Miss Invisible ba?

6 1 0
                                    

Shine's POV

Naglalakad ako kasama sila Kuya, mas nauuna pa pala si Kuya Drake which is not nakakapanibago. Early bird kasi siya. Nagpaalam lang ako kila Kuya na pupunta lang ako ng C.R kasi nawiwi na ako.

Pumunta ako sa C.R at may bago pa man ako makapasok sa isang cubicle, nakita ko na ang isang babaeng naiyak. She is familiar, kaklase ko ba 'to? Nilapitan ko siya.

"Hey, anong nangyari? Why are you crying?" Tanong ko. Nabigla naman ata siya.

"K-kasi po..... pinunit po ng mga.... babae yung project ko.. na pinagawa sakin ni Ma'am para mabawi k-ko yung points k-ko." Hihikbi niyang sabi. Kawawa si ate. Sama naman ng mga yon. Tsk.

"Bakit naman nila pinunit yon? May ginawa ka ba na ikakasama nila?"

"Sabi po kasi nila..... kunin ko daw po ang a-answer sheet ni Ms. Torre s-sa... physics... tinanggihan ko po, a-alam kong masama iyon, p-pero pag balik ko po sa upuan....ko... punit punit na po yung p-project ko."

Ah. So yun ang nangyari. Masama mang daya, niloloko mo lang sarili mo, di'ba?

"Ang sama ah! Answer sheet lang, mangdadamay pa! Letse sila! Hayaan mo sila, pag ginawa ulit yun sayo, ililigtas kita! Promise!"

"Maraming salamat po." Mukha tuloy akong matanda.

"Drop the 'po' thingy. Pangalan ate?"

"Heirshen Sapphire Salvatron." Wow. Just wow. Ang ganda ng pangalan niya.. maganda naman siya kapag nagayos siya eh.

"Ikaw?"

"Nashlie Raine Domingo! Your friend. Shine nalang."

"Kaibigan? N-nakakahiya naman po. Wag na. Baka madamay ka pa pag binunully ako..."

"Hindi yan! Ako pa! So, Heirshen? Tayo ka na diyan! Baka sabihin ng mga Kuya ko naflush na ako dito eh. Hahaha."

"Salamat, Shine."

Sabay kaming naglakad. Pinagtitinginan kami ng mga tao. So what? They're not perfect, so, shut the hell up! I know, I am bitchy but I am true sa mga taong kaharap ko.

Sinama ko si Heirshen sa tambayan. Nandun na din pala si Kei and Simon. Hearts, beats, fast.

"Hi guys! Eto nga pala new friend ko! Si Heirshen!"

"Hello miss Heirshen! Ako nga pala si Nathaniel 'The Great Gwapo' Domingo! Or you will come to know, your destiny. ;)" May kindat kindat pang nalalaman. Lul talaga.

"Ulol! Great Gwapo ka dyan men?! ASA ka pa! Hindi maalam mang chix!" Kuya Zands as well, playboy.

"Makakahanap ka rin ng katapat mo ZANDER DOMINGO!"

Natatawa nalang si Heirshen. May dalawa ba namamg kolokoy sa harapan niya? Sinong di matatawa don? Hahaha.

As usual, nilalampasan lang ako ni Kei, si Simon ayon, ngiti ngiti lang. Kaklase ko nga pala si Heirshen. Magkatalikod lang kami ng upuan.

"Kung ikaw ay may mahal tumawa ka, haha. Kung ikaw ay may mahal tumawa ka, haha. Kung ikaw may mahal, puso mo ay sisigla. Kung ikaw may mahal, mahal ka ba? Haha." Lakas mangtrip nitong si Kuya Nate eh. Kaasar. Kantahin ba naman yon? Napayuko nalang ako. Mamaya pa start ng klase,tumambay na lang ako sa likod ng school.

Recently kasi, naguguluhan na ako sa feelings ko, mahal ko si Mamon, mahal ko rin si Kei. Aysus, nakakalito na kaya! Ugh!! I can't decide either! Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Ay! Nagulo! Tagal ko pa naman, sinuklay 'to! Ugh! 1000 strokes kaya 'to! Huhuhuhu! -_-+

"What will I gonna do? Complicated life it is. Di ko na alam kung sino ang pipiliin ko. Kung kay Kei, invisible ako, kay Simon, bestfriend niya ako, sino ang pipiliin ko?! Ang gulo gulo na!! Letse!

Right ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon