chapter 1:late with kiss

38 1 1
                                    

Chapter 1:Late with kiss

Hana’s p.o.v

Tamang-tama,kompleto na ang plano ko mamaya but wait anu kaya ang section ng manyakis na yun?tss, wala na akong pakialam kung anu man ang section ng gago na yun,basta magdurusa siya mamaya.Last subject na namin ‘to kaya pagkatapos nito ay maisasagawa ko na ang plano ko,pero ginagawa ko lang naman ‘to pambawi sa paghalik niya kaya hindi naman ata ito masama.

“ok class,goodbye and thank you”

“thank you rin maam”sabi ng mga kaklase ko.

Ako naman wala sa sarili dito sa sulok,nasa tabi kasi ako ng bintana nakaupo.Iniisip ko kasi kung anu ang magiging reaksyon niya pag ginawa ko yun.hahahaha.

“ms.Chua”ayy palaka ka.Bakit kaya ako tinatawag ni maam?.

“Ano po yun maam?”

“nagtatanong ka pa ah,Kanina kapa tulala dyan at hindi nakikinig kaya bilang parusa mo,ibigay mo ‘to kay maam Valdez yung teacher ng third section”wow ha,ang daming notebook naman ang dadalhin ko,pero ok lang.

“sige po maam”kinuha ko na ang maraming notebook at dinala na sa third section.Magkatabi lang naman ang room namin e.Kasi second section ako.

“excuse me maam,pinabibigay po ni maam Clarisse”

“pasok ka”pumasok naman ako sa classroom kaya nakita ko ang mga students ng third section at nakita ko si manyakis na nakaupo sa likod.

Third section ka pala ah.Nag smile pa sa akin.HAHAHA mawawala rin yang smile mo mamaya.Umalis na ako at bumalik ng classroom.Sana man lang maging success ang plano ko mamaya para naman makabawi ako noh.Lahat ng utang PINAGBABAYARAN,kaya tama lang na gawin ko ‘to.

“Darra,mauna kana lang umuwi,may detention pa kasi kami e baka matagalan ako”sabi  ko kay darra na nag-aayos ng gamit.

“hihintayin kita hana”

“wag na,alam mo naman na mabagal akong magpulot ng basura,kaya matagal talaga”

“hihintayin lagi kita,ok lang na matagalan ka basta magsasabay tayo”

“darra,ayokong maghintay ka ng matagal kaya mauna kana,promise uuwi ako ng maaga”

“promise mo yan ah”

“oo naman,sige na umuwi kana at bababa na ako”

“Sige,basta umuwi ka ng maaga”

“opo”At umalis na siya.

Kinuha ko naman ang gamit ko at bumaba na.Kanina ko na kinuha yung gunting kay darra kaya ready na ako sa gagawin ko.Bumili na ako ng supot sa canteen at naghanap na ng basura.Tamang-tama namumulot din si manyakis ng basura kaya medyo tumatabi ako sa kanya at nang-iinis.

“Mukhang di ka makahanap ng basura ah”

“ano naman ang ginagawa mo dito?”gulat niyang tanong.

“naghahanap ng basura”

“ah pero sa tingin ko wala tayong mahahanap na basura dito”

“ako walang mahahanap pero ikaw meron,Tambak pa nga e”

“ha?san?”

“yang sarili mo,supotin mo na kaya,BASURA ka naman diba?”biglang nag-iba ang aura niya sa mga sinabi ko.(^ _*)

“ikaw,kung hi-“

“joke lang po,ikaw talaga ,sa gwapo mong yan…magiging basura?hahaha sige alis na ako”mukhang masusuka ako sa mga sinabi ko.Umalis na ako para maisakatuparan ang mga plano ko.

Kinuha ko na ang gunting ko sa bag at nagsimulang mag gunting ng halaman at dahon nito sa likod ng school.Sigurado kasi ako na kung ilalagay ko ‘to sa supot ni manyakis e mapupunta siya sa principal’s office,Pinagbabawal kasing gupitin ang mga halaman na to,Especial kumbaga.

At kung matatapon siya sa principals office,Mapaparusahan ito.BWAHAHHAHAHA,naniningil lang ako.

#######^^^

Natapos ko ng gupitin lahat ng halaman kaya sinupot ko na ‘to.Pumunta na ako sa line formation para Ipa check ang mga basurang napulot namin.Tamang-tama nasa unahan ko si manyakis at nasa huling linya ako.Wala na masyadong tao kaya walang makakakita ng gagawin ko.

Binaba ni manyakis ang supot niya.Bigla ko naman yung kinuha at pinalit ang supot na may halaman at dahon ng halaman.Tinapon ko naman ang basura niya sa basurahan malapit sa upuan malapit sa gate.Hindi naman niya naramdaman ang pagkuha ko kaya umepal na ako.

“hala,ba’t mo pinang gugupit ang mga halaman sa likod ng school?Magagalit si maam principal pag nalaman niya ‘to.Tsk tsk tsk”lahat naman ng mga officers tumingin sa akin at sa basura ni manyakis.

“june perez?totoo ba ang sinasabi ni ms chua?”june perez pala pangalan mo ah.

“hindi noh..Andyan ang basura ko sa tabi ng paa ko at anung halaman ---“tinignan naman niya ang basura malapit sa paa niya.

“teka ba’t naging ganito ang basura ko?wala akong ginupit na halaman”

“baka naman nature hater kalang kaya mo yan ginupit”

“anung nature hater,baka ikaw”Ang seryoso ng mukha niya habang pinagsasabihan ako.Kasalan niya yan e kung hindi niya sana ako hinalikan edi wala sana ‘to.

“nature lover ako noh specially sa mga halaman”

“tama na yan.mr perez,Punta kana sa PO office,Lagot ka kay maam,siguradong mapaparusahan ka ng bonggang bongga”

“yan kasi ang mga napapala ng mga MANYAKIS BA”nagbehlat ako sa kanya habang nakatalikod siya.Lumuwag naman ang puso ko ng mawala na siya sa paningin ko.

Pagkatapos kong madetentionan,dumiretso na ako sa bahay.Pagdating ko,kumakain na pala ng dinner si Darra.Siguradong papagalitan naman ako nito.

“Ba’t ka ginabi,hindi mo pa sinasagot mga tawag ko”sabi na nga ba.

“ah..a..no matagal kasing nagdetention ang mga officers kaya yun natagalan”

“Ganun ba,sige kumain kana,magpapahinga na ako sa taas”

“sige,goodnight”Pumunta na siya sa taas at habang ako,nakangiting kumakain pero parang nakokonsensya ako sa mga ginawa ko.

Mali ata yun e.Pero naniningil lang naman ako ah.Siya rin naman ang umuna hindi ako.Magpe-pray nalang ako mamaya para naman mabawasan ang konsensya ko sa mga ginawa ko lalo na dun sa mga halaman na pinang gugupit ko.Nature lover ako noh tapos ginawa ko pa yun.Siguro,tatanungin ko nalang si June?june ata kung ano ang parusa niya at Mag so sorry ako sa mga nawasak kong buhay ng mga halaman,Kawawa naman sila.*SIGH*.

(a/n)…How’s the update.Pag makaka gain ito ng 10 votes,mag-uupdate ako ng mabilis.Thanks for reading….Problema ko pa pala ang gown ko ngayong Js namin.hindi pa kasi nakakahanap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship or him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon