Chapter 01: Blake my Cousin

3 0 0
                                    


*****

"Welcome to Ipil, Zamboanga Sibugay"

Unang bungad sa unang tapak sa probinsya na pinagmulan ng aking yumaong ama. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami kasi buong byahe ay natutulog lang ako. Nagigising lang ako kapag nag sto-stop over si mama para bumili ng pagkain para sa amin at sa kanya. Mahigit walong oras din ang byahe bago kami napadpad dito sa probisya.

Hinanap ko muna ang phone ko sa mini sling na nakasabit sa katawan ko para matignan ko kung anong oras na ngayon. Mag aalas syete na pala ng umaga. Malapit na rin kasi mag gabi nung umalis kami sa CDO.

"Mga anak kakain muna tayo ng breakfast sa Jollibee ha, kasi ang sabi ng lola niyo ay doon nalang daw niya tayo susunduin. Hindi ko kasi alam kung saan ang bahay niya talaga dito." Sabi ni mama samin at na natuwa naman ang mga kapatid ko kasi paborito nila ang Jollibee.

"May Jollibee dito ma?" tanong ko kay mama na agad naman niyang ikinatuwa

"Syempre naman anak, hindi naman to yung probinsya na puro tanim at puno lang ang makikita mo sa paligid. Marami ring mga gusali dito at mga shopping center." Nakangiting sabi ni mama sa akin at tinignan ako ng mabilis bago ibinalik ang mga mata sa daan.

"Marami ring sasakyan dito anak at sabi ng isang kasama ko sa trabaho noong na assign pa ako sa Davao ay malapit na daw maging syudad tong probinsyang ito." Dagdag pa niya kaya biglang naiba ang pananaw ko sa probinsyang ito.

Patuloy parin sa pagmamaneho si mama at nakatingin lang ako sa daan kasi hiniram ni Mikha ang phone ko dahil maglalaro raw siya ng fruit ninja. Habang nakatingin ako sa paligid ay napapansin ko nga na marami ng gusali sa aming dinadaanan.

Napansin ko rin na may malaking sementong nakatayo na may nakaukit na mga baybayin sa daan na aming tatahakin.

"Ma, ano yan?" tanong ko kay mama dahil nagagandahan ako sa imahe nito at para itong sentro ng probinsya dahil nakalagay ito sa gitna ng daan.

"Ah, ayan ba? Yan ang tinatawag nilang Rotunda dito. Nagsisimbolo na nandito na tayo sa pinaka sentro ng probinsya. At tiyaka nakikita niyo ba yun" tinuro ni mama ang isang fast food na siya naman ikinatuwa ng dalawang chikiting sa aming likuran. Lumiwanag din ang aking mga mata dahil nagugutom na rin ako.

"Jollibee! Jollibee! Jollibee" sabay sabay nilang sabi kaya natuwa naman kami ni mama.

"So andito na tayo sa gita ng probinsya ma?" tanong ko ulit sa kanya habang nakatoon parin ang mata niya sa daan.

"Yes anak" Nakangiting sambit niya.

Habang nagmamaneho si mama patungo sa Jollibee ay napansin ko rin na may dalawa ng branch ng Jollibee dito, may Chowking rin akong naikikita, red ribbon, Greenwich at mga iba't iba pang shopping center.

Nag park si mama sa parking area ng Jollibee, hindi kami nag drive thru kasi hihintayin namin si lola sa loob habang kumakain.

"Gleo mauna muna kayo ng mga kapatid mo sa loob at tatawagan ko muna ang lola niyo ha" Sabi ni mama habang nag da-dial ng numero sa kanayang cellphone.

"Sige po ma, Mikha and Joey hawak kayo kay ate dali" excited naman nag tanggal ng seatbelt ang dalawa kong kapatid at inalalayan ko silang bumaba sa kotse.

Hinawakan ko ang tig iisang kamay nila at sabay kaming pumasok sa loob. Binati naman kami ni manong guard na sinuklian ng mga ngiti ng dalawa kong kapatid.

Naghanap muna kami ng bakanteng upuan at lamesa para sa amin apat dahil si mama na bahala mag order para sa amin. May nakita kaming bakanteng upuan sa dulong bahagi malapit sa bintana kaya nag uunahan ang dalawa kong kapatid na pumunta roon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Father's HometownWhere stories live. Discover now