Chapter 2: Meet Sab

16 1 0
                                    

Isabella's POV

*kring*

*kring*

*kring*

Aish. Ang ingay. Letseng alarm 'to. Bakit pa nauso. Teka teka. Anong oras na ba?

*tingin*

*tingin*

7:00 am

O_______O!!

Omo!

Malelate na ako! Big time! >__<

*Pasok sa C.R*

*After 30 minutes...

"Ma!! Aalis na po ako!" Humihingal na sabi ko habang bumababa ng hagdan.

"Teka anak hindi ka pa kumakain. Eto sandwich baunin mo na lang. May dala ka ba'ng tubig?" Tanong agad ni Mama ng makitang nagmamadali akong pumasok. Aish. Bakit ba kasi nagpuyat ako e. Kainis naman.

"Opo Ma na-prepare ko na po. Nasa bag ko na at kelangan ko na po talagang umalis kasi malelate ako." Sabay kiss kay Mama at tsaka tumakbo ng mabilis.

"Anak mag-iingat ka!" Sigaw ni Mama sakin dahil malayo na ako sa kanya.

_________________

*After 15 mins.

Woah. ^o^

Ang laki naman ng school na'to. Mukhang malinis at disiplinado ang mga estudyante. Hmm. Nakaka-excite mag-aral. ^__^

Oooppss! Nakalimutan ko tawagan ang mabait kong bestfriend. 8 am pa naman yung first subject namin kaya hihintayin ko muna siya.

*Hanap*

*Hanap*

Gotcha!

*Dial*

*Ring ring ring*

(Hello?)

"Hoy bruha! Nasa'n ka na? Nandito na ako sa may tapat ng gate ng school natin."

(Teka bru malapit na ako.)

"Sige bilisan mo hihintayin kita kahit malate tayo ng konting minuto."

(Oo bru eto na nakikita na kita.)

*Sabay baba ng tawag*

"Hoy!"

"Ay anak ka ng nanay mo! Manggulat daw ba?"

"Hahaha! Tara na bru late na tayo first day na first day."

"Ikaw lang talaga hinintay ko para tuluyang pumasok sa gate na 'yan. Tsaka 5 mins lang naman tayong late e."

"Ay. Ang OA? Aysya. Thank you bru. Mwaa!! Hahaha!!"

"Aish. Tama na nga. Halika na. 1, 2, 3, takbooo!!"

*Panting*

*Tapat ng Room 201*

Eto na nga yun.

*I-I BS Psychology*

"O---M--G b--bru. Na-nagsisimula n-na a--ta si-sila." Sabi ng bestfriend ko habang hinihingal.

"Mag-ex-cuse na l--lang t-tayo."

*pihit ng door knob*

"Ma'am excuse po. Sorry if we're late po." Sabi ko habang nakatingin sa teacher ko.

*sabay tingin ng iba naming mga kaklase sa'min*

"Ohh. Dahil first day of school naman ngayon, sige pagbibigyan ko kayo. Hala sige. Maupo kayo doon sa dalawang bakanteng silya sa dulo. Sa susunod bawal na ang late ha? First subject n'yo ako at ayoko sa lahat ang nalelate."

"Yes ma'am." Sabay naming sabi ni bru.

"And wait. Tutal late kayo, would you mind to introduce yourself to the class?"

Shoot!

"Okay po ma'am." Hay. As expected magpapakilala na naman sa harap ng mga kaklase.

"Ako na mauuna bru. Ehem. Hi! I'm Jasmine Emerald C. Dela Merced, 16 years of age, you can call me "Jassy", sana maging friends tayo guys!" *sabay peace sign* Eto talagang si bru. Napaka-jolly.

This is it pancit. Ako na.

*sighs*

"Hello! Maria Isabella O. Monteverde here! "Sab" for short. Uhm, 16 years old. Hope magkasundo tayo guys! *sabay ngiti*

"What a beautiful name for a beautiful ladies like you. Sige na mga hija maupo na kayo dun sa proper seats niyo. Beside Mr. Diaz."

Mr. Diaz?

Ohh. Si kuyang pogi pala. Well. I don't care. Nandito ako para mag-aral.

3 hrs. has passed. And the usual, discuss lang ng discuss ang mga prof's namin, yung iba may introduction pa at pagpapakilala.

*Lunch break*

"Tara na sa canteen Jassy."

"Ohh. Teka lang."

"Sino ba kasing sinisilip mo dyan?"

"Si Kevin. Hihi."

"Huh? Sino?"

"Yung poging nilalang na kalapit ng upuan natin. Ang hot nya."

Err. Kahit kelan talaga itong si bru napakahilig sa lalake. Kaya ang dami niyang ex's eh kahit nung highschool kami marami ng nagkakandarapa dyan.

Well, maganda naman tong si bru, matalino, disiplinado, kaya alam kong kaya niyang ihandle ang ganyang sitwasyon, pero syempre dahil bestfriend kami nyan mula nung mga bata pa kami, hindi ko hinahayaang masaktan yan, lagi akong nasa tabi niya lalo na kapag kelangan niya ng kausap at makakasama.

Katulad ngayon na college na kami, parehas kami ng school na pinasukan dahil ayaw namin mawalay sa isa't isa at tsaka ibinilin yan sakin nila Tita Celine bago sila umalis papuntang Europe para sa business nila.

Only child kasi si Jassy kaya mag-isa lang siya ngayon sa bahay nila, mga katulong lang nila ang kasama niya.

Anyways, mahila na 'tong si Jassy sa canteen at gutom na ako.

"Tara na Jassy. Kumain na tayo."

"Oo na. Pero bru aminin mo, hot siya diba?"

"Haynako. Oo na lang. Pero kilala mo naman ako diba? Wala akong hilig sa boys kahit dati pa. Kaya tara na't kumain."

"Aish. Ang bitter mo talaga pagdating sa ganyang bagay no? Kaya 'di ka magkaroon ng boyfriend e. Dami-daming nanliligaw sayo nung highschool tayo pero ni isa wala kang sinagot. Sige ka tatanda kang dalaga n'yan."

"Bru, gusto ko mag-aral ng matiwasay, yung walang distraction kasi gusto ko makatapos ng maayos."

"Oo na. Aysya. Halika na sa canteen at kanina ko pa naririnig ang mga buwaya mo sa tiyan. Hahaha!"

Nakabili na si Jassy ng pagkain niya, ako naman eto nakapila pa rin. Err. Gutom na gutom na 'ko e. >__<

*After 5 mins.*

Sa wakas! Ako na!

Yay. andami kong nabili. Haha di halatang gutom na gutom ako. Makabalik na nga sa table namin.

"Woah. Di ka naman gutom no bru?"

"Di naman. Hihi. ^__^V"

After namin kumain, bumalik na kami sa room. Discuss dito, discuss doon, pakilala dito, pakilala doon. Hays. Nakakapagod na araw pero worth it, andami kong na-take down notes sa first day. I think marami talaga akong matututunan ngayong college compare nung highschool ako.

Fate. Love. Destiny.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon