao City. My mom also told us that it might take 2 years to finish her next project.
"Ma, ang tagal namang matapos yang proyekto mo" ate said while sitting on the couch and eating her corndog.
"Anak, hindi naman basta basta tung project nato kasi isang malaki at malawak na gusali ang gagawin ko" pagpapaliwanag ni mama kay ate habang nakahiga sa Chaise longue namin at nanonood ng noontime show sa TV.
"Oo na Ma, alam ko naman na kailangan ng mahabang panahon para makabuo ng isang Mall. Ang sa akin lang sinong maiiwan kina Gleo, Mikha at Joey? Masyado na tayung nakakaabala kina Tita Linda, dahil sa bawat project mo sa kanya mo sila iniiwan and take note pa ha ang tagal matapos yang next project mo. Tapos Ma, 2nd year college na ako next school year at baka hindi na ako masyadong makauwi sa CDO kasi mas busy na yung sched ko." Mahinahong sabi ni ate kay Mama habang nilalagyan ng ketchup yung corndog ni Mikha.
Habang nagpapalitan sila ng mga salita sa mahinahong paraan ay busy naman ako sa pag-aaliw kay Joey, our 5-year-old little brother. Apat lang kaming magkakapatid, si Mama nalang bumubuhay sa amin kaya nahihirapan talaga siya minsan ipagsabay yung trabaho niya at sa pag- aalaga sa amin. Dalawa ang naging ama namin ni Ate, our biological dad and step dad. Our biological dad cheated on our mom kaya sila naghiwalay, and sa step dad naman namin which is ang biological dad nina Mikha and Joey ay namatay na 4 years ago dahil sa car accident. Sa pangyayaring naganap sa dalawang partner ni mama ay nawalan na siya ng gana magmahal ulit at tinoon nalang ang kanyang atensyon sa trabaho at sa amin.
3 years ang agwat ko kay ate, 8 years naman ang agwat ko kay Mikha at 11 years naman ang agwat ko kay Joey. Si Joey nalang ata yung ka isa- isang lalaki na mamahalin ko, masyado rin kasi akong na apektuhan sa problema ng pamilya namin.
"Kaya nga anak, hindi naman ako aalis na walang plano. Hindi ko naman nakakalimutan na sa San Carlos ka nag- aaral." Pagpaptuloy na usapan ni na mama at ate habang kaming tatlong magkakapatid ay na aaliw na sa palabas sa TV.
This is actually our family time, pinili ni mama ang Saturday as a day off para makapag quality time naman kami. Family time na may halong seryosong pag- uusap. My ate is a student of Fine Arts major in Fashion Design, dream niyang pumunta sa Paris at maging popular doon. Supportado ni mama lahat ng mga pangarap namin kasi naniniwala siya na kami ang bubuo ng magaganda naming kinabukasan.
Ako naman ay nasa huling year pa lamang ng Junior High School. Nag- aaral ako sa Liceo de Cagayan University High School. Hindi ako palakaibigan at puro aral lang ang inaatupag ko sa school. Hindi ko naman yun choice at hindi ko naman ginustong mapag- isa. Marami lang talagang plastic at mapagkunwari sa paligid kaya pinili ko nalang hindi sumali sa circle of friends nila. It was actually nice na walang circle of friends pero minsan na iingit din ako sa iba na may kasamang umuwi pagkatapos ng klase.
"What do you mean Ma? Isasama mo sina Gleo sa next project mo?" tanong ni ate kay Mama na siya ring nagpukaw sa atensyon ko.
"Yes, that would be my plan. After ng graduation ni Gleo ay aayusin ko na ang papeles ng mga kapatid mo at dun muna sila mag- aaral for two years sa Ipil." Sabi ni mama kay ate at nakangiting tumingin sa akin dahil napansin niya yatang nakikinig na ako sa pag- uusap nila.
"Diba Gleo anak wala namang problema sayo? I mean new environment din yun and hindi masyadong crowded hindi katulad dito sa syudad natin" Nakangiting sabi ni mama sa akin hoping na hindi ako aangal sa pasya niya.
YOU ARE READING
My Father's Hometown
RomanceIsa lamang ang kanyang dahilan kung bakit siya pumayag mag- aral sa lugar na pinagmulan ng kanyang ama. Ang kanyang ama na hindi niya mapatawad dahil sa pangloloko nito sa kanyang ina. Could she handle the new environment that she would face? Mahaha...