Ikaw

6 0 0
                                    

Panaginip ang pahinga

sa mundong nakakapagod

Nagdudusa ka rin ba?

Halika dito sa tabi ko

ipapahinga kita..


Kausapin mo ko

Tignan mo ko sa mata

sa akin mo ikwento 

ang hindi mo masabi sa iba


Pangako, hindi ako manghuhusga

dahil alam kong pagod ka..


Parehas ba tayong "may" ganitong nararamdaman?

pero kung hindi, sige okay lang.

Tanggap ko naman

Matagal ko na itong tinatago..

na ayokong isigaw

kasi mahuhusgahan ng tao

TagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon